Chapter 6

55.8K 760 155
                                    

HINDI siya lumabas ng kwarto pagkatapos sa nangyari kanina sa kusina

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

HINDI siya lumabas ng kwarto pagkatapos sa nangyari kanina sa kusina. Kinatok siya kanina ng isang katulong sa mansyon para bumaba dahil kakain na ng gabihan pero tumangi siya rito. Humingi siya ng paumanhin na hindi siya makakasama dahil masama ang kaniyang pakiramdam.

Nag linis din siya kanina ng buong katawan niya. Hindi siya makapaniwala sa sarili na hinayaan niya si Uno gawin 'yon sa kaniya. Nagagalit siya sa sarili na bumigay ang kaniyang katawan sa mga haplos at halik nito sa kaniya kanina.

Kapag naaalala niya iyon ay nandidiri siya sa sarili niya. Ang tagal niya iningatan ang sarili para mawala lang sa isang lalaki na hindi niya gano'n lubos na kilala.

Kahit anong gawin niyang punas sa katawan ay naalala niya pa rin ang ginawa sa kaniya ni Uno. Tumulo ang kanina pang bumabadyang luha sa mata niya. Pinunasan niya ito pero patuloy pa rin ito tumutulo.

Naka-upo siya ngayon sa kama niya, nakataas ang dalawa niyang binti habang yakap-yakap ito. Naka-baon din ang kaniyang mukha sa kaniyang binti at patuloy pa rin na umiiyak.

Gusto na niya umuwi sa kanila, kung bakit kailangan pa umalis ng mga magulang niya. Hindi niya sana ito mararanasan.

Natigil siya sa pag-iyak pero patuloy pa rin natulo ang luha niya. Kinakabahan na tinitigan niya ang pintuan. May kumatok ulit dito. Bumilis ang kaniyang tibok ng puso, para rin siyang nahihirapan na huminga.

"Clementia?" Nawala ang kaba niya nang marinig ang boses ni tita Eleanor sa likod ng pinto.

Pinunasan niya ang kaniyang luha, tumayo siya at tiningnan ang sarili sa salamin. She has swollen eyes. Sigurado mag tatanong ito kung bakit siya umiyak.

"Wait lang po!" sagot niya rito bago pumasok sa loob ng cr at nag hilamos doon. Umaasa na hindi nito mahalata ang kaniyang mata ngunit nang tumingin siya sa salamin ulit ay maga pa rin ang mga ito.

Umiling-iling siya at sinampal-sampal ang sarili.

"Bahala na nga," bulong niya sa sarili bago lumabas ng kubeta at nag tungo sa pinto. Binuksan niya ito at nakita ang matalik na kaibigan ng kaniyang ina. Na ngayon, kung saan siya nakatira.

Bumaling ang kaniyang paningin sa hawak nitong tray. May mga pagkain ito, may prutas, tubig at gamot.

"Tita, nag abala pa po kayo. Ayos lang po ako."

Tinitigan siya nito sa mata. Sigurado siya nahalata nito ang pamamaga ng mata niya.

"Nag-alala kami sa'yo. Ang sabi mo masama ang iyong pakiramdam. Sinabi ko sa magulang mo na aalagaan ka namin habang wala sila," saad nito sa kaniya. Nag taka siya kung bakit wala ito sinabi pero ayos na rin 'yon dahil hindi niya alam ang sasabihin dito kapag nag tanong pa ito sa kaniya.

"Salamat po, tita," nahihiya niya saad rito. Binalik niya ang tingin sa tray at kinuha ito.

"Ayos lang ba kung pumasok ako?"

[#Uno] Blown Away: ClementiaWhere stories live. Discover now