CHAPTER 1

68 28 0
                                    

"We have different calendars back then. The calendar we use today is the product of a great many centuries of patient study and of constant trial and error. Look at this one" Saad ni Professor Mike. Itinuro niya ang isang larawan na naka flash sa projector.


"First Solar Calendar. The Egyptians were the first to base their calendar on a year of 365 days, approximating the sun cycle, or a solar year. While The Mayan Calendar was arranged differently from that of the Egyptians. The Mayan solar year, called a tun, had 18 months of 20 days each. Each month had its own name, and the days were numbered from 0-19" Dagdag pa niya.



Lahat kami ay nakikinig at sakanya lang ang atensiyon.



"This is The Julian Calendar. The ancient Romans had a moon calendar, which was complicated and most confusing. Originally only 10 months long (March to December), it was soon extended to 12 months by the addition of January and February." Pag papaliwanag niya pa sa buong klase.



"Most of the earliest calendars were based on moon cycles. These calendars were made to fit as best they could within the larger framework of the sun cycle."



"That's all for today. See you next meeting class."



Inayos ko na ang mga gamit ko at dali daling lumabas ng room.



"Totoo ba? Nakick-out ba talaga yung anak ni Mayor sa dati niyang school? As in dito na siya mag-aaral for real?" Narinig kong usap usapan ng mga estudyanteng nakakasalubong ko.



"Ma'am Yrin!" Sigaw ni kuya Fidel saakin. Lumapit ito saakin at akmang kukunin ang dala kong bag.



"No it's okay, kuya Fidel. Diba sabi ko sayo 'wag mo na akong tawaging ma'am. Para ka namang bago e" Saad ko sakanya.



"E sabi mo kapag tayong dalawa lang. E maraming tao kaya tinawag ko kayong ma'am" masayang tugon nito saakin.



"Ewan ko sayo kuya Fidel, tara na nga po" natatawa kong sabi sakanya.



Agad akong sumakay sa kotse at nilagay sa likod ang dala kong sling bag.



"So kumusta ang naging araw mo? Mag kwento ka naman" Masiglang tanong saakin ni kuya Fidel.



Si kuya Fidel ay driver na namin sa mahigit 20 years. Simula nung nag-aral ako siya na ang nag hahatid sundo saakin.



Araw-araw niya akong tinatanong after class kung kumusta ba ang araw ko at mag kwento daw ako ng mga nangyare sa school.



I wish it was my Dada.



"Wala pong bago" Maikling sagot ko.



"Edi ulitin mo lang yung kinuwento mo kahapon basta mag kwento ka" Masiglang sagot niya saakin.



Napangiti ako.



He never get tired listening to my rants and chikas.



"Kuya Fidel, daan muna tayong mcdo bili tayong pagkain daliii!" Pag-iiba ko ng usapan.



"Nako parang iniiba mo nanaman usapan e. Ayaw mo ba mag kwento?" Seryosong tanong nito saakin.



I pouted my lips.



Alam kong gagana to



"Oo na sige na. Bili nalang tayo ng pagkain" Dismayadong sabi nito.



Dumaan muna kami sa pinaka malapit na mcdo at nag drive thru.



"Bakit naman sobrang dami mong inorder? Mauubos mo ba yang lahat?" Nag tatakang tanong saakin ni kuya Fidel.



"Para sainyo pa po nila nanay Sonya. Kayo nalang mag bigay. Wag mong papakita kay mommy and dada ah"



"Nako inuubos mo lagi allowance mo samin. Kapag nalaman to ng mommy and dada mo malilintikan kami" Pabirong sabi ni kuya Fidel dahilan para matawa ako.



Nag kwentuhan kami at kumain sa loob ng kotse buong biyahe ni kuya Fidel. Lagi niyang kinukwento saakin ang mga anak niya sa probinsya. Isang beses sa isang linggo lang siya kung umuwi sakanila kaya ganon nalang siya kasigla kapag ikinukwento ang mga anak niya.



Kuya Fidel is a great father. Tinitiis niyang mahiwalay sa kanyang pamilya para lang maibigay ang lahat ng pangangailangan nito.



Ganon din ang tatay ko. Pero ibang iba siya kumpara kay kuya Fidel.



Kuya Fidel is a great father. Dada is just a great not a great father.



"Kayo nalang mag bigay niyan ah, sa likod na po kayo dumaan" Saad ko nang makarating kami sa bahay.



Agad kong kinuha ang bag ko at bumaba sa kotse. Naabutan ko sila Mommy at Dada sa sala.



Hindi maipinta ang kanilang mga mukha.



What's going on?



Lumapit ako sakanila at agad bumungad saakin ang basag basag na mukha ni kuya.



"Ano ka ba naman Christopher! Nag iisip ka ba?! Bakit hindi mo gamitin yang utak mo ha?!" Sigaw ni dada kay kuya.



"Son, please isipin mo naman yung pangalan natin-" Hindi na natapos pa ang sasabihin ni mommy nang biglang sumabat si kuya.



"Mom please I don't care about-" Hindi na rin natapos pa sasabihin ni kuya nang biglang sinuntok ni Dada si kuya.



Lahat kami nagulat sa ginawa ni Dada.



Lahat ng maids ay nag si alisan na para bang walang nakita.



"Disrespectful! I am very disappointed in you! Sa susunod na sasagutin mo ng ganyan ang mommy mo hindi lang yan ang aabutin mo!" Sigaw ni dada kay kuya.



Umalis si kuya sa harap ni Dada at agad na umakyat sa kwarto niya.



Nabaling saakin ang atensiyon ni mommy and dada. Kaya agad akong humalik sa kani-kanilang pisngi.



"Mom, what happened?" Mahinang tanong ko sakanya.



"Yang sutil na kuya mo! Makipag bugbugan ba naman at mag eskandalo dyan sa bar!" Sigaw ni dada.



Agad nabaling ang atensiyon namin nang pumasok si ate Isabel sa pinto. Gulat siya nang makita kaming tatlo na nasa sala at hindi maipinta ang mga mukha.



"Where have you been?!" Galit na sigaw ni dada kay ate Isabel. Bakas sakanyang mukha ang pagkabigla.



Agad namang nilapitan ni mommy si dada para pakalmahin.



"Carlos please, calm down" agad namang sumenyas saamin si mommy na umalis muna kami sa sala para kumalma si dada. Patakbong umaykat si ate Isabel at ganon din ako.



Agad kong isinara ang pinto at dumiretso sa kama.



Si kuya Christopher o mas tinatawag naming Tope ang pinaka panganay saaming tatlo. Laging siyang nasasangkot sa gulo. Ewan ko ba lagi niya ring nalulusutan dahil na rin siguro kay dada. Kung hindi basag basag ang mukha na uuwi dito sa bahay e laging lasing.



Si ate Isabel naman ang pangalawa. Kung hindi pag papaganda ang inaatupag e pag ba-bar at pag pa-party.



I am the youngest.



Si Dada ay isang Vice-Mayor dito saamin. Kaya ganon nalang siya kung magalit kapag nasasangkot ang isa saamin sa gulo. Siguro ay ayaw niya lang madumihan ang pangalang SALAZAR. Isang mali lang na gawin namin ay isang malaking epekto na nito sa politika niya.






Being a SALAZAR is not that easy and being a prison of SALAZAR is the worst

Politics of LoveWhere stories live. Discover now