Chapter 7 - Birthday Surprise

110K 3.5K 1.8K
                                    

MS. A: THANK YOU SO MUCH SA LAHAT NG SUMAGOT NUN QUESTION KO AND I REALLY APPRECIATE YOUR ANSWERS. Nakakatouch talaga siya :) Thank you so much! :)
I know matagal niyo ng hinihintay ito and i'll give you a warning. THIS IS VERY SHORT. talagang nasingit ko lang siya sa time ko.
I don't know if this would be a chapter or just a teaser. basta kayo na bahala humusga. Ito lang talaga kakayanin ko ngayon :(
KARISSA'S POV

"Lumayo ka kay Jordan."

Yan lang ang katagang sinabi lang sa akin ni Marion nun gabing yun. Wala na siyang sinabing iba pa. Mabuti na lang talaga dumating agad sila Nathan para awatin sila Marion at Jordan. Dahil ramdam na ramdam ko yun galit nila sa isat isa.

Pero masakit dahil pakiramdam ko hindi lang dahil sa akin kaya nagkakaganito. Ramdam kong dahil din ito kay Leslie.

After that night, mas naging busy din si Marion pero hatid-sundo pa din niya ko. Walang palya yun. Minsan nga susunduin niya ko sa school tapos ihahatid lang niya ko sa bahay then babalik na ulit siya sa opisina niya. Hindi ko alam kung ginagawa niya ba yun para bantayan ako kay Jordan.
Wala ba siyang tiwala sa akin?

"Let me remind everyone that your project's deadline will be tomorrow."

Teka?! yun project nga pala namin! BAKIT NGAYON KA PA UMABSENT JORDAN?!

Halaaaa!!! Nasa kanya lahat ng nresearch namin! Kailangan ko siyang matawagan. Pero paano?!
Ay oo nga pala! May list pala ako ng contact number ng mga classmates ko.

Minsan pala magagamit ko din pala pagiging class president.
Tinawagan ko agad ang bahay ni Jordan.

"He-hello po?"

Matandang babae un sumagot. Pero bakit parang sa tono ng pagsagot siya hindi siya ok.

"Hello din po. Puwede ko po ba makausap si Jordan?"

"Ah si Sir. Pasensya na po pero hindi niyo po siya makakausap ngayon."
"Pero bakit po? Importante lang po talaga ito."

"May sakit po kasi si Sir. Ay teka lang po, classmate po ba kayo ni Sir Jordan?"

"Opo."

"Maaari niyo po ba akong matulungan?"

"Tulong po"

"Classmate naman po kayo ni Sir. Maaari niyo po bang masamahan siya dito sa bahay niya? Kailangan na kailangan ko pong makaalis agad ngayon dahil yun anak ko po hinihintay po ako sa terminal ng bus. Kailangan ko po siyang masundo na ngayon pero hindi ko po maari maiwan si Sir na magisa ngayon dahil sa kalagayan niya. Maawa na po kayo sa akin. Sana mapagbigyan niyo po aking pabor."

Hala? Anong gagawin ko ngayon? Pero naaawa naman ako kay Ale. Paano kung may mangyaring masama sa anak niya? Pero sa bahay talaga ni Jordan? Pero mas ok na rin toh dahil makukuha ko naman ang research namin.

Ay tama na ang pero!

"Sige po. Pupunta na po ako diyan. Ano po ba address dyan?"

Hayun. sinabi naman nun Ale yun address ng bahay nila Jordan. Pero may isang bagay na hindi ko kinalimutan.

Ang itext si Marion.

"Marion, huwag mo na ko sunduin ngayon. May dadaanan pa ko, sa bahay na ko ddretso."

Sabay patay ng cellphone. Ayoko man magsinungaling pero mas malaking gulo pag nalaman ni Marion na pupunta ako sa bahay ni Jordan. Kung may choice lang sana ako ngayon.
***************************************************************************

[CLASS 4-6 BOOK 2] To be MRS. GOTIANGCOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon