CHAPTER 9

37 19 1
                                    

Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi pa rin umaalis ang jeep.


What should I do?


Ano kaya kung i-rent ko nalang itong jeep? Hindi pwede. Baka kung anong sabihin ng ibang tao saakin at sa pamilya namin.


Sa sobrang kaba ko ay hindi ko na namalayan na unti-unti na palang napupuno ang jeep. Nanatili akong nakaupo at hindi pinapansin ang mga taong pumapasok sa loob. Nang mapuno ang jeep ay agad na itong umalis dahilan para mabawasan ang kaba ko.


Hindi ganon ka-heavy yung traffic kaya kumalma na ako.


May mga mangilan-ngilan na nag papaabot ng bayad kaya naisipan ko na ring mag bayad.


Binuksan ko ang wallet ko at-


Pano ba ibayad ang isang libo sa jeep?


Nag hanap ako sa wallet ko ng coins na maaari kong ipambayad pero wala. Hindi naman pwedeng ibayad ang credit card, diba?


Paano na ako?


"Paabot po" Sabi ng katabi ko kaya agad ko namang iniabot ang bayad niya.

"Kami po, dalawa" Dagdag niya pa dahilan para mapatingin ako sakanya dahil itinuro niya ako at tinignan kami ng jeepney driver.


Hindi ko alam ang sasabihin ko sakanya dahil nagtataka rin ako kung bakit nilibre niya ako ng pamasahe.


Inantay ko ang sukli para doon na ako makapag pasalamat sakanya.


"Why? I mean, thank you" Tugon ko sakanya nang maibalik ko sakanya ang sukli.


"I saw your money, your welcome" mahinanong tugon niya saakin.


Teka-


This guy is familiar!


Oo! Siya nga, yung lalake kanina, yung nakasalubong ko at aksidenteng nag kabanggaan kami.


"Ikaw yung nasa mall right?" Pag-uusisa ko sakanya.


"Hm?" Saad niya at tinignan ako ng mabuti.


Hindi niya yata ako natatandaan dahil naging mabilis din yung mga pangyayari.


"Yeah. Kaya pala looks so familiar ka rin sakin" Dagdag niya pa dahilan para mapatingin ako sa mga mata niya.


"Sorry for what happened. Nag mamadali kasi talaga ako e" Pag papaliwanag ko sakanya dahilan para mapatango-tango siya.


"It's okay" Matipid na sagot nito saakin.


Hindi na kami nakapag usap pa ng matagal dahil na rin bumaba na ako sa resto bar na napag-usapan namin ni kuya Roger.


Nag thank you ulit ako sakanya bago tuluyang umalis.


I forgot to ask his name.


Anyway hindi yan ang importante ngayon, ang importante ay makauwi kami nang hindi nahuhuli.


Hindi ko napansin ang oras dahil wala rin akong dalang cellphone, kaya hindi ko alam kung ilang oras ba ako nag hintay kay kuya Fidel.


Hindi naman ako nainip dahil nangingibabaw pa rin ang kaba at ang takot ko.


Halos mapatalon ako sa tuwa nang makita ko ang sasakyang minamaneho ni kuya Fidel. Agad naman akong lumapit sakanya at pumasok sa loob ng kotse.


Politics of LoveWhere stories live. Discover now