6

9 1 0
                                    

Sinusuportahan ni Ava financially ang dalawang mga bata. Kumukuha si Ava ng pera sa kaniyang inipon noong nandoon pa siya sa gang. Ngayon, kailangan niya magtrabaho para madagdagan at para mapakain niya ang mga bata. Kaya kumuha ito ng trabaho bilang waitress sa isang restaurant kahit mababa ang sahod nito.


Nang lumipat na sa dorm ang mga bata, mag-isa nalang si Ava sa ni-rent niya na bahay. Pina-extend niya ang kaniyang rent lalo na dahil wala siyang ibang titirhan.


Gabi na at pauwi si Ava galing sa trabaho nang may makita siya na anino ng isang lalaki. Na-alerto siya at tumakbo papalayo ngunit may isang lalaki na humila sakanya at tinakpan ng panyo na may pampatulog at sinakay ito sa kotse.


A week later...

At 9pm...


Patapos na ng dance training si Wine. Pawis na pawis siya dahil gusto niya talaga mag improve sa kanyang pagsasayaw kaya binibigay niya ang best niya. Umupo siya sa lapag at nagpapahinga nalang bago umuwi. Pagkatapos ng ilang minuto ay kinuha niya na ang kanyang bag, water bottle at naglakad palabas ng studio.


Nang makalabas sa studio, nakita niya si Ryde sa tapat ng pintuan, nakasandal sa pader at nagpphone. Naisip niya lokohin ito.


"Uh.. Excuse me? Bawal magphone dito" sabi ni Wine na nagkukunwaring isang employee ng company. Nanlaki ang mata si Ryde at napatago agad ng phone.

"HAHAHAHAHAH!!" tumawa si Wine ng malakas. Dahil sa tawa niya, nag-echo sa hallway at sinita siya ng isang employee. Natawa si Ryde dito.

"HAHAHHAHAHAHHAHAH ayan kasi ingay pa" sabi ni Ryde. Mapaglarong sinuntok naman ni Wine si Ryde at natawa nalang din.


"Oh, nga pala bakit di ka pa umuuwi?" tanong ni Wine. Nauna kasi natapos si Ryde sa kanyang training, 2 oras hinintay ni Ryde si Wine.

"Wala, gusto ko lang sabay tayo umuwi. Bakit bawal ba?" sabi ni Ryde.

"Luh. Tara na nga" niloko naman ni Wine. Naglakad na sila at lumabas na ng building para umuwi na sa dorm.


Malamig ang hangin ng gabing iyon kaya masarap maglakad lakad sa labas. Napansin ni Wine na malapit na sila sa dorm kaya nag-aya ito magstay muna sa labas.


"Maya na tayo umuwi. Nagugutom ako" sabi ni Wine habang hawak-hawak ang tyan. Napangiti si Ryde kasi ang alam niya nagjojoke lamang si Wine. Pinalo tuloy ni Wine si Ryde dahil natatawa siya.

"Hoy! Bakit ka tumatawa!" naasar si Wine kaya pinalo niya si Ryde sa braso.

"Ay! Totoo ba? Akala ko joke mo lang" sabi ni Ryde.

"Oo ngaa" sabi ni Wine habang nakaturo sa bukas na street food stand. Tinignan ni Ryde ang food stand at kinapa ang bulsa para sa kaniyang wallet. Mabuti nalang may natitira pa siya na pera dahil nagcrave na din siya sa street foods.


Dumiretso sila sa food stand at nag-order. Napansin ni Ryde na madami inorder si Wine na fishball at kwek-kwek.


"Hala sya! Diba may diet ka na sinusunod?" sabi ni Ryde pagkatapos kumain ni Wine ng pangatlo niyang kwek-kwek. Nanlaki ang mga mata ni Wine at napatingin kay Ryde.


"HAla" sabi ni Wine. Nagulat siya pero nginunguya niya parin ang kwek-kwek.

"Eh.. hayaan mo na. Ngayon lang naman " sabi ni Wine habang ngumunguya.


Natawa nalang si Ryde dahil ang cute ni Wine.

Pagkatapos nila kumain, umupo muna sila sa isang bench bago umuwi.


"Mukhang may napagod ah" loko ni Ryde.

"Ikaw trip mo ko ngayon ah??" sabi ni Wine habang nakatingin sa baba.

"Sorry na" sabi ni Ryde habang napapangiti.


Umupo muna sila doon ng 10 minutes at naglakad na ulit pauwi. Hinatid ni Ryde si Wine sa dorm ng Batch 2 girls. Dumiretso na si Ryde sa kanilang dorm ng Batch 2 boys at nagpahinga para sa training bukas.


1:31am ; jb x seulgiWhere stories live. Discover now