UT 3

1.5K 74 14
                                    

UT 3

Kristen's POV

"Anong ginagawa mo dito?" Bakas ang galit at hinanakit sa boses niya.

Napatingin ako kay mommy, tumango siya sakin. Meaning, alam ko na ang dapat kong gawin.

Habang naglalakad kami kanina papunta sa kwarto ni Axis, nakapagkwento siya sakin ng tungkol kay Alice.

Alice and Axis were highschool sweethearts. Palagi silang napipiling muse and escort. They always represent their school until they became a couple. Their relationship went smoothly. Wala silang naging problema dahil kuha nila ang gusto ng isa't-isa. Isa pa, suportado sila ng pamilya ng bawat isa kaya nga napagpasyahan nilang magpakasal na after they graduated college.

Everything went well. Naging maayos ang preparation nila for the wedding until that day came. Biglang naglaho lahat ng pangarap nilang dalawa. Galit na galit pa si mommy Beca kay Alice dahil iniwan nito ang anak niya. Even me, I want to get mad at her because of what she did.

"Anong ginagawa mo dito?" Ulit na tanong niya.

"I came back for you Axis."

He laughed. "You're kidding right? Hindi ko kailangan ng awa mo." Madiin na sabi niya.

"Bumalik ako para alagaan ka Axis. I'm sorry for leaving you. Natakot lang ako na baka hindi mo na ko tuluyang makita. I was afraid that you might not see me and our future children."

Umiling siya. "Stop that crap Alice. I know everything." Nagtatagis ang mga bagang na sabi niya.

"What do you mean?" I asked.

"I know everything. Alam mong nabulag ako because of the accident but you chose to leave me because of the guy you met!"

Fudge. Napalunok ako. What to do? Hindi to kasali sa napag-usapan namin ni mommy Beca. Tumingin ako sa kanya na parang nanghihingi ng tulong. She was also in shocked. Hindi niya siguro alam yun. "T-that's not true Axis!" Lakas-loob na sabi ko.

Ugh! Can I just kill that Alice girl? What kind of heart does she have for leaving the man that loves him most for another guy?

"Stop lying Alice! Stop making me a fool. What's with us is over. Ikaw mismo ang tumapos noon. Umalis kana dito. I don't need you anymore!"

"Anak! Tama na yan." Pinakalma siya ng mommy niya.

"Paalisin mo siya dito mom. I don't need her here!"

Naawa ako sa kanya. He doesn't deserve this kind of hurt he's feeling right now. No one deserves it. Kitang-kita ko how good he is pero bakit siya iniwan ng ganito? Why does people come unexpectedly in your life, and leave you when you needed them the most.

"Magpahinga ka na anak." Pinahiga na siya sa kama.

Palabas na sana kami ng kwarto niya pero huminga ako ng malalim bago muling nagsalita. "I came back for good Axis. Kahit ipagtabuyan mo pa ko, hinding-hindi ako aalis. I will do everything to prove how sorry I am." I said and left the room.

Napasandal ako sa pintuan ng kwarto niya ng makalabas ako. Jusko Lord! Tama ba talaga tong pinasok ko?

"Hija I'm really sorry for what he said a while ago."

"It's okay po." I smiled.

"Sana hindi magbago ang isip mo-"

"Hindi po mommy." Sabi ko. "Sa totoo lang po, I want to help him. He doesn't deserve the pain his feeling right now."

"Thank you anak." Niyakap niya ko. "You're such a good girl." Ginantihan ko na lang din siya ng yakap. "Halika na sa kusina, kumain na tayo."

"Naku hindi na po. Babalikan ko pa po kase si mama sa ospital."

"Baka pwede mo munang pakainin ang anak ko Kristen." Pakiusap ng matanda. "I already send people to take good care of your mom while you're not there kaya wala ka ng masyadong dapat ipag-alala."

"Thank you po ulit! Sobrang bait niyo po talaga."

"Sus. Wala yun. Halika na't kumain."

Nakangiti kong sinundan si Mrs. Steadman papunta sa dining room. How can I be so lucky? My problem was easily solved. At sana din matulungan ko si Axis in return.

Masaya kaming kumain na dalawa. There were so many food served for us. May alimasag at hipon na paboritong-paborito ko kaya napadami ang kain ko.

"Grabe po busog na busog po talaga ko." Abot-hiningang sabi ko habang nakahimas sa tiyan.

"I'm glad you liked the food."

"Ay jusko Mrs. Steadman, like na like! Sana ganito din kasarap yung mga pagkain na naipapakain ko kay mama."

"You can bring her some food. Masisira lang naman yan dito."

Nanlaki ang mga mata ko. "Talaga po?"

"Oo naman. Mamaya ipapahatid kita sa driver ko papuntang ospital."

"Maraming salamat po talaga!" Masayang-masayang sabi ko. "Excuse po ha? Dadalan ko lang po ng pagkain ang alaga ko." Sabay kaming natawa.

Ipinaghanda ko siya ng pagkain at dinala sa kwarto niya.

After three knocks, I opened the door. He immediately turned his head to towards the door.

"Dinner is ready!" I happily exclaimed.

"You're still here." He left out a sigh.

"Of course! Diba sinabi ko naman sayo na hindi ako aalis?" Inilapag kung tray na hawak ko sa table na nandito.

Nilapitan ko siya at hinawakan sa braso to help him get up pero para akong napasong bumitaw sa kanya. There was some kind of electricity that run when our skin touched.

"Don't touch me. I can do it by myself."

"Okay." Bumalik na ko sa lamesa. "Ikaw na nga tong tinutulungan, ayaw pa."

"You're saying something?"

"Wala! Sabi ko dalian mo na at baka lumamig ang pagkain."

Kinapa ng paa niya yung slippers pero hindi niya mahanap kaya napilitan akong iabot sa kanya yun.

Pilit ko siyang inaalalayan pero tinatabig niya lang ako. Kaya in the end? Ayun nasa sahig na siya.

"Hay nako. Sabi ko naman kase sayo, you need me Axis."

"I don't need you." Your ego will kill you. Tsk. Pinabayaan ko na lang siya sa gusto niya. Ayaw magpatulong? Edi wag. Kakailanganan din niya ko.

After ilang minutes na pangangapa, nakapa na din niya yung upuan. Umupo siya doon at kinapa yung spoon and fork pero aksidente niyang nahulog yung baso.

"Ang kulit kase. Nabasag tuloy yung baso." Sabi ko sa kanya.

"You can just clean it."

"Yea right." Sumunod namang nahulog yung kutsara na may nga kanin. "Naman! Tumatapon na yung pagkain mo Axis. Ako na ngang magsusubo sayo."

"Ayoko." He firmly said.

"Alam kong galit ka pa din sakin Axis but please allow me to help you. Huwag mo namang sanayin yung grasya. Sobrang daming tao ang nagugutom pero ikaw natatapon mo lang yung pagkain."

"It was an accident."

"I know pero sayang pa din. Kung hindi mo sana tinataasan yang pride mo, edi sana walang nasayang. Akin na nga." Pianghimay ko siya ng pagkain. "Oh say ah."

"I'm not a kid anymore!" He said stubbornly.

"Whatever Axis basta isubo mo na to."

I don't know what happened but he say nothing. Kumain lang siya ng tahimik habang sinusubuan ko.

***

Dapat pa bang ituloy to? 😂

UNSEEN TRUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon