"Baka may nagugustuhan na kasi, dzai. Use your kokote nga." irap ni Earl.

"Sorry, studies first."

Napangiwi kaming lahat kay Ryan at sabay-sabay nagsabing, "Mama mo, studies first."

"Mga pakshet kayo, oo nga! Ayaw maniwala, amp. Ikaw ba, Sof? Hindi ka studies first, alam ko 'yan! Baka may nagugustuhan ka na dyan sa grupong 'yan, ha!"

I unconsciously smiled. Naalala ko kasi bigla 'yung guy na nakabanggaan ko. Siya 'yung unang pumasok sa isip ko. Akala ko nga 'di ko na makilala, but surprisingly, kasama pa siya ni Shin sa training.

"Luh, siya! Nagtanong lang kami, napangiti na agad." tudyo ni Pat. Heto, porque may jowa, lakas mang-asar. "Hoy ikaw, ha. Sino 'yan? Harot mo dzai!"

They were all staring at me, waiting for me to answer while Earl was chanting something underneath his breath. Ano naman kayang sinasabi nito?

"'Yung ano... 'yung si.. ih ano ba keshe!"

Mahina akong binatukan ni Ryan kaya medyo napa-'ow!' ako. Sadista, ampota. "Ang harot, ang harot. Hampasin kita ng upuan dyan, eh."

See? She's a sadist!

"'Kala mo talaga hindi siya naging maharot dati." I muttered while massaging my head. "Medyo mahahampas na kita ng pinto dyan, Ryan."

Mahinang hinampas ni Pat ang lamesa. "Hoy, sino nga! Sophia 'wag ko kaming kinekeme sa pagdaldal at pagkilig mo, ha!"

"Si ano nga!"

Natatawa ako sa hitsura nila. They look like puppies who are waiting for food to be served. In this case, they're a bunch of tsismosas who want to listen to a tsismis. Earl was still chanting inaudibly and his fingers were crossed.

"'Yong katabi ni Shin sa picture! Gwapo, eh. Actually, nakasalubong ko siya sa campus noong araw na nagrelease ng picture! Tapos nagkabanggaan kami. Doon ko nakuha 'yung scene idea para sa story ko!" kinikilig kong sabi.

Napabagsak ang mga balikat nila at napabukas pa ang mga bibig. They were all looking at me as if they're questioning me. They look... disappointed? Luh, ba't nadismaya 'tong mga siraulong 'to?

"LUBOG ANG BARKO, AMPOKE!"

Bigla kong natampal ng malakas ang bibig ni Earl dahil sa lakas ng boses niya. Sakto, dumating na si Chris at Shin kung saan mang lupalop ng mundo sila galing.

"Lakas ng boses mo, Earlito! Ampoke pa more!" tatawa-tawang sabi ni Chris na unang pumasok sa mini-room.

Shin came in next. Umusod ang mga kaibigan ko at pinaupo siya sa tabi ko. "What the hell are you guys talking about? Anong barko ang lumubog?"

"'Yung titanic, lumubog." nakangiwi kong sagot. Napaka-tsismoso naman nito.

Ngumiti ng plastik ang siraulo. "Ang mature mo talaga, 'no?"

I heard our friends sigh kaya napalingon ako sa kanila. Chris looks confused while Ryan was shaking her head. The others were just checking their phones. Anong nangyari sa mga 'to? Anong nakita nila sa phone?

"Mas tragic pa sa Titanic." Jian groaned.

I ignored her statement. Inabot ko na lang kay Shin at Chris ang menu kahit alam kong ang oorder-in nila pareho ay fruit tea. Well, malay niyo nag-iba.

Lahat naman nag-iiba. Ajuju.

I was scrolling on my phone when their orders arrived. Biglang napadaan sa newsfeed ko ang picture na pinost ng label nina Shin. 'Yung group picture nilang trainees at manager.

Into the SpotlightWhere stories live. Discover now