CHAPTER 18

17 2 0
                                    

CELINE'S POV

Pag-katapos umalis Nila Nigel at Theo ay sabay na kaming pumasok ni Lea sa loob ng bahay, maya-maya rin ay bigla na ring dumating ang panganay kong anak.

Ang anak ni Manuel.

Muka itong masaya, ngayon ko lang nakita ang anak ko na ganito kasaya, lalo na't alam kong seryoso sya doon sa babaeng iyon, ang kaso ay 2 taon ang tanda nila sa isa't isa.

Sabagay kayo nga ni Nigel noon ay 3 years ang tanda sa isa't isa.

Bigla akong nag-talukbong ng kumot. Matanda na 'ko pero bakit mistula pa rin akong bata ngayon, ngayong nakita ko sya muli makalipas ang isang dekada.

Kinuha ko ang Phone ko ng mag-ring ito.

Unknown number

Agad ko ito sinagot.
"Hello?" Bungad ko.
("Celine.") Kahit na sabihin nating 'di ko nakikita ang nag-sasalita pero alam ko kung sino ang may-ari ng boses na ito.

Tsk, lagi talagang may paraan ang taong ito na malaman ang lahat.

("Is she my daughter?") Hindi na nabago ang pag-ka straight forward nya.
"Hindi. Hindi mo sya anak, anak namin sya ni Manuel--"
Pinutol nya 'ko.
("You always lie, it's okay, I will do investigations about her-") no! 'Di ako papayag! Ayokong mapunta sayo ang anak ko! Lalo mo sya'ng maipapahamak!

"Don't you dare do that freaking thing! I always lie? Ikaw rin naman ah! Don't touch my daughter and please stop asking me if she's your-"

("Because I know that I'm her freaking father!") Sa boses nya'ng yon ay alam kong galit na sya.
"For Pete's sake she's not your daughter! How many times do I have to tell you that before I left that place, I'm not pregnant!" Hindi nya pwedeng malaman, kaylangan kong mag-sinungaling! Ayokong madamay sya sa gulo! Lalo na't ayaw sa 'kin ng magulang mo nigel... Baka masaktan ang anak ko sa kamay ng mga magulang mo.

("Just wait Celine, I'm gonna know the truth soon, and if she's my daughter I will take her back to Ireland.")

"No she's not-ugh!" Nabato ko ang cellphone ko sa sobrang inis ng babaan ako nito, pero buti naman at nabato ko ito sa Kama ko, hindi sya nabasag pero sobrang naiinis ako sa taong iyon. Hindi nya pwedeng ibalik ang anak ko don, hindi pwede. Kaylangan ko na talaga ibigay si Lea kay Mama, kaylangan na.


LETISHA POV

"No she's not-ugh!" Mula sa Pintuan ay rinig na rinig ko ang inis na tono at sigaw ni Mama.
Anyare? Si papa ba kausap ni Mama kaya galit sya?

Mag-gogoodnight sana ako kay Mama pero alam kong may nangyari ngayon sakanya ng dahil sa kausap nya sa phone kaya nag-pasya nalang akong bumalik sa kwarto.






"Kuya saan ka nag-hapunan kagabi?" Tanong ko kay kuya habang kami ngayon ay nasa Sala at nag-aalmusal, si Mama ay pumasok na sa trabaho, pero bago yon ay nag-luto muna sya ng palabok para sa 'min ni kuya.

Ramdam kong napatigil si kuya sa pag-kain at tumingin sa 'kin. Huh?
Tatanungin ko sana sya ng bigla nalang tumunog ng dalawang beses ang doorbell. Tila ba parang nakahinga si kuya dahil 'di natuloy ang tanong ko. Hm?

Pinuntahan ko iyon at masaya kong sinalubong si Janna, tinawagan ko kasi si Janna na baka gusto nya'ng mag-almusal sa bahay, kasi nabanggit nya nga kahapon na uwian na wala sa bahay ang parents nya ngayon umaga, kasi nasa trabaho na raw.

DAUNTLESS LADY (On-going)Where stories live. Discover now