𝐶ℎ𝑎𝑝𝑡𝑒𝑟 8 - WILAY

35 5 4
                                    

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 8 -

"Oy' Xeii buang ka ah, ayusin mo paglagay ng liquid eyeliner sa mata ko ah. Babatukan talaga kita pag yan madungis" saad ni Tiffany kay Xeii habang nakatingala siya rito.

"Wag ka kasing malikot gaga, madudungisan ka talaga." sagot naman nung isa.
Kasalukuyan kaming nag aayos ngayon dito sa bahay nila iffany. Marami kasi siyang make up dahil mahilig siya sa mga ganun. Ako hindi ako maalam sa mga ganyang bagay, plbo at liptint lang ang alam ko at wala nang iba.

Oky na yung ayos ko, simpleng make up lang ang ipinalagay ko dahil ayoko namang magmukhang espasol sa aganaping party mamaya sa school, buti sana kung hallween ang theme eh hindi naman kaya dapat simpleng ayos lang dahil simpleng dalaga lang din naman tayo. Nakaladlad ang kalahati ng buhok ko at ang iba ay itinali nila ng maayos na para bang kurting bulaklak kung titingnan mula sa likod. May kunting nakaladlad din sa gilid ng aking mukha para daw may style ng kunti. Medyo wavy ang dulo ng buhok ko kaya maganda daw ayusan sabi nung dalawa.

Mag aalas singko na ng hapon ngunit hindi pa tapos ang dalawa, pano' ba naman kanina pa sila nagbabangayan kung ano ang ilalagay sa mga mukha nila. Hindi pa naman ako nakabihis dahil hinihintay ko silang matapos.

Alas sais ang call time kaya may isang oras pa para magtalo silang dalawa.

Lumipas ang dalawampong minuto ay natapos din sila.

"Ayan ang gaganda na ng mga mukha natin. yeiii" saad ni Xeii habang pumapalakpak pa.

'Matagal na kong maganda, ikaw lang yung hindi. haha' SAROT LANG !!' sa isip ko sinabi yan baka magdrama ang babaeta.

Sa totoo lang ay maganda talaga tong dalawang kaibigan ko lalo na pag ganitong naaayusan sila ng husto. Hindi naman kami maiitim pero mas maputi talaga saming tatlo si Tiffany, kaming dalawa ni Xeii ay sakto lang.

"Pero mas lalo tayong gaganda pag nakapagpalit na tayo ng damit diba!? ALas singko y'medya na oh! Ayokong gumawa ng grand entrance sa school dahil late tayo tss" saad ko sakanilang dalawa.

"Sige sige bihis na tayo. Dun kana sa cr magbihis Nicha, eto yung damit mo." saad naman ni Tiff sabay abot sa akin ng isang dress na mukhang gown. 'Hanudaw, pareho lang yata yun LELS' .

Isang black evening tube dress ang ipinahiram niya sa akin, na hanggang tuhod ang haba nang harap pero mahaba sa likod. Medyo nakakailang lang suotin dahil tube ito. Hindi naman sa pag ano pero may dibdib din naman ako, hindi nga lang kalakihan.

Lumabas na ako sa banyo ng kwarto ni Tiffany. Nakita ko silang dalawa na nakabihis na din. Sobrang gaganda at sexy nilang dalawa. Bigla akong nahiya.

Pink V-neck dress na may lace design ang suot suot ni Tiffany. Lalong lumabas ang kasexy-han niya sa suot na damit dahil hapit ito sa bewang. Bagay na bagay din ang kulay sa kanya dahil maputi siya, mas lalo pa ngang pumuti. Si Xeii naman ay isang navy blue dress na may sequence design kaya naman ay kumikinang ito. Bagay na bagay din sakanya ang kulay, lumabas ang kanyang kaputian. Halos magkakapareho lang ng style ang dress namin, sa itsura lang talaga nagkakaiba at sa kulay.

Ang gaganda ng mga kaibigan ko.

"Wowww ! Nicha ang ganda mo yeii. Mas lalong maiinlove sayo niyan si ano, haha !" alam niyo naman yata kung sino ang nagre'react lagi ng ganyan. Wala pong iba kundi si Xeii.

 Wala pong iba kundi si Xeii

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
When I Look At You (BS)- on-goingWhere stories live. Discover now