Chapter 21 - From Bubuyog to Clown

Start from the beginning
                                    

"Oo naman."

Bumalik na rin si Marion sa office table niya at nagsimula na siyang magtrabaho.  Ako ito kumakain ng mga order niyang Jollibee dahil dumating na si Sec. Lee. Kitang kita ko kung gaano kabusy si Marion at isama mo na rin si Sec. Lee. Iniisip ko, pagod na siya sa trabaho niya tapos pagdating pa sa bahay aawayin ko pa si Marion. Bad Karissa and little one. Baby, kaya dapat simula ngayon maging good na tayo kay Daddy mo.

"Secretary Lee!!!" Kitang kita ko kung gaano kasimangot na ng mukha ni Marion. At narinig ko yung takbo papasok ng office si Sec Lee.

"Who made this proposal?! Told them to revise this one and don't make me to repeat this sentence or else, get ready their resignation letter."

Hay naku, hindi pa rin nagbabago itong si Marion. Kaya siguro hindi na ko nagugulat na nanginging lahat ng pumapasok dito sa opisina niya. Hindi na rin sa akin bago yung mga ganyang linyahan niya kasi lagi yan ganyan kapag kausap si Sec Lee sa phone. Kaya little one, tulugan natin si Daddy mo.

After ko kumain, hindi rin nagtagal nakatulog din ako. At nagising na lang ako dahil kay Marion.

"Kin, wake up. I'm already done."

"Inaantok pa ko. Huwag kang maingay diyan. Sisipain kita eh."

"Kin, nagtataka na ko sayo. Gangster ka ba dati." At narinig ko pang tumawa ng nakakaloko tong asawa ko. May gana pa siya mangasar ah. Bahala siya diyan, inaantok pa ko.

"Kin, you need to wake up na. Akala ko ba mag-mall tayo?"

At dahil sa huling sinabi ni Marion bigla akong napatayo agad. Hindi ko puwede paglagpasin yung offer ni Marion ngayon.

"Let's go." Sumakay na kami ng elevator at naalala ko itong special elevator niya.

"Hoy ikaw Mr. Gotiangco, kahit kailan hindi ka na nagbago."

"Anong sinasabi mo diyan, Mrs. Gotiangco?"

"Bakit meron ka pang special elevator diyan? Dapat sinasabayan mo yung mga empleyado mo dito."

"If I will do that, tanghali na ko makakarating dito." Hmmm, bakit naman?

"Slow ka talaga, Kin. Isipin mo ako ang nasa pinakamataas na floor, so gusto mo mangyari ihatid ko lahat ng empleyado ko dito sa bawat floor nila. You know me, Kin, ayaw kong naghihintay." Maarte ka lang talaga Marion, palusot nito. "And of course Kin, if sasabay ako sa kanila, for they will going to use the stairs instead.

"Sa bagay, kahit saan naman kinatatakutan ka. May lahing aswang ka kasi eh."

"What, Kin."

"Wala po." Huwag na natin iparinig sa kanya dahil baka yung mall with Kin ko maudlot pa. Buti ng good mood si Marion.

Pagdating namin sa lobby hindi nawala ang mga tingin sa amin ng mga empleyado niya dito. Akala mo nakakita sila ng artista, bute na lang nagbihis ako ng maganda dahil baka magmukha akong alalay ni Marion.

Hindi rin nagtagal nakarating na rin kami sa mall nila Japs. Oh diba napakasupportive namin kaibigan.

"Saan mo gusto pumunta?"

"Gutom na kami." Chanak yata tong anak natin Marion, wala siyang kabusugan.

"Ok, so where are going to eat? Don't tell me, kay bubuyog na naman."

"Hmm, ayaw namin ngayon kay Jollibee."

"Ok, good. Gusto mo doon sa restaurant ng Kuya ni Japs?"

"Ayaw ko doon. Doon namin gusto." At tinuro ko sa kanya kung saan kami natatakam ngayon. I can't wait to taste their chicken nuggets.

"Dati bubuyog, ngayon Clown naman, really Kin?"

****************

Thank you Ayers for keep supporting the TBMG. At dahil birthday na ni Ms. A tomorrow, magpaparaffle ako para sa book ng Class 4-6. I will post the mechanic how you will join the raffle sa facebook account ko and sa Class 4-6 fb group.

And of course, maglilive din si Ms. A sa facebook tomorrow para makalaro kayo sa Among US. :)

[CLASS 4-6 BOOK 2] To be MRS. GOTIANGCOWhere stories live. Discover now