UT 4

1.4K 65 9
                                    

UT 4

Kristen's POV

"Breakfast in bed!" I happily said as I enter the room of Axis. I bet the aroma of the coffee, egg, bacon, longganisa, and fried rice woke him up. "Come on. Bangon ka na diyan para makain mo na tong mga niluto ko."

"Will you tone down your voice?" Iritang sabi niya.

"Only if you get out of bed." Napangisi ako ng makita ko siyang bumangon na ng kama.

Walang-wala yang katigasan ng ulo niya sa kakulitan ko. I don't easily give up with the things I do.

"Open your mouth now." Mahinang sabi ko.

"No. Ayoko pang malason." Seryosong sabi niya.

"Anong akala mo sakin? Disaster sa kusina? Aba! Para ipaalam ko sayo Mr. Steadman, magaling ata tong magluto-" Bata pa lang ako tinuruan nako ng maka ko. Dapat daw kase ang mga babae, marunong magluto.

"You cook?" He asked.

"Of course I do!" Maagap na sagot ko. Proud kaya ako.

"Since when?"

Natahimik ako sandali. Waaaah! I totally forgot! Si Alice nga pala ako ngayon at hindi si Kristen."I-i really can't remember when. Kumain ka na lang."

Nakapa na niya yung kutsara at tinidor at akmang susubo na ng pigilan ko.

"Wait!" Ibinaba ko yung spoon. "Alam mo ba kagabi ko pa napapansin na you're not praying. Magpasalamat ka kaya muna sa food na inihain ni Lord sayo."

"I'm not into that things. You know that."

Natahimik ako saglit. "Ah basta! You should thank Him for so many things. For giving you another day to live, the food you eat, and for the loved ones you still have."

"Sana kinuha na lang niya ko."

Napahawak ako sa kamay niya. "Please don't say that. You were given a chance to live and you should be thankful for that. Nabuhay ka para kay mommy Beca at.. at sakin." Parang kinurot yung puso ko. Sana sinasabi ko to bilang si Kristen at hindi si Alice.

Gahd! Why am I thinking about that? Naawa lang ako sa kanya kaya ako ganito. Gusto kong paniwalain yung sarili ko na kinaaawaan ko lang siya pero sabi ng puso ko, gusto ko tong ginagawa ko.

***

"You need help?" I sighed when he didn't respond. "Let me."

Nilapitan ko siya at pinilian ng maisusuot mula sa cabinet niya.

"Polo shirt and maong shorts will do?" I asked.

"Thanks." I handed him his clothes.

Napanganga ko ng alisin niya yung robe sa harapan ko.

"Loving my body huh?" He smirked.

"O-of course not!"

"I bet naglalaway ka na dahil sa abs ko." This time, may ngiti na sa labi niya.

"Hah! You wish! Walang-wala yan sa katawan ni Brad Pitt no!" Gwapo at hot kaya nun.

"Since when you became a fan of him?" Hindi na ako kumibo.

Everytime we talk, lumalabas ang pagiging Kristen ko. Baka mamaya, mahalata na niya na nagpapanggap lang ako. I don't want that to happen. Para ngang ayoko nang matapos kung ano ang meron kami. I don't want this to end because honestly, sa sandaling panahon na nakakasama ko siya, he's being a part of me.

"Can you please help me button this?" He asked.

"Sure!" Inayos ko muna yung kwelyo ng suot niyang polo tsaka binutones. Nasa may ikatlong button na ko ng mapatitig ako sa abs niya. Sa billboard at magazines lang ako nakakakita nito at this time nasa harap ko na mismo. Totoo na.

"You can touch it." Napatingin ako sa kanya. He was facing me. Kung hindi lang talaga sinabi ni mommy Beca na bulag siya, I might think na nagpapanggap lang siya.

Nilakasan ko na lang yung loob ko para masara yung butones pero hinuli niya ang dalawang kamay ko.

"You're shaking." He said.

"N-no I'm not."

"Yes you are." Pamimilit niya.

"Pasmado kase ako." He didn't respond but he guided my hands to his abs.

"You love touching this." Gahd! I can feel his warmth under my hands. Damang-dama ko yung mga tinatawag nilang pandesal sa katawan. It's so hard.

Parang biglang uminit yung pakiramdam ko kahit na nakabukas naman ang aircon. I tried to pull my hands pero mas hinigpitan niya ang hawak dito.

"Did you miss this?" He asked as he roam around my hands on his chest.

Hingang-malalim Kristen. Huwag na huwag kang magpapadala sa tukso. Alam kong masarap hawakan yan pero hindi tama. Si Kristen ka at hindi si Alice. You are not allowed to touch what is not yours.

Lakas-loob kong inalis yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "Kaya mo na sigurong ibutones yan. I need to go."

Nagtatakbo ako palabas sa kwarto niya. I can't stand to be with him. Bakit ganito yung nararamdaman ko? Trabaho lang to at hindi dapat ako naapektuhan.

But why am I so affected?

***

Magkaka-SPG kaya sa story na to? Haha.

UNSEEN TRUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon