6. Nina's Life

9.8K 273 3
                                    

HERA'S POV

I WOKE up nang maramdaman ko na tumutunog na ang tyan ko. Nagrereklamo na ata kasi hindi ako kumain kagabi. Tiniis ko nga pala ang gutom kasi nakunsume ako sa kapatid kong hilaw.

O_o

Bigla akong napaatras nang konti sa kama. Katabi ko nga palang natulog si Kuya Clyde kagabi.

(⊙o⊙)?

Anak ng pating! Natutop ko ang aking bibig. Muntik na akong mapatili nang muli akong hilahin ni Kuya Clyde palapit, he even hugged me tighter this time. Nasa tapat ng dibdib ko ang mukha niya, nakayupyop doon.

Nemmeeennn... Hindi tama tong nararamdaman ko. Kinikilig ako sa ginagawa ng isang tulog. Toinks!

I looked at his face. Nakakalaglag ng puso talaga. Ang gwapo. Nakapikit pa din si Kuya Clyde kaya hindi ko maiwasan na hindi sya titigan. 

How I wish I can tell you that I love you. Mahina kong bulong. Sana pwede ko syang mahalin, hindi bilang kapatid but as a man. I want to tell him na kaya ako nagrerebelde is because I want his attention, I don't want to see Hillary beside him. Nahahahigh blood ako. Ayoko pa namang ma-stroke.

Ewan ko ba kung ano naiisip ko, but I want to kiss him kahit sa cheeks lang. Masaya na ako dun. Sobra. Gusto ko syang halikan habang tulog pa sya at mukha pa syang anghel. Kasi kapag gising na sya, kahit ang gwapo nya, mukha syang yelo na tinubuan ng paa at kamay. Hahaha! So mean ko ba? Eh ang sungit at ang cold nya kasi sakin. So I started to lower my face nearer to him.

"What is this all about?!"

"Ay palaka!" ⊙﹏⊙ My eyes wide opened nang makita ko si Papa na nakatayo sa harapan ng pinto. Nakaamerikana pa sya, mukhang kadarating lang. Dahil sa tili ko eh nagising naman itong katabi ko. "Pa..."

Papa looked like he's disappointed sa nakita nya. Namula ako bigla. Nahuli kaya nya na balak kong halikan si Kuya?

"WHAT'S GOING ON HERE?!" Dumagundong sa buong kwarto ang boses ng aming ama. Nakakuyom ang both fist nya.

Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Kuya Clyde.

"Papa let me explain.." sabi ko.

"Clyde, let go her go!" Utos ni Papa kay Kuya Clyde. "I told you not to share rooms anymore! Pinahintulutan ko lang yun dati kapag bumabagyo because Hera is afraid of lightning!"

"Its just the same reason, Papa." Kalmado na sagot ni Kuya Clyde. "Bumabagyo kagabi and she's trembling in fear."

"Ayoko nang mauulit ito. Tara na sa labas Hera, now!"

Hinila ko sa kuya ko ang braso ko na hawak nya. Tumayo na ako at naglakad palabas. Inunahan ko na si Papa. Hindi naman ako mananalo sa usapan ng mag-ama. Hindi ko na alam kung ano pa ang pinag-usapan nila bago lumabas din si Papa.



CLYDE'S POV

"HERA is your sister, Craven. Remember that she is here for my best friend's son!"

Tsk. Kanina pa akong gising. I don't know what's happening to me. Ayoko syang pakawalan. I want to feel her soft skin and to smell her. Alam kong mali, but I want Hera to be with me kanina.

Papa called me by my other name. Craven Clyde kasi ang pangalan ko. When that happens, meaning galit na galit talaga sya.

Nandito ako ngayon sa student council room. Royal Blood will be having it's 34'th Sports Fest this week, kaya super busy kami. We are going to assist the administration. I-aassemble din namin ang mga props na gagamitin, yeah meron kaming mga tauhan na uutusan, but the ideas will come from us.

♥SYA ANG KUYA KO♥ Season ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon