Kahit nakatingin ako sa laptop at nagta-type ay naririnig ko ang bahagya niyang pagtawa. "Hindi ko kilala, Sophia, eh. May mga kasama 'yung nag-abot pero hindi siya mukhang taga-rito sa school. Gwapo siya atsaka parang kahawig niya 'yung trainee na in-announce ng PHM Labels! Kilala ko ba sila? 'Yung moreno?"

"Ha?" My eyes literally widened and she was able to catch my attention. "Ano ngang sabi mo? Pakiulit, mali yata ako ng pagkakarinig, eh."

"Tama 'yung pagkakarinig ko! Oo, kahawig nung trainee sa PHM Labels! 'Yung moreno hottie roon!" Lumapit siya sa may tainga ko at bumulong. "Uy, Sophia, jowa mo ba 'yon? Manliligaw? Ang gwapo, ha. Infairness! Mukhang teen artist pa!"

Awkward akong ngumiti. My cheeks are lowkey turning red. "Hala, hindi ah!"

"Sus! Gwapo naman, ah! Pero 'yung isa ang type ko, 'yung nasa pinakadulo." kinikilig niyang sabi. Well, gwapo naman silang lahat. "Do you think your best friend can introduce me to him? Diba trainee rin siya?"

Napaisip ako. "Yeah he is, pero I think you'll have a hard time convincing him.. But I don't know, depende sa kanya or doon sa reque—"

"Hoy, baklang Sophia! Ang papa Nate pinagkakaguluhan na sa office niyo!"

I abruptly stopped talking when I heard the high-pitch voice of Earl shouting. Paglingon ko sa pinanggalingan ng boses na 'yon ay nakita ko siyang nakadungaw sa pinto ng classroom namin.

Nasara ko bigla ang laptop ko at nagtatalang tumingin sa kanya, pino-process ng utak ko ang sinabi niya.

"Ha? Eh anong dapat kong gawin?" taka ko paring tanong kahit hila-hila niya ako at mabilis siyang tumatakbo.

I saw him roll his eyes. "Duh, vice-chairperson ka, remember? Responsible ka sa chairman niyo!" Medyo hinihingal pa siya habang nagsasalita. Ikaw ba namang tumakbo from building to building.

"And? What if may classes ako? What if our prof attended our class? Ipu-pull out mo ba ako?" I don't even know why I'm asking that in a lowkey rude way pero sige, bitch fight kami ni Earlita.

Earl sighed loudly. "Ay, jusko mamsh, ang dami mong hanash! O sige, dahil in-appoint kang personal secretary ni Nate kaya obligasyon mo siya!"

"Gago!" Despite the fact that we're running, binatukan ko pa rin siya. "Medyo sineryoso mo talaga 'yong mga pinagsasabi ng Shin sa buhay niya, 'no?"

"Arouch ko, pakyu with respect Madame VCP!"

We only stopped bickering with each other nang makarating na kami sa office ng executive committee and yes, parang may artista sa loob dahil sa dami ng mga girls doon na nagsisigawan pa.

Kulang na lang ay nagka-stampede, pero syempre 'wag naman sana. Kami kasi ang malalagot kapag may hindi kami na-control na gulo na nasa kamay na namin.

"What the hell is happening here?"

In a loud voice, I called out the students who don't seem to mind the other officers who are stopping them. Langya, mukhang mapapasabak ang english skills at lalamunan ko rito, ah.

"Hala, ayan na si Sophia."

"Tss, bakit ka ba natatakot dyan sa neneng 'yan?"

"Acting tough na agad porque freshman palang nasa execom na?"

Halos kumulo na ang dugo ko sa mga naririnig ko but I just acted calm. A few breathing exercises will be enough.

"You, you and you." I pointed at those three female students who, I think, belong to the same year as me. "Thank you for dishonoring me, my position in the committee and my year level. I want you to do me a favor and go to our office. We have something to talk about."

Into the SpotlightWhere stories live. Discover now