CHAPTER 28

8 1 0
                                    

Sinasabi na nga ba!

Nag-iimpake ako ngayon ng damit ko para pag naayos ko na ang flight ko papunta sa Pilipinas ay wala na 'kong liligpitin. Tumawag si Braylle sa akin kagabi at sinabing nakita n'ya sa cafè si Kuya Martin at Janna na nag sasagutan. Para rin daw masabi n'ya sa akin ang lahat, sinundan n'ya ito at nakitang umiiyak habang nag da-drive.

"Anak, kakain na--anong ginagawa mo?" Nag tatakang tanong ni Mama habang pinapanood akong isara ang maleta ko. Humarap ako dito pag katapos.
"Uuwi ako ng Pilipinas, may kaylangan akong gawin do'n." Sabi ko at walang kagana-gana ang tono ko.
"Anong gagawin mo? Pupunta pa tayo kila Lola mo--"
Pinutol ko ang sinasabi ni Mama.

"Ma, pwede po ba payagan n'yo 'ko? Malaki na ako at hindi na bata,may sarili na akong desisyon. Isa pa, gusto ko rin na umalis na dito, hindi maganda pinaglalapit n'yo kami ni Theo, kasal na yung tao. Tsaka si Janna basta, ayoko na mag explain." Sabi ko at labas ng kwarto.

Pupunta sana akong kusina para uminom ng tubig ng mapatigil ako at napatingin sa gawi ni Daddy at Theo. Kapwa na silang nakatingin sa akin ngayon. Tinarayan ko si Theo ng tiningnan n'ya 'ko kaya nag patuloy ako papasok ng kusina.

Uminom ako ng tubig at saktong pag-harap ko ay nakita ko si Theo. Ano baaaaa!

"Ano na naman?" Naiiritang tanong ko. Sumilip s'ya sa gilid at napatingin din ako do'n, nawala sila Mama sa dining.
"Let me explain, this is important Lea." Nag-mamakaawang pakikiusap nito.

"Look, Theo I'm busy, I have flight tomorrow and I don't have time to you, so pwede ba wag mo na ako harangan sa dinaraanan ko?" Huminga ito ng malalim at akmang tatalikuran ko s'ya ng hilain n'ya 'ko sa braso.

"Ano ba?! Sinabi ko ng busy ako diba?! Bakit ba ayaw mo tumigil?! Ang kulit kulit mo!" Sabi ko habang nakaharap na sakanya. Binawi ko na rin ang braso ko.
"Bakit ba ayaw mo makinig sa 'kin?! Pwede ba kahit pakinggan mo muna ako--"

"Eh, sa wala nga akong time makinig sayo! Alam mo ba yung busy?! Naging hari ka ng 'di alam ang salitang busy!"

"Lea 'di naman ito aabutin ng oras, maybe minutes but--"

"Ayaw ko nga makinig ano ba! Kailangan ko mag asikaso para sa flight ko bukas!--"

"Bakit ka uuwi?! Kararating mo lang!"

"Bakit mo 'ko sinisigawan?! Tsaka wala kang pakealam kung gusto ko umuwi okay? Tigilan mo na 'ko, inuulit ko ayaw ko makinig sa mga sasabihin mo." Matigas na sabi ko.
"Makinig ka nga muna! This is fucking important Lea! Me and Zasha--" pinutol ko s'ya.
"I. Don't. Care. Wala akong pake sa mga sasabihin mo about sainyong dalawa!"

"Iyan ba ang natutunan mo kay braylle?! Ang hindi pakikinig?"

Aba, putang'na!

"Wag mong isali si Braylle dito! Nananahimik iyon! At 'yon pag nag bitiw ng salita, ginagawa!" Napatigil s'ya at napatitig sa mga mukha ko. May halong gulo at sakit ang mga Mata. Pero hindi ko ito pinansin at umakyat na. Nakasalubong ko Pa sila Mama sa harap ng kwarto nila pero agad ako na pumasok sa kwarto ko at ini-lock 'yon.

"Bwiset talaga!"



THEO POV

"Wag mong isali si Braylle dito! Nananahimik iyon! At 'yon pag nag bitiw ng salita, ginagawa!"

Pag nag bitiw ng salita, ginagawa.

Pag nag bitiw ng salita, ginagawa.

Pag nag bitiw ng salita, ginagawa.

DAUNTLESS LADY (On-going)Where stories live. Discover now