Chapter 12

6 2 0
                                    

Kirino POVNandito kami ngayon sa medic. Ginagamot si hayami habang si hamano ayun wala paring malay. Halos hindi makausap si hayami. Nakatulala sya at wala sa sarili. "Kurama ano ba ang nangyayari? Naguguluhan na ako, bakit sugatan si hayami? At walang malay si hamano?" Tanong ko.Parang ayaw nya akong sagutin. Tumingin sya kay minamisawa. "Ayos lang. Nandito ko" sambit ni minamisawa habang hinawakan ang balikat ni kurama.Huminga ng malalim si kurama. "Sisimulan ko ang lahat mula sa pag alis ni minamisawa. Alam ko na may dahilan yon. At masama ang kutob ko. Hindi ka naman aalis kung hindi mapanganib para sa iba diba?" Tanong nya kay minamisawa pero hindi sya humahanap ng sagot."Wala man sinabi si minamisawa non, malakas na ang kutob ko na mah mali. Nagsimula ang lahat kay akane. Sa lahat ng raimon, sya ang unang nagbago. Hindi man pansin pero may pakielam naman ako sa inyo. Gusto ko syang kwestyunin pero wala akong sapat na ebidensya. Matapos nyang gumawa ng hakbang kay minamisawa, ikaw naman kirino ang pinuntirya nya. Nakita ko ang pag ayos nya sa locker mo. Matapos nun, si ichino naman ang isinunod nya. Akala ko ay guniguni ko lang pero..." Napailing sya"Hindi kayo maniniwala. May kamukha tayo. Nakita kong tinulungan ng isang kamuka ni ichino si akane. Matapos nun, binantayan ko ang kilos nila at nakita ko na kausap nya si kariya. Hindi ko alam pero sa tingin ko pati mga first year nadamay na" Kagat ko ang aking daliri. Nangangamba kung kamusta na ang iba. Bakit nangyayari ito...."Napag usapan nila na si hayami ang sunod nilang pakay kaya nakipagtulungan ako kay hamano. Tama nga ang hinala ko. Pagdating namin sa bahay ni hayami, nandon sila. Nag aabang"

My Scary Little SecretWhere stories live. Discover now