1. Sya ang Kuya ko.

22.2K 402 14
                                    

A/N: Super tagalog nitong Chapter na'to kasi bata pa ang bida.

Ang design ng study ng story is based on K-12. Kahit mag-turn 18 ang leading lady eh high school pa din.

Hope you'll enjoy the story.

That's all I want. Salamat.

pinkqueenvien♕

-------------------♛♥♛--------------------
NINA'S POV

HAWAK-HAWAK ko ang laruang teddy bear na binigay sakin kahapon. Nakaupo ako ngayon sa isang napakalaking upuan na napakalambot. Kulay ginto at hindi kahoy ang nakapalibot dito hindi tulad sa bahay namin sa baryo na pinanggalingan ko.

Sinundo ako sa amin ng tatlong lalaking nakakotse. Sabi nila ay dadalhin nila ako sa isang palasyo.

Oo palasyo nga!

Kasi naman lahat ata ng bagay dito ay ginto mula pintuan pati mga bintana kahit nga mga banga na malalaki at mga hagdan ay kulay ginto.

"Pag nakausap ko mamaya ang may-ari ay hihingi ako sa kanya kahit yung ginamit ko lang na kutsara kanina, kulay ginto din kasi iyon. Hihihi." Malalaki ang mga mata na tinitigan ko ang mga dekorasyon. "Matutuwa sakin si Nanay sigurado."

"Lord Clinton, this is the girl."

Natigil ang pagmumuni-muni ko nang marinig ko na nagsalita ang kasama kong lalaki kanina. Pumasok na pala sa sala ang lalaking nakausap ko kahapon.

Malamlam ang mga mata nito. Tila ba malungkot. Ang lalim. Parang nakakatakot titigan. Ang ganda ng kanyang damit at ang tangkad niya.

"Hey little girl. How's your day?" Pinilit niya na ngumiti sa akin. Alam ko na pilit iyon. Oo, anim taon pa lamang ako pero alam ko na ang totoong ngiti kaysa peke.

Umiling ako. Hindi ko kasi sya maintindihan. Alam ko engles iyong sinabi niya.

"Pwede po bang magtagalog kayo?" Inosente kong pakiusap. "Saka kailan po pala ako uuwi? Malapit na po kasi ang hapunan, hahanapin na po ako ni Nanay."

Hindi ako pwedeng magtagal sa palasyo na ito kahit gaano pa ito kaganda. Kailangan ako ni Nanay at ng kapatid ko.

Nagkatinginan ang lahat ng nasa harapan kong katulong. Alam kong katulong sila kasi tulad ng suot nila ang napapanood ko sa tv. Saka pinagsisilbihan nila ako kanina habang kumakain.

"Dito ka na titira Nina." Sabi nung lalaki. Ito ata ang may-ari ng palasyo.

Umiling ako ulit. Hindi pwede iyon. Magagalit ang Nanay ko kapag hindi ako umuwe.

"Kailangan po ako ni Nanay doon. Hahanapin nya po ako."

Malungkot na malungkot si Lord Clinton habang tinitingnan nya ako. Hinaplos nya ang aking buhok at parang maiiyak ang kanyang mga mata.

"If she's here, I am sure na matutuwa sya kasi meron syang kalaro."

Nag-aalalang lumapit yung isang lalaki na nakakurbata. Ang kapal-kapal naman ng suot nila, patong-patong, ang hirap kayang maglaba ng mga yun.

"Lord Clinton.... Makakasama sa inyo ang stress. The doctor talked to you, right?"

"I remember my youngest child. I want to hold her in my arms right now."

Pati ako parang nalungkot kasi nakita ko syang nagpahid ng luha sa mata.

Hindi ko naiintindihan yung sinabi nya pero ramdam ko ang bigat ng dinadala nya ngayon.

Lumapit sa kanya ang mga katulong para bigyan sya ng gamot.

Malungkot bang tumira sa ganito kalaking palasyo?

"Pa? Who is she?"

Lahat kami ay napatingin sa isang batang lalaki na pababa sa hagdan.

Ang pogi naman nya! Bulong ko sa aking sarili habang magkatama ang aming mga mata.

Napangiti ako. Para syang prinsepe sa mga pinapanood kong palabas. Bigla nga yata akong nagblush.

Nakapantalon siyang itim at hanggang sa pulsuhan niya ang haba ng kanyang manggas. Long sleves ata ang tawag doon. Tapos may ribbon ang kanyang leeg. Ang puti nya at parang iba ata ang kulay ng kanyang mga mata. Ano bang kulay nun?

Pinaghalong puti at itim? Clay? Blay? Dray? Baka gray? Ay bahala na basta katunog.

Tumikhim muna yung tinawag na Lord Clinton saka hinarap yung batang lalaki. "She's your new sister, son."

Nakita kong kumunot ang noo nung poging bata. Hindi nya ata nagustuhan ang sinabi nung si Lord Clinton.

"But where's Hera? She's my sister, Pa. I want her. I want Mama too." Sagot nung bata. Bongga! Engles din yun ah!

Nang makababa yung bata ay iniharap sya sakin nung si Lord Clinton. Yumukod pa ito para maging pantay ang mukha naming tatlo.

"Clyde, sya na si Hera. Nina, Hera na ang pangalan mo simula ngayon." Seryosong nakatingin sakin si Lord Clinton. "Ito naman si Clyde, sya ang magiging kuya mo..."

Nabitawan ko ang aking laruang teddy bear. Bigla akong natigilan. Pinagmasdan ko ang gwapong bata na kaharap ko ngayon. Seryoso syang nakatingin sa akin. Parang hindi nya gusto ang sinabi ng ama nya.

Sya ang Kuya ko?
------------------♛♥♛-------------------
A/N: Guys super tagalog ng start! Ahaha! Bata pa kasi si Hera. Sana nagustuhan nyo.

✔Cast ng Vampire Knight ang characters dito. Salamat. :)

♥SYA ANG KUYA KO♥ Season ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon