CHAPTER 11

26 14 1
                                    

Hindi na rin nag tagal pa ang usapan namin ni kuya Fidel dahil agad na rin akong nag paalam para matulog.



Atleast I made him happy today.



Maaga akong gumising kaya pumunta muna ako sa kusina para tulungan sina nanay Sonya sa paghahanda ng breakfast namin. Ito ang kadalasang ginagawa ko na hindi alam nila Dada dahil sigurado akong magagalit sila saakin.



Naabutan ko si nanay Sonya na nag luluto habang si yaya Ethel ay tumutulong sakanya.



"Good morning po" Masayang bati ko sakanilang dalawa na agad nag pangiti sa kanilang dalawa.



"Magandang umaga para sa munting prinsesa ng mga Salazar!" Masayang bati saakin ni yaya Ethel na agad nag bigay ngiti saaking labi.



"Gatas? Teka pag titimpla kita" Agad na tanong ni nanay Sonya at akmang titimplahan ako ng gatas.



"It's okay po. Kaya ko naman" Naka ngiti kong tugon sakanya.



Lumabas muna ako at nag pahangin sa garden at doon ay naabutan ko si kuya Roger na napukaw ang atensiyon nang lumabas ako.



"Good morning ma'am Yrin" Masayang bati niya saakin na agad ko ring binati.



"Ang bait niyo po" agad na tugon niya saakin.



"Ha?" Nag tatakang tanong ko sakanya.



"Alam ko na yung dahilan kung bakit umalis tayo kahapon. Kahit na alam niyong mapapagalitan tayo e tumakas pa rin tayo para regaluhan ang anak ni Fidel" Nakangiting tugon nito saakin.



"Alam niyo po ibang-iba kayo sa mga kapatid niyo. Kaya lahat kami napapamahal sayo kasi napakabait mong bata" Dagdag niya pa.



I never expect this to happened. Sobrang nakakataba ng puso ang mga sinabi ni kuya Roger.



"Ang swerte ng mga magulang mo. May anak silang kasing bait na katulad mo" Pag pupuri niya pa saakin.



"Si kuya Roger naman, parang anghel naman ako sa kwento mo" Pabirong sabi ko sakanya.



"Humahanga lang ako sa kabaitan mo. Mula ka sa angkan ng Salazar, anak ng isa sa pinaka mayamang mamamayan dito, kung tutuusin nasayo na yung lahat. Mabibili mo lahat, makakain mo lahat ng gusto mong kainin pero heto ka kasama namin. Lahat kami tinutulungan mo" Tugon niya pa na mas lalong nag pagaan ng kalooban ko.



"Thank you for that kuya Roger" Iyon na lamang ang tanging lumabas sa bibig ko.



I am a Salazar. I can buy whatever I want. I can eat whatever I want to eat, but I don't have everything I want.



A happy family.



Totoo nga ang sabi nila, walang perpekto sa mundo. Palaging may kulang. Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi kana magiging masaya sa kung anong meron ka. Matuto ka pa ring mag pasalamat at makuntento sa kung anong binigay sayo ng Diyos.



We should be thankful for what we have.



"Maligo kana bago kumain dahil baka malate ka!" Sigaw ni yaya Ethel saakin.



"Excuse me kuya Roger and thank you" Nakangiti kong tugon sakanya. Bahagya naman itong ngumiti saakin.



Binilisan ko lang sa pag ligo. Sabay-sabay kaming kumain ng breakfast. As always, si Dada at mommy lang naman ang nag-uusap. Nanatili kaming hindi kumikibong magkakapatid. Naunang umalis si kuya Tope dahil kailangan niya raw agahan sa school.



Agad ko ring tinapos ang pagkain ko para makaalis na at hindi na makaramdam ng awkwardness dito.



Buong biyahe namin ni kuya Fidel ay wala siyang ibang ginawa kundi ang magpasalamat saakin.



Siguro ay malaking tulong na iyon para sakanya kaya naiintindihan ko.



Maaga akong nakarating sa school. Dumiretso na agad ako sa room. Naabutan kong magulo at maraming kalat sa sahig dahil andito nanaman si David kasama ang mga kaklase naming lalake. Siguro ay hindi ito nalinisan kahapon at mas naging marumi pa dahil pinag tripan nila David.



"Good morning!" Masayang bati niya saakin na agad nagpawala sa mood ko.



"Araw-araw ba yan masungit?" Rinig kong tanong niya sa mga klase naming lalake.



"Hindi. Sayo lang" Sagot ng isa na agad pinag tawanan si David.



Hindi ko nalang siya pinansin at iniba ang pinag-kakaabalahan ko. Dahil na rin sa kung anong masamang espiritu ang andito sa katawan niya ay hindi niya pa rin ako tinatantanan pambubwisit.



Lumapit siya saakin na may dalang walis tambo na animo'y inuutusan akong mag walis dito sa loob.



"Dumi mo walisan mo!" Mataray kong tugon sakanya na agad nag patawa sakanila.



"Sweeper ka diba?" Natatawa niyang tanong saakin.



Inirapan ko na lamang siya at pagalit na kinuha ang walis na kanina pa nasa harapan ng mukha ko.




Pinag tawanan nila ako pero hindi ko na lamang pinansin. Lahat ng kalat at nilinisan ko samantalang sila ay nakaupo lamang at pinag tatawanan ako.



Binilisan ko na lamang sa paglinis at hinayaan si David sa kung ano pang gagawin niyang pambubwisit ngayong araw.



Dumaan pa ang mga oras ay hindi ako nagkamali dahil wala itong ginawa kundi ang mag papansin at mambwisit.



Sinubukan kong hindi pansinin at hindi mapikon sakanya dahil ayokong mag sayang ng oras sa lalakeng to.



"So for today's activity alam ko na familiar na kayo sa Human Reproduction and Development right? I will divide the class into 4, I will give one topic each group. So let's count" Saad ng guro na nasa aming harapan na si Ma'am Celeste



Nag simula na kaming mag bilang.



"Lahat ng group 1 ay tumayo" Nag sitayuan ang lahat ng group 1 at inilista ang lahat ng grupo. Ganon na rin sa group 2 at group 3.



"Lahat naman ng group 4 tumayo, sino ang gusto niyong maging leader?" Tanong saamin at agad na ako ang itinuro. Hindi na ako umangal pa dahil ganon naman lagi.



"Ma'am pwede po kay Ms. Salazar nalang ako? Kulang kasi members nila e sobra naman po yung group 3" Pasigaw na sabi ni David na agad nakaagaw ng atensiyon naming lahat.



Agad din namang pumayag si Ma'am Celeste at pinagsama-sama kaming grupo.



"Pano ba yan sayo nako?" naka ngisi niyang sabi saakin. Binigyan ko na lamang siya ng isang nakakairitang tingin.



Alam kong mas lalo niya lang akong iinisin kapag pinansin ko siya kaya sinubukan kong huwag bigyan ng kahit isang pursyento atensiyon ang lalakeng katabi ko.



Kaming pangkat apat ang naatasang unang mag rereport sa klase dahil ang topic na inibigay saamin ay The Male and Female Reproductive System.



Kinailangan muna namin mag brainstorming. Binigyan kami ng 20minutes para makapag-usap.



"Sino ba mag rereport?" Agad na tanong ni David nang mag tipon tipon kami.



Lahat sila ay tinuro ako.



"Teka bakit ako lang?" Gulat kong tanong sakanila.



"Edi tayong dalawa nalang?" Nakangiting sabi ni David saakin. Kinilig naman ang mga kagrupo namin sa banat ni David pero wala akong pake.



"Kaya ko pala mag-isa" Madiin kong sabi sakanila.

Politics of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon