"Wow, nakapula! Feel na feel ang pagiging birthday girl," pang-aasar ko kay Nanay nang magsalubong kami sa sala.

"Wow, nakaitim! Feel na feel ang pagiging tambay sa friendzone!"

"Nay! Napakabastos ng bibig mo!" nakasimangot kong saad sa kanya. Nagbiro lang naman ako pero mamemersonal siya?!

We peacefully attended the mass. Hindi ko rin in-expect na meenjoy ko ang sermon ni Father ngayon dahil kadalasan ay puro patungkol sa pagsuporta sa gobyerno at hindi pakikiisa sa divorce ang topic niya kaya tinatamad akong umattend. We had different views regarding the issue.

Kinuha ko ang cellphone ko para itext si Duke. Jusko, hindi ko ata matitiis kung isang linggo ulit kaming hindi magpapansinan. Pag-uwian, iisa kami ng tricycle na sinasakyan pero sa likod siya umuupo. Sinubukan ko nga one time na hindi ako sumakay kahit hindi pa puno pero nakita kong hindi rin siya sumakay.

Patigasan talaga kami ng mukha?! Well, Duke, malambot ako. Tutal ako lang din naman ang nagmamahal ditto.

Me:

GOSURF50

Ibinaba ko ang aking cellphone at niyaya si Nanay na mag-ice cream sa labas ng simbahan. Sumama naman siya sa akin dahil nakita niya kaninang ube ang flavor at paborito niya iyon.

"Sa Shakey's tayo mag-lunch," saad ko.

"Sigurado ka ba? Bumili ka na lang ng black shoes."

Umiling ako. "Mahigit isang libo iyong gusto ko para matibay na. Sa susunod na scholarship na lang ako bibili."

Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko kaya napangiti akong kinuha ito.

Duke Pangit:

The fuck?

Wow, ang yaman ng mura. Nagtipa agad ako ng sagot.

Me:

wrong send

Me:

pero miss kita

Nailing ako sa sariling kalokohan nang muli ko itong isilid sa bulsa ko. Alam kong hindi na magrereply ang lalaki dahil hindi naman siya ma-text na tao.

Habang papunta kami ni Nanay sa Shakey's ay nahagip ng mata ko si Mitzie. Nakasuot lang siya ng tshirt at pantalon pero ang ganda niya pa rin tingnan. Nasa labas siya ng isang department store na parang may hinihintay.

"Nay, lalapitan ko lang si Mitzie."

Tumango si Nanay sa akin pero bago pa ako makahakbang nang tuluyan ay lumabas mula sa department store si Duke. May hawak siyang paperbag at nahihiyang lumapit kay Mitzie. Nag-usap sila saglit at nakita ko kung paanong napangiti nang malaki ang babae at nagpakita ng approve sign kay Duke.

Ano ang ginagawa nila?

"Sol, ano?" tawag sa akin ni Nanay.

Mabilis akong lumapit sa kanya. Dumiretso kami papuntang Shakey's, nagkwentuhan, kumain at nagtawanan pero nanatiling mabigat ang damdamin ko. Maraming pumapasok na isipin sa utak ko na gusto kong iwasan.

Were they seeing each other? Kung oo, kailan pa? Kung hindi, then why...? Today is Sunday. They didn't have any reason to be together.

Hanggang sa makauwi kami ay palaisipan iyon sa akin. Ayokong isipin na may relasyon sila dahil alam ni Mitzie ang nararamdaman ko para sa lalaki. Hindi rin naman para magtago ng sikreto sa akin si Duke. But still, it bothered me. It bothered me to the point na ang gagawin kong cheesecake ay hindi ko na nagawa.

Tatlong araw na lang ay tutulak na pa-La Union silang dalawa. They will be able to spend more time together. And La Union was a wonderful place to celebrate youth... and love.

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon