Chapter 2

54.2K 810 292
                                    

BINUKSAN ni Tres ang pinto ng magiging kwarto niya at sinenyasan siya na pumasok na sa loob

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

BINUKSAN ni Tres ang pinto ng magiging kwarto niya at sinenyasan siya na pumasok na sa loob.

Nag tataka na tumingin siya rito dahil hindi ito pumasok sa loob at nasa harapan lang ng pinto.

"Gustuhin ko man na tulungan ka mag ayos but I'm already on my last straw."

"Ha?"

"Kapag may kailangan ka, don't hesitant to call. May telephone diyan sa gilid."

Tumingin siya sa paligid at nang makita niya ang telephone ay tumango siya rito.

"What's your mum means by your teammates earlier?

"Ah, teammates ko sa cheer dance," alanganin niyang sagot dito.

Pinasadahan naman siya nito nang tingin mula ulo hanggang paa pagkatapos ay tumango-tango sa kaniya.

"Binubuhat ka?"

"Oo, flyer ako. Actually, may practice kami ngayon. Nag paalam lang ako na maaga uuwi."

Bigla ito umiwas nang tingin sa kaniya. "So, those guys your mum mentioned earlier... are your lifters?"

"Sina Noah and Matt? Oo, bases ko sila," naka-ngiti niyang sagot dito. Hindi niya akalain na mabait pala ang bunso ng triplets.

"Oh!" For some reason, she hint a little disappointment sa tono nito.

Inikot niya ang paningin. Bigla siya nailang dito. Nakita niya nasa loob na ng silid ang maleta niya.

"Ahm, thank you," saad niya rito nang hindi na siya makahanap na pwedeng isagot dito.

Tumango naman ito sa kaniya. "How old are you again?"

"I'm nineteen."

"Good. I'll let you unpack your things na."

She smiled at him. "Thanks, Tres." Napansin naman niya natigilan ito saglit sa pag tawag niya rito pero agad rin nahimasmasan at walang sabi-sabi na tinalikuran siya nito.

NAGING busy siya sa pag aayos ng gamit sa silid na gagamitin niya sa buong semester.

Natigil lang ito nang may kumatok sa kwarto at pina-pababa siya para mag gabihan. Tumingin siya sa orasan at nakita na ala siete na ng gabi. Kaya pala nagugutom na siya.

Nang makarating sa dining area ay napansin niya na andon na ang lahat at siya na lang ang hinihintay ng mga ito.

Na-gi-guilty na lumapit siya sa mga ito.

"Sorry po, hindi ko po napansin ang oras."

"It's okay, honey. Maupo ka na para makapag simula na tayo kumain."

Tumabi siya kay Eleanor, nasa pinaka center table naman naka upo ang ama ng triplets habang ang tatlo ay sa opposite side na pwesto nila.

Umiwas siya ng tingin na mapansin naka tingin ang mga ito sa kaniya.

[#Uno] Blown Away: ClementiaWhere stories live. Discover now