Epilogue

6 0 0
                                    

" My Scary Little Secret "

EPILOGUE

"Oh, kirino, ano ang ginagawa mo dito?"

"Hinahanap ko si shindou, Nakita mo ba sya? Sangoku?"

Nagpanggap na tulog ang raimon na nasa loob ng silid. Habang si shindou ay nagtago sa likuran ng pinto.

"Hindi eh. Baka kasama ni akane"

"Sayang naman"

"Bakit naman sayang? Kirino?"

At sumaklob sa huwad na sangoku ang sako na hawak ni shindou. Isang hampas sa likod at tuluyan itong bumagsak sa sahig, walang malay.

'"Halika! Tumakas na tayo!"

Nagsitayuan ang lahat, isang pintuan nalang at tuluyan na sila na makakatakas sa bahay ni akane. Pero...

"Amagi..."

Endou POV

"Nagkita tayo muli, endou"

"Bakit sila nakatakas?"

Kaharap ang lalaki na parehas ng aking wangis, ilang taon na ba matapos kami muli magharap.

"Hindi naming batid ni gouenji na malalaman ng mga bata ang portal. Dahil sa notes ni shindou na nakita ni akane... nakahanap sya ng iba pang tutulong upang buksan ang lagusan"

"Delikado ang ginagawa nila"

"Alam ko...Kaya pinasunod ko si kirino at shindou"

"Magawa kaya nila?"

"Siguro.. tulad ng kung paano natin nagawa ni kazemaru dati ang mga bagay na iyon"

Tumingin ako sa langit, nagsisimula ng dumilim.

"Ilang oras nalang ang bibilangin..."

"Tatawagan ko sila..."

"Mag iingat kayo"

Kirino POV

"Shindou? Ano ang ginagawa mo rito? At... ano ang hawak mo?"

Bola na tila lobo na may pulang buwan sa loob, katabi ko si minamisawa at kapwa kami nakahanda sa kung ano man ang pwedeng gawin ni shindou.

"Kirino... kailangan mong magtiwala sa akin"

"Kirino huwad sya!"

"Oo... batid ko. Pero... "

Kita ko sa mga mata nya. Wala siyang hangad na masama. Tila... nag aalala rin sya...

"Kailangan natin syang pakinggan"

Tenma POV

"Kyousuke... asan na daw si sir gouenji?"

"Pasunod na at sinabi na maghihintay sya sa paradahan. Mas mainam daw kung makikita natin ang mga kamukha natin"

Huh? Eh... yung kyousuke at shinsuke na humahabol samin...

"Halika, ngayon, tayo naman ang huhuli sa kanila"

Galit na saad ni kyousuke. Maski ako natatakot... pero... kailangan naming itong gawin!

"Nishiki??!"

"Tenma... ano paborito kong pagkain?"

"Ah... onigiri?"

"Si tenma nga!"

Aray! Masakit na hampas sa likod at ngiti ang sumagot sa akin. Teka... alam na rin nila? Gaano na ba kalala ang sitwasyon?

Endou POV

Nandito na nag iilan pero... si akane at kariya wala pa. Hindi parin ako makapaniwala na tinutulungan kami ng shindou at kirino ng kabilang mundo.

"Taksil ka! Kirino!"

"Hindi ko naman sinabi na kakampi nyo ako..."

Yakap nya ang stufftoy habang nakangiti dahil katabi si shindou.

"Coach endou, nakausap ko na ang coach endou namin. Pasensya na sa gulo pero... panahon na"

"Ano ang ibig mong sabihin? Hindi pwede"

"Kailangan. Para hindi na ito maulit. Sumangayon na rin ang mga nakakatanda doon. Para sa ikabubuti ng dalawang mundo..."

"Pero iyon ang hindi naming nagawa ng coach endou mo dati"

Tumingin ako sa lugar kung saan sya nakatingin. Si shindou... nakatitig din sa kanya.

"Coach, kami ang gagawa"

Hindi ko parin alam... kung papayag ako o hindi. Pero...

"Si akane ata kariya nalang ang kulang"

"Nandito sila"

Sambit ni minamisawa. Teka... hindi, sambit ng minamisawa ng kabilang mundo.

"Akala ko kung san ka na nagpunta"

"Kilala ko ang sarili ko. At... nakakatuwa rin na may pagkakatulad din kami"

Nakangiti nitong sabi habang tinutulungan sya ng isa pang minamisawa.

"Ngayon... lalo akong nahihilo"

Sambit ni Hayami na tanging pagpikit nalang ang nagawa.

"Tch... kahit kailan talaga... nakakainis kayo!"

"Ikaw ang nakakainis!" nagulat ang lahat ng sumigaw si akane. May galit sa mga mata.

"Paano mo yon nagawa? Wala ka bang puso??! Bakit mo sinaktan ang mga kaibigan ko?!"

Marahil sa lahat, sya ang naapektuhan ng labis. Dahil sya ang kawangis ng taong sumira sa masayang hangin ng raimon.

Hindi nakapagsalita ang isa pang akane na tanging pagtitig nalang sa kahawig nya ang kanyang nagawa.

"Panahon na para bumalik kami"

Ngumiti si shindou sa akin at tumango ako. Panahon na nga...

Ang kulay pulang buwan ang bumalot sa paligid. At sa pag dampi ng bola na hawak ni Shindou sa mga noo ng siyang galing sa kaparehas niyang mundi, hinigop ang mga ito at tuluyang nawala.

Hanggang sa unti unti ng nagpaalam ang iba, si minamisawa... si kirino...

At tanging si shindou nalang ang natitira.

"Patawad sa inasta ng mga kaibigan ko"

"Hindi mo iyon kasalanan"

"Kahit na..."

At sa huling ngiti nya ay sabay nilang hinawakan ni shindou ang bola. Sa isang iglap, natapos ang pulang buwan. Natapos rin ang tila bangungot na nangyari sa raimon.

"Coach endou... ano na po ang mangyayari sa kanila?"

"Bumalik na sila sa mundo nila..."

"Coach endou... ano na po ang mangyayari sa atin? Sa raimon?"

Tinignan ko silang lahat, bakas parin ang takot sa kanilang mga muka.

"Kailangan natin magpatuloy... at magpasalamat na natapos na ang bangungot na iyon"

Niyakap ko sila... ng napakahigpit. Kung alam lang nila... kung alam lang nila kung gaano ka delikado ang nangyari...

Napatingin ako sa mismong pwesto kung saan nagsara ang lagusan. Lagusan patungo sa mundo kung saan ako tunay na nabibilang. Lagusan patungo sa tunay na endou na aking pinalitan.

My Scary Little Secret Ends


My Scary Little SecretDonde viven las historias. Descúbrelo ahora