Chapter One.

4 0 0
                                        

Julio's Point Of View.

Hingal akong tumigil sa tabi ng isang puno. Mula sa bus stop hanggang sa papasok ng baryo ay tumatakbo kami. Muntikan na kaming maabutan ng mga tauhan ng tatay niya.

"Mukhang hindi nila tayo naabutan sa bus stop." Hingal niyang saad.

Napa sandal ako sandali sa puno at naupo. Kinuha ko ang tumbler sa bag ko at nagpaka lunod sa tubig. Ibinuhos ko ang kalahati sa ulo ko at naginhawaan ako kahit papaano.

Napa tingin ako sa kaniya. Naka tayo siya sa gitna ng kalsada at nag tatatalon. Para siyang baliw. Baka mapagkamalan akong may kasamang autistic dahil dito.

"Wooooooooo! Hello, province!"

Kakaiba din 'to. Pero baka nae-excite lang siya dahil sa ngayon lang siya naka tapak sa probinsya.

Tinitigan ko lang siya. Parang iba na siya kumpara noong kaninang nasa siyudad pa kami. At sa mga nakaraang aura niya. Masungit, laging iritado, mainit ang ulo. Pero parang napalitan 'yon ng sigla ngayon. Kitang-kita naman, para siyang batang nabigyan ng tsokolate.

"What?"

Napansin niyang naka titig na ako sa kaniya. Kumunot ang noo niya at nilapitan ako.

"Come on, dalhin mo na ako sa bahay niyo. Gusto kong mag relax sa malambot na kama at mag aircon.."

Napa tawa ako sa mga pinagsasabi nito. Halatang nainis siya sa pag tawa ko at tinaasan ako ng kilay bigla.

"Baliw. Walang malambot na kama at aircon sa bahay namin. Hindi 'yon mansion at hindi moderno ang mga gamit gaya ng bahay mo." Tumayo ako sa lupa at pinagpag ang pantalon ko.

Napa-iling-iling siya. "Uh, whatever. Basta, tara na sa bahay mo. Gusto kong mag pahinga."

Ang kapal naman ng mukha nito. Ako nga itong halos lagutan na ng hininga kakatakbo kanina pa. Bumuntong-hininga nalang ako at nag lakad na.

"Oo na. Huwag kang masyadong maingay. Baka mamaya i-sako ka nila at dalhin sa mental hospital." Pag bibiro ko dito.

Sinungitan niya ako ng tingin at inunahan ako sa pag lalakad. "Hoy, alam mo ba ang daan at nangunguna ka pa sa paglalakad?" Tanong ko rito.

Nilingon niya ako. "S'yempre, hindi."

At talaga namang—nagawa niya pa akong irapan! Kakaiba talaga 'to, siraulo ka, Samantha Averion. Wala ka na sa tamang pag iisip. Hays. Ganito ang nagiging bunga ng mga taong problematic at hindi malaya sa buhay.

"Hintayin mo ako," nilapitan ko siya at hinawakan ang braso niya. "Malapit lang ang bahay, ayun o, tanaw ko na."

Ibinitaw niya ang pagkakahawak ko sa braso niya at tiningnan ako ng masama. "Stop it, baka isipin ng mga tao dito na boyfriend kita!"

Tumawa nalang ako. "Bakit naman nila iisipin na magkaka nobya ako ng gaya mo? Siraulo. Bilisan mo na."

Tinakbuhan ko siya. Dumeretso ako sa gawi ng kubo namin. Nakakakita ako ng mga usok at siguradong si inay 'yon, nag luluto para sa tanghalian.

"Wh-What... Julio! Bitch ka talaga!"

Tumatawa ako habang tumatakbo. Hirap siyang habulin ako dahil binibilisan ko pang tumakbo. Nagsisisigaw siya habang hinahabol ako. Hays, itong uto-utong babaeng 'to kahit kailan.

Hinabol ko rin ang hininga ko nang mapa tigil sa labas ng kubo namin. Kumunot ang noo ni inay nang makita ako.

"Inaaaay! Nandito na ako!" Masayang bungad ko sa kanila.

Nakita kong ngumiti ang nanay ko at nilapitan ko siya. Naka handa na ang dalawang braso niya para yakapin ako ng mahigpit.

"Naku, ang bunso ko.." Niyakap niya ako at sinalubong. "Kumusta ka na?"

Anda telah sampai ke penghujung bahagian yang diterbitkan.

⏰ Kemaskini terakhir: Oct 23, 2020 ⏰

Tambah cerita ini di Pustaka anda bagi pemberitahuan tentang bahagian baharu!

The RunawayCerita yang buat anda obses. Terokai sekarang