53

2.8K 98 6
                                    

DUTCH POV 8

Binigyan ako ng huling pagkakataon  nina Ninang at Ninong para makipag-ayos kay Paula. Ang huling pagkakataon na ito nakadepende kay Paula kung tatanggapin nya ako o hindi.

Space ang hiningi nyang kapalit. Tinanggap ko.

Naging maayos ang lahat, bumalik kami sa dati ng unti-unti. Kahit space ang hiningi nya, nangungulit parin ako.

Parehong gumaan ang lahat sa amin.

Okay na sana pero nang malaman kong sumeryoso na ang lintik na intsik na yun at nagpapadala ang labas nila. Para akong sinusunog ng buhay.

Habang nakatitig sa kanilang dalawa sa malayo. Habang pinagmamasdan ko kung gaano kasaya si Paula sa kanya para halos hindi ako makahinga sa pagtitimpi ko.

Dumating ako sa bahay ng walang pasabi, nagulat ang lahat nang bigla akong dumating at nakulong sa kwarto ko.

Ilang araw akong hindi kumakain ng maayos. Naglalasing at nagbabasag ng kung anong mahawakan ko.

"ito pa, pwede mo rin tong basagin" pinasok ni Siti at nilapag sa kama ko ang isang tray ng maliliit na porcelain vases collection ni Mommy, yung mga antique.

"ilabas mo nga yan" sigaw ko.

Napataas ang isang kilay nya. "gusto mong magbasag diba? Ito na nga oh, hinatiran na kita. Isang dosenang baso na ang nabasag mo, baka kulangin ka?"

“I said get out!" sigaw ko.

"okay!" nagkibit balikat sya. Hinawakan nya ang isang vase, paboritong vase ni Mommy. Glow in the dark yun at made of real phosphorescent stone. Pinakita nya muna sa akin bago tinapon sa TV ko. Basag ang TV at basag din ang vase.

"why did you do that?" sigaw ko.
"you f---ahhhh!" napasabunot ako ng mga buhok ko.

Nagulantang ang buong bahay sa sigaw ko.

Nagmadaling pumasok si Mommy. Nagulat sya sa nabasag na TV, pero biglang napalitan ng lungkot ang mukha nya nang makita ang basag na paborito nyang vase.

Namumula ang pisngi nya, naluluha ang mga mata nya. "you can burn the whole house Dutch, throw all, everything!" Malungkot nyang sabi at lumabas ng kwarto.

"Siti it's your fault, why did you do that?" inis ko syang dinuro. Puno ako nang panggigigil sa ginawa nya. Magtatampo na naman si Mommy sa akin. Grounded na naman ako.

Tinuro nya ang sarili nya at ngumiti. "ako? Do you think maniniwala silang ginawa ko yun?" Napangiti sya. "hindi  solusyon ang ginagawa mong pagpapakamatay sa gutom, pagbabasag o pagkukulong dito. You can talk to Ninong Shin Kuya." napiling sya. "your so stupid" galit nyang sabi at umalis.

Kinausap ako ni Ninong, gusto nyang mag-invest ako sa kompanya nila. Akala ko mag-uusap kami tungkol kay Paula pero hindi, pursigido syang ibenta sa akin ang 6 percent share ng tiyuhin nya.

Pumirma ako, kahit halos katumbas na non ang buong pera kong naipon at binigay na pera nina Dad at Nana  sa akin, kasali narin ang time deposit ko.

"ninong, i just want to ask permi---"

"malaki kana Dutch, your should know how to handle things on your own" seryoso nyang sabi. Tiniklop nya ang pinirmahan kong folder. "it doesn't mean I asked you to invest, im giving you my daughter. She's big enough to decide on her own" napatitig sya sa akin.

"whoa! Relax Shin" si Miller. "my investment din si Adam, malay mo? Age doest matter" pang-iinis ni Ninong Miller.

Napangiti si ninong Shin at napatitig sa kaibigan.

Secretly EngagedWhere stories live. Discover now