Chapter 5

7 3 0
                                    

" My Scary Little Secret "
Chapter 5

Kirino POV

Hindi.. hindi tama to. Parang may kakaiba. Bakit ganun yung tingin nya? Dahil ba kay shindou? Gusto ko lang naman na maging malapit kay shindou ah. Bakit ganun..

Yung tingin nya parang papatayin ako...

Bumilis ang lakad ko palayo sa classroom. Ayoko itong nararamdaman ko. Bilis pa.. gusto kong lumauo. Takbo ako ng takbo. Hanggang sa may nakabangga ako.

"K-kirino?" Napatingala ako. Nakita ko si minamisawa.

"Minamis-sawa.. " tumayo ako agad. Hinawakan ko ang kwelyo nya.

"Uy.. tulungan mo naman ako.. please naman oh.. s-sige na" nanginginig ako. Bakas ang pagamba sa kanyang mukha.

Hinawakan nya ang balikat ko.

"Kirino. Mapanganib. Lumayo ka. Hanggat maaari. Lumayo ka."

Nagbagsakan ang luha ko. Ayaw ko nito. Ayoko na. Pakiusap ibalik nyo ang lahat sa dati.

Umiling ako.

"Hindi na ko lalapit. Tulungan mo ko. Sige na.. lalayo na rin ako."

At ng araw din na iyon.

Someone's POV

"Class. I have something to say." Napabaling ang atensyon namin kay sir endou.

"Si Kirino Ranmaru. From today onward. Hindi nyo na sya kaklase"

Nagulat kaming lahat.

"P-po?!" Gulat na sambit ni shindou.

"Sir endou.. anong ibig nyong sabihin??" Tanong naman ni midori.

"Gaya ni minamisawa. Lumipat na rin sya ng school"

Si.. si akane ang may gawa nito. Sigurado ko.. may kinalaman sya tungkol sa pag alis ni kirino.

Tumingin ako kay akane. Bigla syang lumingon sa akin. Agad kong binaling ang atensyon ko sa lamesa ko.

Na.. napansin ba nya ? Hindi naman.. siguro nya.. ako napansin. Hindi ba?

Bigla akong nakaramdam ng panlalamig. Para kong tinitignan ng kadiliman.

Si... si akane ba iyon?

No one's POV

" *cough cough* " palinga linga sya. Hindi alam ang gagawin. Matapos ang ilang araw na pamamalagi sa isang lugar na madilim. Malamok. Madumi. At sarado.

"Tulong! Nasan ako!" Pilit nayng sigaw. Kapwa nakatali ang kamay at paa nya. Nagawan nya ng paraan na maalis ng bahagya ang takip sa bibig.

Bigla syang nasilaw sa liwanag ng nagbukas ang pinto sa itaas.

Paghakbang ng paa ang kanyang narinig. At nakita nya ang taong.. halos magpahimatay na sa kanya.

"Gising ka na pala #/&*^ "

@ Neechan

My Scary Little SecretWhere stories live. Discover now