20. Ball Night/Fiancee Ko

8.1K 256 22
                                    

HERA'S POV

THIS was the second Friday of the month. Tanghali na nang lumabas ako ng aking kwarto. Naabutan ko si Yaya na naghihintay sakin.

"Lady, nakaready na ang schedule nyo for today. Your favorite salon is officially reserve for you. Wala nang ibang costumer kundi kayo lang."

"Thank you. By the way," may naalala kasi ako, "I want Cleah to join me. Bring her." Utos ko.

Tumango na si Yaya Angelina and kinausap si Sylvester sa intercom.

"Sylvester, fetch Ma'am Cleah on her home. Lady Hera wants her to be in the salon." Sabi nya sa driver ko.

Biglang nag-iba ang itsura si Yaya.

"Lady?"

"Oh?"

"Baka daw po hindi na naman sumama si Ma'am Cleah kapag nalaman nya sa magpapasalon kayo."

"Sabihin mo kay Sylvester eh tell her that we're going to eat together."

"Are you sure sasama sya?"

"Oo Ya... Hindi yun tatanggi basta pagkain."

After kong maligo at magbihis ay naabutan ko si Cleah na nasa baba na. Nagmamasid sya sa mga gamit sa mansion.

"Hey, Cleah." Tawag ko habang pababa ng hagdan. Im wearing pink bestida today na tinernuhan ko ng doll shoes.

"Bakit mo ba ako pinatawag? My God Hera! Hindi ko alam na napakayaman nyo talaga!" Salubong niya. She's really beautiful talaga. Maikli ang buhok nya and yun ang lalong nagpatingkad ng kanyang ganda. Marami kasing babae ang umaasa lang sa mahabang buhok. Besides, mas lalong nagmukhang matalino si Cleah sa looks nya. Inaamin ko, bihira kong i-admit na maganda ang isang babae and Cleah is one of the simple ladies who got my taste.

"And Hera, ansarap ng pagkain nyo dito! Anong tawag dito sa merienda ko?"

 ̄﹏ ̄ Pagkain pa din. Haha!

"About the merienda, that's Crepe, isang french dessert, okay?"

"Okay. Crepe! That's in my list now."

"List?"

"Of my favorites!" She giggled. Natawa tuloy ako. "Teka, saan ba tayo pupunta? Hindi mo ako ipapasundo para lang kumain, di ba?"

Tsk! Ikaw na ang matalino.

" You're going with me sa salon. Paayusan din kita." Sabi ko. "Party na mamaya diba?"

"Wala akong pambayad sa salon."

"Hindi kita sinisingil. Let's go!" Hinila ko na sya sa kamay. "Mang Sylvester, sa salon na tayo." Sabi ko sa driver kasi pinagbukas na nya kami ng pinto.

Sa back seat kami nakaupo ni Cleah habang sa unahan eh sina Mang Sylvester at Yaya Angelina. Kasunod namin ang isa pang kotse na sakay sina Jet at Li.

"Grabe ka ha! Sobra-sobra na'to!" Hindi pa din tumitigil ang bibig nitong katabi ko.

"Stay put okay? Rekax ka lang! Dapat pag nagkita kayo ni Brylle eh laglag ang panga nya." Nakangiti kong sabi na tinanguan naman nitong kaibigan ko. For the first time, may natawag akong kaibigan.

After half hour, nakarating na kami sa salon. Sinalubong kami ng limang staff nito.

"Good day, Lady Hera." Bati nila.

"What do you want for today Lady?" Tanong sakin ng bakla habang inaalalayan akong umupo.

"Pakiayos ang buhok ng Lady." Si Yaya ang sumagot. "And this girl beside me. She's Ma'am Cleah, Lady Hera's friend. Ayusan nyo rin."

♥SYA ANG KUYA KO♥ Season ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon