Tawanan at Kwentuhan

22 2 0
                                        

Naguusap ang tatlong magkakaibigan sa Canteen ng Paaralang Baloso, sila ay sina Reymond, Marlon at si Dexter. Nakaupo sila sa isang mahabang lamesang hindi naukupahan ng kahit sino kaya silang tatlo lang ang nakaupo sa mahabang lamesang ito.

Reymond: "Pare, pwede pakopya sa Math?"

Dexter: "Ayan ka nanaman Rey puro ka na lang kopya, wala ka bang utak?"

Marlon: "Sige na pare pakopyahin mo na si Rey, tayo tayo rin naman magkakasama bakit hindi tayo magtulungan"

Dexter:" Hay nako mga pare alam ko na yang style na yan, palagi ko na lang yan naririnig sa mga kaklase natin para makakopya sila kay Ann"

Marlon: "Oo nga pala pare napapansin mo ba yung classmate nating babae na palaging nagiisa, yung nasa sulok palagi at walang kasama?"

Reymond: "Oo nga Marlou palagi ko siyang nakikitang nagiisa wala siya palaging kasama sa room, bakit kaya hindi mo siya kausapin?"

Marlon: "Marlou amp, Marlon pre Marlon hindi Marlou, isang banggit mo pa ng Marlou sasapakin na kita."

Reymond: "Eh ano bang problema mo sa Marlou pre? May kahawig ka ngang celebrity eh alam mo ba yon?"

Marlon: "Wow naman, Oh talaga sino?"

Reymond: "Si Marlou pare HAHAHAHAHA, kaya nga kita tinatawag na Marlou kasi kahawig mo siya"

Tawang tawa sila Reymond at Dexter habang si Marlou, ay este Marlon ay asar na asar kay Reymond.

Marlon: "Aba putan**** neto ah, halika ka nga dito sasapakin kita nang makita mo"

Dexter: "Tama na yan pare wag mo na lang seryosohin si Reymond, ganyan naman talaga yan eh palaging nagbibiro, hindi ko pa nga nakitang magseryoso yan eh"

Palagi silang tatlo na sabay kumakain sa Canteen habang Break Time sa klase. Madalas silang nagtatawanan dahil sa mga kwentuhan nilang mga malapantasya at piksyon na mga kakatuwang mga bagay. Hindi lamang sila nagtatawanan kundi nagkakatakutan din naman dahil sa mga paranormal stories na kanilang nababasa sa mga komiks.

Habang nagtatawanan ang tatlo ay napadaan sa harap nila si Binibining Princess.

Reymond at Dexter: Nakangiti habang nagsasabi ng "Hello po Maam, Gud afternun"

Bb. Princess: Nakangiti habang nagsasabi ng "Gud afternun din sa inyo"

Reymond: "Marlon bakit ka nagtatago dyan?, batiin mo si Maam hoy!"

Marlon: Namumula ang mukha dahil sa hiya, "Uhm, gud afternun po Mam"

Bb. Princess: Ngumiti at nagsabi - "Gud afternun din"

Habang papalayo sa kanila si Bb. Princess ay nakatingin sila sa kaniya habang naglalakad. Totoong maganda talaga ang anyo ni Bb. Princess at may magandang hubog ng katawan at ang kaniyang mukha ay mala anghel sa ganda lalo na kapag ito ay ngumingiti.

Reymond: "Pare ang ganda talaga ni Maam Princess noh?"
Dexter: "Oo pare, sobrang ganda niya. May boyfriend na kaya siya?"

Habang naguusap silang dalawa ay napansin nila si Marlon.

Dexter: "Hala Marlon anong nangyari sayo? Bakit ang pula ng mukha mo"

Reymond: "Nakoo may crush ka kay Maam noh?"

Marlon: "uh uh uhmmm.. Bakit, bawal ba? Ang ganda kaya ni Maam"

Reymond:  "HAHAHA sabi ko na"

Dexter: "Ayos lang yan Marlon, miski naman kami nagagandahan kay Maam."

Habang naguusap ang tatlo ay narinig nila ang malakas na tunog ng Bell ng paaralan na nagpapahiwatig na tapos na ang Break time.

Dexter: "Tara, akyat na tayo sa room"

Reymond at Marlon: "Arat!"

Project: Astral ProjectionOù les histoires vivent. Découvrez maintenant