"Maganda naman," I said proudly. Totoo naman! Hindi kami mayaman pero maganda ang naipamanang genes sa akin ni Nanay.

"Sino ang may sabi? Nanay mong labandera?" she said, her voice dripping with disgust.

Nanggigil ako sa sinabi niya pero hindi ko hahayaan na makita niya iyon. She was such a kid! Maturity really wasn't something that came with age.

"Nope, si Duke ang may sabi," tanging naisagot ko para lalong inisin siya.

I'm sorry, Duke. Alam ko namang hindi ka nagagandahan sa akin pero hayaan mo na, gusto ko lang iritahin ang admirer mo.

Nilampasan ko silang dalawa ni Bela lalo at narinig ko ang naiinis na tili ni Roswell. Hindi niya ako pwedeng saktan dahil kahit dalawa pa sila ni Bela, hindi ko sila aatrasan. Iyong nanay kong labandera, tinuruan akong huwag magpapaapi!

Masama ang imahe ko sa campus at alam ko iyon. Hindi lang naman kasi iisang beses akong napaaway. Kalimitan ay dahil iyon sa mga babaeng may gusto kay Duke. I knew it was childish, but they were the ones who started it! Hindi alam ng lalaki iyon dahil akala niya ay away babae lang. Madalas pa akong pagalitan no'n na parang bunsong kapatid niya.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit ako ang inaatake ng mga babaeng iyon. Hindi kami magkasintahan ni Duke, kahit pa ilang ulit ko nang pasikretong hiniling iyon. We were close friends, and the girls saw our friendship as a challenge.

"Sol, nakakalinaw ka talaga ng mata!" narinig kong sigaw ng isang senior mula sa Business Department, nang dumaan ako sa tapat ng building nila.

Napapikit na lang ako sa inis nang marinig ko pa ang ilang kantyawan. Nagpatuloy ako sa paglalakad dahil wala naman akong planong patulan pa sila.

"Patikim, baby!" hiyaw pa ng isa. "Ang sarap mo!"

Marami pa akong narinig na nakakapikong salita pero hindi ko na lang sila pinansin. I walked like their words didn't bother me.

"Kaya siguro hindi ka mabitawan ni Duke kasi ang galing mo sa kama!"

Napatigil ako at napatingin sa huling sumigaw. I was cool with the threats aimed at me because I was used to them. However, if Duke was involved, I wasn't sure if I could handle it.

Simula noong nanalo akong Ms. Engineering last year, inilabas ni Roswell ang nude photos 'kuno' ko. Ikinalat niya iyon at sinabing sa akin ang mga litrato kahit na wala akong ideya kung kaninong katawan iyon.

Syempre dahil maraming tanga, maraming naniwala. Ipinagkikibit-balikat ko na lang iyon no'ng una dahil alam ko sa sarili kong hindi ako yon. Kaso lang ay araw-araw naman akong binabastos ng schoolmates ko.

"What did you just say?" tanong ko nang lumapit sa lalaki. I didn't know him, but his physique didn't intimidate me.

Narinig ko ang mga hiyaw nila. Ang iba pa ay malagkit ang tingin sa akin. These maniacs had to get a hold of themselves. Para silang uhaw na uhaw sa babae.

The guy in front of me had the nerve to smirk. "Ang sabi ko, kaya ka siguro hindi mabitawan ni Duke kasi ang sarap mo," mabagal na pagsasabi niya bago basain ang pang-ibabang labi.

I smiled and went closer to him. Lalong lumakas ang hiyawan nila. Mukhang gaya kasi namin ay vacant ang mga ito.

Kumapit ako sa balikat niya habang nakatingin siya nang malagkit sa akin. Nakataas din ang isang sulok ng labi niya na para bang handa siya sa gagawin ko.

I mirrored his grin, and before he could say anything, I hit his cock with my right knee. Malakas ang pagkakatuhod ko sa kaniya kaya namilipit siya sa sakit.

Chasing the Sun (College Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon