Chapter 34 Impending Doom

Start from the beginning
                                    

“Sa lahat ng lalaki sa mundo, si Carlito ang nagustuhan ko. Masaya kasi siyang kausap at ang pinakaimportante, naiintindihan niya ako. Parang ikaw Conrad. Katulad ka niya. Kaya nung nakilala kita, naalala ko si Carlito. Isang araw, nalaman ko na lang na buntis ako at natakot ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Pumunta akong maynila at sinuportahan naman ako ni Papa dahil ang rason na sinabi ko ay doon na lang muna ako mag-aaral pero ang totoo, itatago ko lang ang pagbubuntis ko. Hindi alam ni Carlito na ipinagbubuntis ko si Portia nung mga oras na yun. Ipinanganak ko si Portia, ako lang mag-isa, sa isang public hospital at dahil 17 lang ako, wala akong kaalam alam sa buhay, sa pagaalaga ng bata. Minsan, iiyak na lang ako dahil sa mga kasalanan na ginawa ko, sa pagsisinungaling ko kay Papa, problema ko sa pagpapalaki kay Portia. Hindi ko kaya ng ako lang mag-isa. Naisip kong ibigay na lang ang baby kay Carlito nang magkasakit si Portia, gabi gabi siyang umiiyak at napansin kong nangayayat siya. Umuwi ako ng probinsya para hanapin si Carlito pero wala daw siya dun at nagbakasyon kasama ang asawa niya. Hindi ko mahagilap si Carlito kaya sumagi na rin sa isip ko na ibigay na lang ang bata sa kahit sino o kaya iwan na lang siya kung saan. Pero hindi ko kayang gawin, kung may pagbibigyan man ako sa bata, si Carlito iyon. May nagbigay sa akin ng telephone number niya kaya tinawagan ko siya. Nagkita kami sa Baguio, kung saan sila nagbabakasyon ng asawa niya. Ibinigay ko si Portia at sinabi ko sa kanya ang totoo at nagsinungaling akong magpapakasal ako sa isang foreigner at hindi ko pwedeng dalhin si Portia.”

“Yun na ang huli naming pagkikita ni Carlito at ng sanggol na si Portia. Ako ang nagbigay ng pangalan niya at hindi na binago ni Carlito. Nahirapan ako nung una dahil sa sobra kong pagkamiss sa anak ko pero kailangan ko yung gawin para sa kanya dahil hindi siya mabubuhay sa akin. Hindi ako handa at hindi ko pa kaya. Biglang nagkagulo gulo na ang buhay ko. Nagkaroon ako ng foreigner na asawa pero hindi na ako nagkaanak, namatay si Papa at hindi ako nakauwi sa burol niya. Hindi ko rin siya naalagaan nung magkasakit siya kaya dumaan ako sa matinding depression at alcholism, dinevorce ako ng asawa ko, nag-asawa ako ulit pero walang nangyari. Dalawang bagay lang ang pinagsisisihan ko, hindi ko nasabi kay Papa lahat ng nilihim ko sa kanya at hindi ko naparamdam sa sarili kong anak ang pagmamahal ko sa kanya.”

Umiyak si Priscilla.

“Nang makilala ko si Portia, naalala ko ulit ang anak ko na iniwan ko kay Carlito, siya pala yung baby na iniwan ko. Ang ganda ganda niya nung debut niya at nagtago ako sa may puno nung nagbigay ng speech ang mga magulang niya dun sa party. Hindi ko natago yung lungkot ko nung nagbigay siya ng speech para sa mga magulang niya. Kung ako ang nagpalaki sa kanya, magiging mabuting tao kaya siya? And as I see her, hindi ko pinagsisihan ang desisyon kong ibigay siya kay Carlito dahil pinalaki siyang mabuting bata.”

“Habang buhay kong pagsisisihan ang pagsisinungaling kay Papa pero naisip kong habang nabubuhay ako sa mundo, sana kahit saglit lang na oras, mayakap ko si Portia at mapadama ko na mahal ko siya inspite of everything.”

Hanggang sa matapos ang trabaho, fresh na fresh ang kwento ni Priscilla na tumengga sa utak ko. Madrama, makabuluhan, gusto mo siyang gawing kontrabida sa isang teleserye pero hindi eh. Yung kwento niyang yun, malaman, makabuluhan, makasaysayan.

I really want to help her but how? Ang gulo gulo na ng mga pangyayari.

Ang paglalaro lang ng dota ang way to relieve stress. Tinext ko si Portia tungkol sa paguusap namin ni Priscilla at no comment siya sa issue. Hindi ko alam kong galit siya or what. Ayoko munang mastress kaya hindi ko muna siya kinausap tungkol dito. Ganito ba talaga dapat? Kailangan hindi maubusan ng problema?

Kinabukasan, sa office, pinatawag ako sa loob ng dating opisina ni Priscilla. For the first time, nakilala ko na si Mr. Serafin Sera, ang CEO ng kompanya at dating asawa ni Priscilla.

Sa wrinkles at halatang pagtitina niya ng buhok niya, let’s say, nasa late 60’s na ang edad niya.

Pagpasok ko sa loob, tinitingnan niya ako na para bang hindi malinaw ang pagkakakita niya sa isang seven wonders of the world na nasa loob ng opisina niya. Isang makasaysayan ang pagmumukha ko na pwede ng ibilang para maging seven wonders of the world.

Nakangiti siya sa akin ng lumapit ako sa table niya para magreport.

“Good morning Mr. Sera!” bati ko sa kanya.

“Good morning!” bati naman niya sa akin. “Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, isasama kita ngayon sa site. Dun ka na magiintern. Get your things and we’ll go.”

“Okay Sir!”

Sa wakas! Nandito na tayo sa tunay na internship!

Ipinakita sa akin ni Sir Sera ang site. Itinuro niya sa akin ang mga gagawin ko. Akala ko naman kung ano, yun pala maghahalo ako ng semento. Nag-ala construction worker ako dito. Okay lang naman sa akin, at least, hindi na ako naghahatid ng kape o kaya nagxe-xerox.

Sa dami ng ginawa ko ngayon, sumakit ang katawan ko.

“See you tomorrow!” sabi ni Sir Sera.

Mabait naman pala siya kahit papaano.

Dumaan ako sa malapit na drug store para bumili ng salonpas dahil sa pagkabugbog ng katawan ko. Actually, half day lang akong nagtrabaho ngayon pero yung sakit ng katawan ko parang nagtrabaho ako buong linggo.

Habang nakapila ako sa counter, may message si Portia. Gusto niyang magpasundo. Ang plano ko talaga, umuwi agad agad pero dahil sa kanya kailangan kong sumunod. Siguro makita ko lang siya mawawala na tong sakit ng katawan ko.

Nakatayo ako sa labas ng gate habang palapit naman si Portia sa akin.

“Amoy salonpas ka?” tanong niya.

“Ang sakit kasi ng katawan ko. Sinundo ako kanina nung engineer. Si sir Sera, pinapunta ako sa site. Simula ngayon, dun na ako papasok. Alam mo ba ang pinagawa sa akin? Pinaghalo lang naman ako ng semento. Parang construction worker ang dating ko.”

Kwento ako ng kwento pero tahimik si Portia.

“Conrad, I need to tell you something.” Sabi niya.

Tumigil kami sa paglalakad at na-curious ako dun sa sasabihin niya. Seryoso siya this time. Walang ngiti at hindi tonong joke ang ginamit niya para ipadala ang mensahe sa akin.

Wala akong ideya kung ano man yun. Sa dami ng problema na kinahaharap niya ngayon, hindi ko ma-assume kung tungkol sa amin, tungkol sa pamilya niya, tungkol kay Priscilla.

The moment that she stared at me, gusto ko ng malaman kung ano yung sasabihin niya sa akin na feeling ko ikakagulantang ko.

Parang impending doom

“What?” tanong ko.

“Sabi sa akin ni Jaymee, hindi ko pwedeng sabihin sayo pero hindi na siya pumapasok at hindi ko alam kung nasaan siya ngayon.”

“Hindi na siya pumapasok? Bakit? Anong nangyari?”

“Conrad, buntis si Jaymee at hindi pa sa kanya nagpapakita si Deo!”

Sa sobrang pagkasurpresa ko, wala akong nasabi pero deep inside gustong kong isigaw ang katagang ‘Putang ina kang kupal kang Deo ka!’

How to be your Boyfriend vol. 1&2 (On Hold)Where stories live. Discover now