Prologue

31 4 8
                                    

"Ang OA mo naman!"

"Oh God! it's normal,"

"Yes, it's normal to feel sad. Nakakatawa ka!"

"Girl, enough with that! wala kang sakit! okay?"

I watch how they laugh at me when I tried again to open up with them. Ang sabi ay kapag hindi mo na kayang panghawakan mag-isa ang problema ay mas mabuti na maghanap ka ng kausap tungkol dyan, bago pa man mahuli ang lahat. Talk to friends if you're not comfortable opening up with your parents or family, ika nga. Pero kung paulit-ulit na lamang na ganito ang maririning ko, siguro mas maigi na sarilihin ko na lamang ang pinagdadaanan ko.

I stood up and walk towards the exit door of the rooftop, not saying anything to them.

"Where are you going?"

I heard Chelsie asked but I didn't stop from walking. I didn't even dare to answer her kahit na ramdam ko ang mga nagtataka nilang tingin na sinusundan ang bawat galaw ko at ang dahan-dahang paghakbang ng aking paa palayo sa kanila.

It's twelve midnight and we decided to chill up here, together with beers and curls. Laging ganito ang gawain namin tuwing sasapit ang weekend. We're all exhausted from individual office works but instead na magpahinga ay inuman ang laging takbuhan namin—ang pahinga para sa amin.

Nang tuluyan nang makababa ay kinuha ko ang bisikleta na tinabi ko kanina sa tabi ng bagong abandonadong building malapit sa village namin. It's better to go home and lock myself in my dark room.

Tahimik at malinis na ang daan nang tuluyan na akong lumabas sa building. Tanging ihip ng hangin at ang pagpepedal ko lamang ang naririnig ko sa oras na ito. I breathe out and quickly close my eyes while the question in my mind keep bothering me right now.

When will they understand you, Benitez?

Minsan ay gusto ko na lang na umiyak dahil tila wala namang taong nakakaintindi sa akin o kung ayaw lang ba nilang intindihin ako. Sinubukan ko naman, paulit-ulit, sinubukan ko... sinusubukan ko pero tila hindi nila ako marinig, tila wala silang naririnig. So what's the point of trying again, right? I guessed, it's enough... I'm done.

Pumasok na ako sa maliit naming gate at nilagay sa tabi ng malaking puno ang bisikleta. Tahimik ang bahay at wala ni isang ilaw ang nakasindi. Hindi ko alam kung alam ba nila na lumabas ako o talagang wala lang silang pakiaalam dahil abala rin sila sa kani-kanya nilang trabaho at buhay araw-araw.

Silently, I step inside of our not so big house and walk straight upstairs. I'm planning to end this night with a sleep but before I could enter my room, I heard a tiny voice crying inside my little brother's room so I stop and carefully hold the doorknob.

He's sleeping but there's this little curve in his lips and he's about to cry when I open the door. It seems that he's having a bad dream kaya wala sa sariling pumasok ako sa loob at nilapitan siya sa kama. I try to reach for his hair but I felt scared that I might wake him up and he'll be afraid again. Natatakot ako na baka sabihan niyang nababaliw ako at hindi na ako ang Ate Beni niya.

I sadly smile and blink my tears back. Binaba ko nalang din ang kamay ko na ambang hahawak sana sa kanya.

Nico—he used to loved staying in my room just to play alone or play with me if I'm free but one afternoon came. Siguro dahil isang linggo akong hindi lumabas ng kwarto at hindi rin pumuntang trabaho kaya siya pumasok nang walang pasabi. He was so shocked that my room was so dark that time. Nakababa ang lahat ng kurtina at naabutan niya akong nasa loob ng cabinet, dealing with my own thoughts, with my own devil, dealing with the chaos inside my head. Hindi ko narinig ang pagpasok niya, ni hindi ko narinig ang tawag at iyak niya dahil sa lakas ng volume ng cellphone ko. Nabigla na lamang ako nang bumukas ang cabinet at tumambad siya sa harapan ko kasabay ng mga luhang pumapatak at ang dahan-dahan na pag-atras. He saw me holding a bottle of beer on one hand and on the other was a blade with a stained of blood habang gulo-gulo ang buhok.

Lugar de EsperanzaWhere stories live. Discover now