Chapter 16

45.3K 655 112
                                    

Unedited for now

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

Unedited for now.

NAGISING ng maaga si Clementia. Balak kasi nito tulungan ang ina ng triplets sa pag gawa ng almusal.

Bumaba siya ng hagdan at pumunta sa kusina. Naabutan niya roon ang ina ng mga ito na nag aasikaso na ng agahan.

Lumingon si Eleanor sa gawi niya ng maramdaman na may tao sa loob ng kusina.

Kahit may mga katulong ang mga ito ay nag eeffort pa rin si Eleanor na pag lutuan ang pamilya nito.

"Cece, ang aga mo naman. Aalis ka ba?" Tanong nito sa kaniya. Lumapit siya rito bago sumagot.

"Gusto ko po sana kayo tita, tulungan mag luto."

Kumunot ang noo ni Eleanor no'ng una pero ngumiti rin naman at pumayag na tumulong si Clementia sa pag luluto.

"Tamang tama, mag simba na rin tayo pagkatapos."

Inayos ni Clementia ang lamesa at nilagyan ito ng mga plato at kubyertos. Kakatapos lang nila mag luto ng agahan, nilalagay na lang ni Eleanor ang mga niluto sa plato.

Ilalagay na sana niya ang isang tinidor nang marinig ang ingay nang gagaling sa labas ng kusina. Inangat ni Clementia ang ulo at nakita niya ang tatlo na papasok sa loob. Nag tama ang mga mata nila, tinitigan siya ng tatlo na may ngiti sa labi.

"Gising na pala kayo. Umupo na kayo para makakain na tayo."

Agad na umiwas ng tingin si Clementia sa mga ito nang mag salita sa likod niya ang ina ng mga ito. Tinapos na rin niya ang pag lalagay ng kubyertos.

"Good morning, Mom." Bati ng tatlo sa ina. "Good morning, Cece." Baling na bati rin ng mga ito sa kaniya. Lumapit pa talaga ito sa likuran niya na kinataas ng mga palahibo niya sa batok.

"G-Good morning." Nahihiya na sagot niya sa mga ito. Nakita niya pa ang malokong ngiti ni Uno sa kaniya nang makaupo na ito.

"Cece helped me this morning to cook these." Kwento ni Eleanor sa mga anak habang paupo ito.

Umupo na rin siya nang makita nakaupo na ang lahat. Tumabi siya kay Dos.

"Really, Mom?" Manghang ani ng tatlo sa kanila.

"You cooked this?" Rinig niyang tanong ni Dos sa gilid niya. Tumango naman siya rito.

Simple lang naman ang ginawa nila para sa agahan. Hindi masyado heavy kumain ng agahan ang pamilya Martin. Si Clementia lang ata ang kumakain ng marami sa umaga dahil ayon ang pinaka importanteng meal sa buong araw.

Nag prito lang siya, kaya medyo nahihiya siya sa mga ito dahil maka-react ang mga ito sa kaniya ay aakalain na nag luto siya ng isang putahe.

Kumuha si Clementia ng hotdog, scrambled egg at kanin sa plato niya.

Sumubo siya ng hotdog sa bibig.

"Mag sisimba tayo after." Saad ni Eleanor sa tatlo dahil nasabi na iyon kanina sa kaniya.

"Shit-"

"Tres! Your language, nasa hapag tayo."

"S-Sorry, Mom." Paumanhin nito sa ina pagkatapos ay masamang tinitigan siya nito na pinag taka niya. Binalewala niya ito at sumubo ulit ng hotdog ngunit agad din siya napalingon kay Tres na nahulog na ang kutsara sa sahig.

"Sorry, kuha na lang ako ng bago." Tatayo na sana ito nang mag salita si Eleanor.

"Aling Lora, paki-kuha nga po si Tres ng bagong kutsara."

Nag tataka ang dalaga kung bakit ganoon ang kinikilos ni Tres. Kadalasan ay hindi ito ganon. Mas mahinahon pa nga ito kaysa sa dalawang kapatid.

Inabot ni Aling Lora ang panibagong kutsara kay Tres na tinanggap naman ng binata. Tumingin siya rito at masama pa rin ang tingin nito sa kaniya na hindi niya maintindihan. Kumunot ang kaniyang noo. Sinubo niya ang natitirang hotdog nasa pinggan.

"Cece, gusto mo ng hotdog ko?"

Agad nabilaukan si Clementia sa narinig sa binata.

"Are you okay, sweetie?" Nag aalalang tanong ni Eleanor sa kaniya.

Inabutan naman siya ni Dos ng baso na agad niyang ininom. Marahan pa nitong tinapik ang likuran niya. Masamang tinitigan niya si Tres habang umiinom ng tubig na ngayon na may ngiti na sa labi ang binata.

"I wonder kung gusto mo pa, ubos na kasi yung nasa plato mo."

"H-Hindi na. Busog na a-ako."

"Sayang, masarap pa naman 'to." Saad nito na hindi pa rin nawawala ang malokong ngiti sa labi. Tumawa naman ng malakas si Uno na mas lalong kinapula niya.

Habang si Eleanor naman ay tahimik lang na pinag mamasdan ang mga ito at nakikinig.

Nahihiya ang dalaga sa mga pinag sasabi ni Tres at lalo na sa pag tawa ni Uno. Hindi niya tuloy alam kung naintindihan ba ni Eleanor ang mga pinag sasabi ng anak nito. Doon niya rin napagtanto na kaya ganon akto ni Tres ay dahil sa ginawa niya kagabi.

Lumingon siya sa ina ng mga ito pero hindi niya mabasa ito. Mas lalo tuloy siya kinabahan dahil hindi pa siya handa na malaman nito ang namamagitan sa kanila ng mga anak nito.

"Tapusin niyo na 'yan at mag asikaso na kayo. Mag sisimba pa tayo." Ani ni Eleanor sa kanila. Lumingon siya rito at ngayon ay nakatingin na 'to sa kaniya. Tumango siya rito at agad iniwas ang paningin dito.

TAHIMIK nakikinig ang dalagita sa pare na nasa unahan. Katulad nang sinabi ni Eleanor ay pumunta nga sila sa simbahan. Tatabi sana siya rito ngunit sumingit ang mga anak nito sa kaniya at ngayon ay nasa kabilang dulo siya nakaupo habang katabi si Uno at isang babae sa kabilang gilid.

Hindi siya makakilos nang ayos dahil kinakabahan siya na baka may gawin si Uno sa tabi niya at mahuli sila ng ina nito.

Nang mag hahawakan na ang kamay para sa isang dasal. Umalis ang babaeng nasa tabi niya at pinalitan ng isang binata. Hahawak na sana siya rito nang seryosong lumipat si Uno sa gilid niya at ngayon ay pinag gigitnaan na siya nina Uno at Dos.

Kinuha ni Uno ang kamay niya at pinag dakop ang mga ito habang si Dos naman ay tumingin sa kaniya at naka abang ang kamay nito sa kaniya para hawakan niya. Kinuha na lang niya ito at tumingin na sa unahan.

Mas lalo siyang kinabahan at pinag pawisan ng malamig nang lumingon si Eleanor sa gilid nila. Mas lalo na lang niya tinuon ang tingin sa unahan at mahina na kumanta.

At nang mag 'peace be with you' na ay mas lalong hindi niya alam ang gagawin. Ngumiti siya sa unahan ng batiin siya nito. Lumingon siya gilid niya at nakita na humalik si Tres sa ina. Pagkatapos ay nabaling ang paningin ni Eleanor sa kaniya, agad siyang ngumiti rito at binati.

Humalik din sina Uno at Dos sa ina habang siya nasa gitna ay hindi alam kung ano ang iaakto. Hindi niya alam kung bakit ba siya napapayag na sumama sa kanila, hindi sana siya kinakabahan nang ganito.

"Peace be with you." Lumingon siya agad kay Dos nang mag salita ito. Binigyan siya nito isang assurance smile at dahil doon ay gumaan ang pakiramdam niya.

Binati rin siya ng dalawa na binalik niya rin ng bati. Mabuti na lang talaga at hindi umakto ng iba ang mag kakapatid.

Lihim siyang napangiti nang mapagtanto na inaalala siya ng mga ito.

[#Uno] Blown Away: ClementiaOnde as histórias ganham vida. Descobre agora