CHAPTER 1

44 8 2
                                    


DISCLAIMER: This is a WORK OF FICTION.

NAMES, CHARACTERS, EVENTS, PLACES AND INCIDENTS OUR JUST THE PART OF THE IMAGINATION OF YOUR NAUGHTY AUTHOR.

Isang magandang umaga!
Grabe ansarap ng tulog ko hays...
Tumayo ako sa aking maliit na kama at pag-katapos ay humakbang ako sa bintana at binuksan ito.

"Grabe ansarap ng tulog ko!" Sambit ko. Agad ko naalala na may pasok ngayon at tiningnan ang orasan sa aking maliit na table sa tabi ng kama.

"Oras na para maligo Lea." masayang sambit ko at kinuha ang aking tuwalya at damit.

Pagkatapos ko maligo ay agad ko kinuha ang aking bag at handa na mag-almusal sa baba.

'Di Pa man ako nakakababa ay narinig ko na ang malakas na sigaw ni Mama Celine.

"Sino yung kasama mong babae kahapon ha?!" Sigaw ni Mama Kay Papa Manuel.
"Yan ka na naman 'di ka ba nag-sasawa? Paulit ulit na 'ko!" Sigaw na tugon ni Papa kay Mama.

"Eh,Hindi naman kase kapani-paniwala na tinulungan mo lang yun hindi ba?!" Pasigaw rin na Sabi ni Mama. Mag-sasalita Pa sana si Papa Manuel ng mapansin n'ya ko, agad akong yumuko. Tiningnan ako ni Mama at kitang kita ko sakanya na sobrang galit na galit sya.

Nakakatakot si Mama pag ganyan. Agad namang nag-iwas ng tingin si mama at umakyat pataas, nabangga Pa nga ako ni Mama.

"Kumain kana at nang makapasok na kayo ng Kuya mo." mahinahon na sabi ni papa at agad naman ako sumunod at nag-tungo ng kusina upang saluhan si Kuya Martin.

Pag ka-upo ko ay nag-simula na 'ko kumain narinig ko Pa ang malakas na pag-sara ni Papa Manuel sa pintuan. Kumain nalang ako at Hindi na iyon pinansin.

"Si Mama masyadong selosa, buti Hindi Pa tayo iniiwan ni papa sa ginagawa ni mama no?" Patawa na tanong ni kuya.
"Ano ba ang pinag aawayan nila kuya Martin?" Abot ng making kuryosidad ay itinanong ko ito. "Dalian mo na ri 'yan at nang maka alis na tayo." sabi ni kuya sa 'kin na tila ba Hindi narinig ang aking tanong.

Hindi ko nalang siya pinansin at nag patuloy ako sa pagkain.
Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na ako kumain. Agad ako pumunta ng CR para mag-sipilyo.

"Dalian mo, baka maabutan ka ni mama uminit lalo ulo." sabi sakin kuya.

Pagkatapos ko mag-sipilyo ay agad nako lumabas ng bahay at sinundan na si Kuya na napakabilis maglakad.

"Kuya ano ba ang pinag-awayan nila Papa?" sabi ko habang kami ni kuya ay nag lalakad papuntang eskwelahan.
"Wag ka nang makialam ro'n." walang kagana-gana na sambit ni kuya.

DAUNTLESS LADY (On-going)Where stories live. Discover now