32. No Mercy

7.3K 229 18
                                    

CLEAH'S POV

I SHOULD BE THE ONE ON HER SHOES.

Pinagmasdan ko ang pag-alis ng sinasakyan nina Clyde at Hera nang mga oras na iyon.

Ever since I knew that they were not siblings after all.

Sinadya kong kunin ang loob ni Hera para mapalapit ako sa kanila.

Pinilit kong makapasok sa Royal Blood para sa paghihiganti ko.

Sinadya kong ibigay kay Hera ang mga damit nya nung nalunod sya sa swimming pool.

I need a revenge.

I need vengeance.

Gusto kong ipaghiganti ang pagkamatay ni Mama.

Ang tunay kong ina na piniling makasama ang tunay kong ama.

"Tara na." Hinila na ako ni Itay paalis ng stadium. Sinundo nya ako.

"Kung hindi namatay si Mama, sana may amor pa ako sa lalaking yon."

"Tandaan mo lagi na kaya namatay si Raven ay dahil sa kasakiman ni Clinton, Hera."

"I'll always remember that. At hanggat alam nya na anak nya ako, kaya ko syang paikutin sa mga kamay ko." May galit ako sa dibdib. "Ipaghihiganti ko si Mama, Itay."

ZANCHO'S POV

Ako nga pala si Zancho. Ito na ang right time ng pagpasok ko sa buhay ng mga Coronel.

Binuhay ko ang makina ng aking owner-type jeep. Konti na lang, makakaganti na kami sa pagkamatay ni Raven at ng kapatid ko.

That night, ang gabi na napagkasunduan namin ni Raven na tumakas, apat kami sa kotse.

Si Raven, ang aking pinakamamahal na si Raven. Ang babaeng handang iwan ang karangyaan para lang makasama ako.

Si Hera, na ayaw mawalay sa kanyang ina.

Ako, na handang gawin ang lahat para lang sa kanila.

At si Zanjie, ang kapatid ko na tinutulungan kaming makatakas nang mga oras na iyon.

But nabigo ang aming plano.

Sa dami ng tauhan ni Clinton, bumigay na ang makina ng aming sinasakyan.

Nawalan ng preno.

Nahulog kami sa bangin.

Dagat ang aming babagsakan.

But ang napakabuting si Raven, na noon ay balak kong iligtas ay tinulak kami ni Hera palabas ng sasakyan.

Nakalangoy ako hanggang sa pangpang habang dala-dala si Hera.

At si Raven at Zanjie, lumubog sila kasama ang sasakyan. Madilim noon. Wala akong magawa.

At ang tangi kong naisip para maghiganti ay gamitin ang bunsong anak nila.

Sinabi ko na ako ang tunay nyang ama.

Sinabi ko na kailangan naming pabagsakin ang mga Coronel.

Kailangang makapasok kami sa buhay nila.

At ang nakita naming butas ay ang relasyon nung Kuya nya at sa nagpapanggap na Hera.

Maari na kaming makapagsimula.

Maari na kaming makabawi.

Maari na naming ipaghiganti si Raven at Zanjie.

We can now crush the Coronels.

BLAKE'S POV

HINDI KO na gusto ang mga nangyayari. Nagmumukha na akong tanga dahil kay Clyde na yon.

♥SYA ANG KUYA KO♥ Season ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon