"Sweet mo, ah? May atraso ka ba sa'ken?" aniya habang nilalantakan ang cheesecake.

Umupo sa tabi niya si Mitzie ngunit hindi niya iyon binalingan ng tingin. Para siyang pre-occupied sa kinakain niya.

"Oo, nakipag-away ako kahapon," tugon ko bago hilahin ang bakanteng upuan para maupo sa tapat nilang dalawa.

Doon siya napatigil. "Hindi nga?"

I nodded. "Wow, hindi mo pa nababalitaan? Everyone has been talking about it..." I paused. "Hayaan mo na 'yon. Kumain ka na!"

But he didn't listen.

Ibinaba niya ang kinakain at ibinigay sa akin ang buong atensyon niya. "Ano ang ginawa sa 'yo? Sina Roswell at Bela na naman ba 'yan?"

His serious expression gave me goosebumps. Nakita ko kung paanong nagsalubong ang kanyang kilay at bahagyang nagdilim ang mata dahil sa inis. Umikot ang paningin niya sa kabuuan ko at napahinga nang malalim nang mapansing wala namang kakaiba sa akin.

Hinampas ko ang braso niya. "Napaka-OA mo! Ano 'to?! Baguhan ba ako sa pakikipag-away?" natatawang asar ko sa kanya pero hindi naman siya tumawa.

"Hindi porket sanay ka na ay hindi na ako mag-aalala, Solene."

I bit my lower lip. Sa mga simpleng salitang iyon ay kuhang-kuha niya lagi ang loob ko. Sa totoo lang, sinabi ko rin naman kasi sa kanya iyon dahil kapag sa iba niya pa narinig ay baka kung anong gawin niya. Noong nakaraan nga na may nambastos sa akin sa Business Department, nalaman kong ini-report niya iyon sa admins at napatawan ng two weeks suspension ang lalaki.

Napatingin ako sa katabi niya na malaki ang ngiti sa akin na parang nang-aasar. Inirapan ko lang siya kaya lalong lumaki ang ngiti niya.

"Eto naman, wala 'yon. Nakipagsagutan lang naman. Hindi naman gyera." I reached for his hand and gently squeezed it.

His face remained the same. Good heavens, ang aga aga, binebless mo agad ang mata ko!

"Tell me about it."

I frowned, but Mitzie cut me off before I could say something.

"I was bullied. She came. She protected me kaya siya ang napaaway. The end," dire-diretsong saad niya na parang kaya no'n pakalmahin ang lalaki.

Kinagat ni Duke ang pang-ibabang labi kaya muling sumilay ang dimples niya. When he ran his fingers through his hair, he had no idea how handsome he was. Sa tulong ng araw at liwanag na tumatama sa bintana, nagmukha siyang modelo sa isang magazine. His reddish lips were sinfully perfect, and his jaw was defined. Really, everything about this man is beautiful... and dark.

I heaved a deep sigh. "Bati na tayo, ha? Ibinili kitang cheesecake." I giggled. "Hindi na ako makikipag-away sana, ang kaso, binanggit niya na naman si Nanay. Alam mo namang ayaw ko no'n, 'di ba?"

Lumambot ang kanyang ekspresyon at pabiro na lang akong inirapan. Kinuha niya ulit ang cheesecake at muling kinain iyon.

"Huwag ko lang talagang mababalitaan na nakikipag-away ka ulit, Sol. Malilintikan ka sa akin."

I raised my eyebrow. "Bakit anong gagawin mo?"

"Ikakadena kita."

Parang gusto ko yata 'yon, ah?

"...sa lugar kung saan maraming palaka." dagdag niya kaya malakas ko siyang hinampas sa balikat.

"Impakto ka talaga!"

He laughed at my agony. Alam niyang malaki ang takot ko sa palaka at iyon madalas ang ipamblackmail niya sa akin. Noong nasa elementary kami at nagkaroon kami ng pagtatalo, nilagyan niya ng medyo maliit na palaka ang black shoes ko kaya hanggang makarating ako sa school ay parang hindi ako komportable.

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon