Chapter 7

52K 591 60
                                    

Unedited for now

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Unedited for now.

KADALASAN sa tuwing pumapasok siya ay hinahatid siya ng driver ngunit ngayon ay maaga siya nagising at pumasok mag-isa. Nag paalam naman siya kay Eleanor na mauuna na siya kaya hindi ito mag aalala sa kaniya kung nasaan siya.

Tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang klase nila para sa araw na iyon.

Uuwi ulit siya na mag isa, dahil hindi niya talaga alam ang gagawin kapag nakita niya si Uno o sino man sa tatlo dahil panigurado na kasama nang mga ito ang binata.

Inilagay niya ang kaniyang libro sa loob ng bag niya bago tumayo at tumuloy sa pag labas ngunit agad din siya huminto.

Tatalikod na sana siya para dumaan sa kabilang pinto kaso agad nahuli ng kung sino man ang bag niya.

"Where do you think you're going, Ms. Santiago?"

Ang kagabi pa niyang iniiwasan ay ngayon nasa likuran na niya.

"Bitawan mo ako." Mariin na saad niya rito. May pag babadya sa boses nito ngunit hindi naman nag papatinag ang binata.

Napansin niya rin na dumako ang mga tingin ng iba niyang kaklase sa kanila.

"Let her go, Noah." Masama naman na tinitigan ni Uno si Dos. Hinawakan ni Dos ang kamay ni Uno at inalis ang pag kakahawak nito sa bag ng dalaga.

Humarap si Clementia sa mga ito. Na kay Dos ito tumingin dahil hindi niya kayang titigan si Uno sa ngayon.

"I'm sorry." Pabulong na ani ni Uno sa kaniya. Gulat naman na tinitigan niya ito.

Lalapitan sana siya ni Uno nang umatras siya palayo rito. Gulat itong nakatingin sa kaniya.

"Mauuna na ako sainyo." Paalam niya sa mga ito at tumalikod na para sa kabilang pinto dumaan.

ISANG linggo rin umiwas si Clementia sa triplets. Ilang beses din siya sinubukan kausapin ni Uno ngunit ilang beses niya rin ito nilayuan.

Sa tatlo, si Tres lang ang minsan niya nakakausap. Ibang-iba kasi ito sa dalawa. Magaan ang pakiramdam niya rito sa tuwing nakakausap niya ito, at gumagawa talaga ito ng paraan para makausap siya.

Natanong din siya ng magulang nito kung may problema ba siya sa mga anak nito ngunit palagi niya lang sinasabi na ayos sila at wala siyang problema sa mga ito, which is kalahating tama.

Araw ngayon ng sabado.

Nag unat-unat muna siya bago binuksan ang pinto ng glass house. May garden sa loob nito, hindi man halata ay mahilig siya sa mga halaman. Gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing pinag mamasdan ang mga ito.

Nang mabalitaan niya na may garden ang pamilya Martin ay hindi na siya nag aksya ng oras at nag paalam na kay Eleanor kung pwede ba siya bumisita, buti na lang ay pinayagan siya nito.

[#Uno] Blown Away: ClementiaWhere stories live. Discover now