CHAPTER 30

11 1 0
                                    

Gumising ako dahil sa alarm ko. Nakalimutan kong tanggalin ang alarm ko, nasanay kasi ako sa Ireland na maaga gigising eh. Seven A.M pa lang, tumayo ako at inayos ang pag kakusot ng kama. Pumunta ako sa side table at kinuha ang suklay ko sa bag. Madali lang masuklay ang buhok ko dahil ewan ko ba, ganito ito lagi, bagsak na bagsak rin. Tinali ko ang buhok ko gamit ang butterfly na tali na bigay ni Lola sa 'kin. Ang lola ko sa side ni Daddy.

Pumunta ako sa CR at nakita ko ang mouthwash doon, nakigamit ako at nag hilamos na rin. Bumalik ako sa side table ng kama at kinuha ang lip balm ko, naglagay ako at lumabas na.

Sinilip ko muna Si Janna, kita ko ang himbing sa tulog nito kaya hinayaan ko muna s'ya. Bumaba ako at agad napako ang tingin ko sa taong natutulog sa sofa ngayon. Theo.

Lumipas man ang ilang taon ay hindi ko mapagkaila na may kaunting nararamdaman Pa 'ko sakanya, or should I say may pagmamahal Pa 'ko sakanya ang kaso ay natatakot akong mahulog ulit ng Malala at magkasama kami uli, kaya't pinipilit kong magalit sakanya palagi para malayo s'ya sa akin. Kasal na yung tao, isa Pa masakit maiwan, masakit yung pag gising ko sa hospital, hinahanap s'ya tapos wala, masakit maghintay sa taong mahal mo ang kaso kasal na, ang hirap tanggapin na wala kayong happy ending.

Bumuntong hininga ako, feeling ko kasi ang bigat ng dibdib ko at ang sakit sakit sa aking maiwan sa ere. Tsk mahal daw ako? Letse! Kinasal ka ng 'di ako iniisip?

Pumunta ako sa kusina at pinakelaman na ang fridge n'ya. Kumuha ako ng tocino,egg pati na rin fresh milk at bread. Bakit ba? Tsk. Niluto ko ang itlog at tocino. Pagkatapos ay nilagay ko ang tatlong bote ng fresh milk sa tatlong glass na baso. Ihinain ko ito at napangiti ako ng matapos.

"Namiss ko sa barko ah, tsk namiss ko yung breakfast na niluluto braylle HaHaHa." Pag kausap ko sa sarili. Akmang tutungo na 'ko sa sala ng makita ko si Theo na nakatayo sa likod ko saktong paglingon ko. Madilim ang mukha at naka Cross ang braso.

"G-Gising kana pala, kanina ka Pa ba d'yan? Bakit hindi ka lumapit? Ahm, pinakelaman ko na kusina mo ah. Upo kana, gigisingin ko na si Janna." Nakalagpas na 'ko sakanya ng kaunti ng napahinto ako at napaharap ng mag tanong s'ya. Dahan-dahan itong lumingon sa akin.

"Ganito rin ba ang niluluto sa 'yo ni braylle?"

"Ha?"

"Sana hindi kana nagluto, tsk nakakasira ng umaga."

"Ano kamo? Nakakasira ng umaga yung niluto ko? E-Edi wag ka kumain, pake ko sa'yo tsk!" Ang sakit ah... Nasanay ata s'ya sa luto ni Zasha.
"Lea...Are you in a relationship to braylle?"

DAUNTLESS LADY (On-going)Where stories live. Discover now