CHAPTER 5

44 21 0
                                    

Pumasok ako ng maaga sa school.


As always.


Naabutan ko silang magulo at may kanya kanyang ginagawa.


Napansin kong busy sila sa pag gupit gupit ng kung ano-anong teka-


Nutrition month!


Tama! Nutrition month ngayon kaya marami silang ginugupit for decorations.


Teka bat di ako updated? Ngayon bang araw?


"May event ngayon?" Tanong ko sa isa sa mga kaklase ko.


"Bukas pa. Pero nag announce kagabi ang schood head na kailangan nating gumawa for decorations. Naka assign din tayo mag decorate sa stage mamayang hapon. Hindi kaba nag basa sa group chat kagabi?" Sabi niya saakin.


"Nakalimutan ko e. I will help nalang"


"David is in the room!" Sigaw ni David ng makarating sa room.


May dala itong bluetooth speaker at kung ano-anong gamit pang decorade.


Sinalubong siya ng mga kaklase naming babae. Napansin ko ring close niya na lahat ng lalake saamin.


Patuloy lang ako sa pag gupit at hinayaan silang mag-ingay.


"Good morning!" Pabulong pero masayang bungad niya saakin.


"Aga pa nga lang masungit kana, di ka ba pinalaking masaya ng magulang mo?" He added.


Ewan ko, pero naiinis talaga ako sa pagka mayabang niya.


Nag simula na silang mag play ng music kaya umalis na sa tabi ko si David at pumunta sa mga kaklase naming babae.


"Bakit hindi mo siya kinakausap? Ayaw mo sakanya?" Tanong saakin ng babaeng kausap ko kanina, si Leah.


"Hindi ko siya gusto at hindi ko siya gustong kausap" Iritadong sagot ko.


"Tingin ko, may gusto siya sayo. Pansinin mo kaya" natatawang sabi niya.


Hindi kami close ni Leah at kahit sino man na andito sa loob ng room namin pero nakakausap ko naman sila kahit papano.


Pero wala akong kaibigan sakanila.


Kaklase lang at kakilala lang pero walang kaibigan.


"May gusto ba yan? E nang-iinis lang naman" sagot ko sakanya.


"Hindi kaba nanonood ng mga love story sa tv? Diyan nag sisimula yan!" Natatawa niyang sabi.


Hindi na ako umimik pa. Ayoko rin namang pag-usapan ang lalakeng yun.


Mga kaklase naming lalake, okay naman. Hindi ganyan kayabang. E siya? Ubod ng yabang.


Natigil kami sa lahat ng ginagawa namin nang dumating si ma'am Mutya, ang advicer ng section namin.


"We don't have class today, just continue what you are doing class. By the way, Mr. Rodriguez dala mo na ba yung ibang pang decorate sa stage? Kompleto ba mga materials? Tell me para maka bili agad" Ma'am Mutya said.


"Don't worry ma'am. Boy scout to!" Mayabang na sabi nito.


No wonder, David is so mayabang talaga!


"Balikan ko kayo later class, check ko lang yung tarpaulin for tomorrow. Everyone! Lahat tumulong ah, minus grade kapag di tumulong!" Pabiro pero seryosong sabi ni ma'am Mutya.


Politics of LoveWhere stories live. Discover now