"I'll talk to her" sambit ko kaya napatigil siya sa pagsasalita

Kumunot ang noo niya bago magsalita "What?"

"Narinig ko na paliwanag mo, ako na magsasabi sa kaniya. You may leave"

"Pero...bakit?"

"Kasama ko siya, she's sleeping at my room" nilabas ko yung key card mula sa bulsa ko para ipakita sa kaniya "naiwan niya sa lobby—you may go now. Maiwan ka pa ng eroplano, mukhang busy kang tao. I'll take care of her, besides sa ating dalawa mas kargo ko siya"

Hindi siya umimik at naglakad na papuntang elevator, napansin kong hirap siyang maglakad. Hindi naman siya ganon kagabi. Binuksan ko na yung room ko at to my surprised she's still sleeping

"Anong oras na wala ka bang balak magising?" sambit ko habang hinahawi ang buhok niya "itutuloy ko yung naudlot na balak ko kagabi. Kaya dapat magising kana kung hindi bawas to sa sahod mo"

I laughed before leaving the bedroom. Inayos ko muna yung table for two sa may veranda bago kunin yung mga niluto ko, iniinit ko muna gamit yung microwave. Inilapag ko na yun sa table nilagyan ko ng harang para di mapasukan ng kahit anong dumi at bumalik sa kwarto, pagkabukas ko ng pinto nakita kong gumalaw siya kaya sinandal ko nalang ang katawan ko sa gilid

"Aray! Ang sakit" sigaw niya habang nakapikit pa din ang mga mata at hawak hawak ang ulo niya

"You're awake" nagulat siya ng makita ako

"B-Bakit ka nandito?" tanong niya at pinalibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto "n-nasan ako?"

"Sa kwarto ko"

"Ano?!"

"May problema ba don?"

"Pinagsamantalahan mo ba ako? k-kasi ano...wala akong matandaan"

Nanlaki ang mga ko sa sinabi niya! Pinagsamantalahan? Nakakainsulto

"Excuse me?!" singhal

"Bakit? d-dadaan ka?"

"What?!"

"Nagtatanong lang ako kung may ginawa ka sakin..."

Nakaisip ako ng kapilyuhan sa utak ko, lumapit ako sa kaniya at ilang dangkal nalang ang layo namin sa isa't-isa, kitang kita ko sa mga mata niya yung kaba. I leaned closer to her

"So, what if I did something to you? What are you going to do—" hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil bigla niya akong sinampal!

"Manyak!!!! Rapist!! Walang hiya ka! Alam mo bang iniingatan ko ang puri ko? Wala pang nakakagalaw sa akin tapos...tapos ikaw pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko!!"

"Will you please lower your voice?!" I shouted "I didn't do anything to you! I was just...joking earlier! I even took good care of you! Nilinis ko pa nga ng wet wipes yang mukha mo! I even combed your hair so it won't get messy when you wake up! And hey, I may be a flirty guy but I will never take advantage of a drunk woman!"

Padabog akong umalis at nagpunta sa kitchen para uminom ng tubig

Hindi nalang mag 'thank you' nang akusa pa!!

--

Napahawak ako sa dibdib ko ng makalabas si Stephen sa kwarto, unti-unti kong sinilip ang loob ng comforter para masiguradong may saplot ako

Gaga ka self!! Judgmental ka masyado! Yan tuloy sinigawan ka ng amo mo

Tatayo na sana ako kaso sumakit nanaman yung ulo ko

Boss Series 1: Playboy Bossजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें