UT 40

809 29 22
                                    

UT 40

Kristen's POV

"Aalis na po kami nay. Wag niyo pong papagurin ang sarili niyo ha?"

"Mag-enjoy kayo anak." Nginitian niya ko.

Lumabas na ko at naabutan ko ang sasakyan ni Axis.

"Sa likod ako uupo ha, gusto kong iunat ang paa ko." Nauna na si Cathy sa pagsakay.

Susunod na sana ko sa kanya ng bigla akong unahan ni Aya. "Sis dito na ko upo ha? Inaantok ako e."

Shems! Pinagkakaisahan ako ng mga kaibigan ko.

Gusto kong magmaktol pero- "Ayaw mo ba kong katabi?"

"Hindi naman kaya lang-"

"Yun naman pala e. Sumakay ka na." Pinagbuksan niya ko ng pinto at inalalayan ako papasok.

Siya na din ang nagsuot ng seatbelt ko kaya automatic akong napapikit ng maamoy ko ang pabango niya.

"Ayos ka lang ba?" Kinilabutan ako ng magsalita siya sa gilid ng tenga ko.

"Oo-" Natahimik ako ng pagdilat ko ay malapit na malapit ang mukha niya sakin.

"Ayos ka lang ba talaga?" Tanong niya sakin saka hinawakan ang pisngi ko. Ano ba naman Axis. Kinikilig kaya ako! Ugh.

Imbis na sumagot ay tumango lang ako.

"Ang ganda mo talaga." Sabi niya sakin bago isinara ang pinto.

"Nakakahiya naman sa mga single diba Aya?" Napalingon ako.

"Wag na kaya tayong sumama? Parang hindi naman tayo kailangan dito e."

"Hoy wag nga kayong ganyan." Sabat ko.

"Kilig ka sis?" Tumatawang tanong ni Aya.

"Kilig ka diyan. Kilig na kilig kamo!" Sagot naman ng katabi niya.

"Hoy grabe kayo sakin. Hindi kaya ako kinikilig-"

"Sinong kinikilig?" Napadiretso ako ng upo ng biglang nagsalita si Axis.

"Wala-"

"Kinikilig sayo si Kristen, Axis." Pwede bang patayin ko tong si Cathy? May matitira pa naman akong kaibigan kapag nagkataon e.

Imbis na magsalita ay ginulo lang ni Axis ang buhok ko.

***

"11 am yung movie. Saan niyo muna gustong pumunta?" Napatingin ako kay Aya. Sila ni Cathy ang bumili nimg ticket.

"Diba sabi niyo may ice cream parlor dito na gusto ni Kristen? Why don't we eat there."

Napangiti ako. Naalala niya pa yun. Yun yung pinagkwentuhan nila Aya ng minsang manuod din kami ng movie bilang ako si Alice.

"Sige dun na lang tayo." Pagsang-ayon ko.

Si Axis na ang umorder para sa aming apat.

"Mahal mo pa din ba siya Kristen?" Napatingin ako kay Aya.

Matagal akong tumitig sa kanya. "Sobra."

"Masaya ko para sayo sis." Hinawakan niya yung kamay ko. "You deserve to be happy.. with the person that you love the most."

"Nagpapatawa ka." I shook my head. "Anong you deserve to be happy ka diyan. Masaya naman talaga ko a. Siyempre may dalawa akong pasaway na kaibigan. Andiyan pa si nanay."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNSEEN TRUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon