33. Sya ang Kuya Ko

6.6K 208 10
                                    

◆Sa aking mga sweeties na nagbovote and nagkocomment, thank you so much. You really inspire me a lot.◆

Muah!  ̄ε  ̄

HERA'S POV

"LISTEN TO ME CRAVEN!" Si Papa. Hindi na nya nakontrol ang galit nya.

"Ku...ya..." Natatakot na ako. Galit na galit na kasi si Papa. Hindi ko gustong nag-aaway ang mag-ama lalo na kung dahil sakin.

"Leave us!" Matigas naman sagot ng kapatid ko sa mga tauhan ni Papa.

Sinenyasan ni Papa ang mga tauhan na kunin na ako. "Hurt him if needed." Sabi nya.

"Patawad Young Lord."

"No!!!" Napatili ako nang dambahin kami ng dalawang tauhan. Pinillit nila akong ilayo kay Kuya.

"Damn you!" Singkit ang mga mata ni Kuya na tinadyakan ang lalaki.

"Agghk!" Napaurong ang lalaki na tinamaan sa tiyan.

"Young Lord please----- akkkkk!!!" Bumiling naman ang mukha ng isa pa habang nagsasalita nang tamaan ng sipa ni Kuya sa mukha.

Oh my God! Black belter nga pala ang kapatid ko!

My gulay! Sya na ang perpekto!

Ang galing sa karate.

"Craven!"

"I told you, don't touch her!"

Biglang may lumapit samin na tatlong security guards.

"Sir, may problema po ba?" Tanong nila.

Gusto ko silang sigawan ng oo meron! Mukha bang party at hindi problema itong nangyayari ngayon?

"Nothing." Sinagot sila ni Lincon. "This man is Mr. Coronel, kasosyo sya sa negosyo ng may-ari ng ospital na ito. Kailangan lang namin na iuwe ang mga anak nya."

Sinulyapan lang kami ng mga gwardya and umalis na din.

"Sige po sir, pasensya na po."

Ay kabute! Umalis na nga! Ganun ganun lang?

Eh di wow!

"Hera!" Tawag sakin ni Papa.

Naiiyak akong sumagot kay Papa.

"Pa..."

"Come with me. Hindi ito ang plano di ba?" Sabi ni Papa. "Kung mahal mo sina Lina at Mina, sasama sa sakin." I dont know kung banta o paalala lang ba yun. Malamang ba warning ni Papa sakin.

"Yes Pa."

"Okay. Sumama ka nang maayos. Hindi na masasaktan pa ang Kuya mo." Diniinan ni Papa ang salitang kuya.

Okay.

Sya ang Kuya ko.

Sya ang kuya ko sa mata ng publiko.

"No!" Sagot naman ni Kuya at niyakap ako ulit. "She's mine Pa... Hindi ako papayag na makuha sya ni Blake!"

"Kuya!"     "Craven!"

Sabay kaming nagulat ni Papa sa sinabi ni Kuya Clyde.

Lalo akong naguluhan sa dapat kong gawin. Yun na ang matagal kong hinihintay na sabihin nya.

Ang kaso, sinabi nya sa harap mismo ni Papa.

"Ayoko ng sinusuway ako, Craven Clyde!" Nagtagis ang mga bagang ni Papa saka muling nag-utos. "Get Hera, by force!"

Walang nagawa ang dalawa pang nagpumilit na makuha ako. Sadsad sila sa lupa dahil sa skills ni Kuya sa karate.

"Tsk. He's an expert. Talagang kinuha ko ang best trainors para sa anak ko." Napailing si Papa nang apat na sa tauhan nya ang napapatumba ni Kuya pero hindi pa ito pinapagpawisan man lang.

♥SYA ANG KUYA KO♥ Season ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon