UT 35

795 40 4
                                    

UT 35

UT 35

Kristen's POV

"So.. may problema ka?" Tanong ko ng limang minuto na ang nakaraan pero hindi pa din siya nagsasalita.

"Yea." He sighed.

"Well.. since I'm your friend, you can tell everything to me as long as it's under the sun." I smiled. "What's bothering you?"

"It's actually about my girlfriend.."

Napalunok ako. Am I ready to talk about her with him? "What about her?"

"It seems like she changed a lot. Ang laki ng pinagbago niya simula ng makakita ako."

"What do you mean?"

"Three years ago, she left me ng malaman niya na hindi nako makakakita. I was so devastated back then. Imagine, magpapakasal na kami at lahat pero dahil sa isang aksidente, iniwan niya ako. Yung taong inakala ko na magiging kadamay ko sa lahat, siya pa ang taong nang-iwan sakin."

"Axis.."

"But 6 months ago, she came back. Kahit na ayaw ko ng bumalik siya, she insisted. She did everything to win me back and she succeeded."

That's the time na ako na ang nagpakilalang Alice. That's the time wherein our love story started. Oh, let me correct that. That's the team wherein my love for him started.

"She came back like a different person. She came back with a different personality. Yung babaeng minahal ko dati doesn't know how to cook but when she came back, she cooks so well." Tumitig siya sakin. "Yung babaeng minahal ko, ayaw ng mga fastfood dahil sabi niya unhealthy daw yun, but when she came back she thought me how to eat at Jollibee."

I hide my smile when I remembered the time na pinipilit ko siyang kumain sa Jollibee. Naalala ko pa na pati si manong driver hindi makapaniwala na kakain si Axis dun. He even insisted to eat at Italianis pero sa huli, ako pa din ang nanalo.

"She brought me to a church. I know I should not be shocked about it because normal people really goes to churn but honestly speaking, we don't usually go there."

I can still remember that day when I asked him to visit a church, it was the same day I confess and realize that I am inlove with the person infront of me.

"Alice is also a swimmer way back in Elementary and when she came back, I brought her in our beach resort in Batangas pero gulat na gulat ako ng takot siyang lumangoy."

Iniwasan ko siya ng tingin.

Shoot. Hindi naman kase talaga ako marunong lumangoy at malay ko ba naman kase na swimmer pala yung girlfriend niya.

"You know there are things that happen that I cannot explain."

I shook my head. "I don't know what to say." I answered.

"Yea." He smiled. "But with what I told you, do you think it's possible that I am living with a different girl when I was blind?"

Yes you were. I was actually with you the whole time that Alice is not around. I sighed. "I don't know. Maybe? Pero bakit naman may isang tao ang magpapanggap? I mean what's the purpose?"

"Bakit nga ba Kristen?" Tanong niya bigla na hindi ko alam kung kaya ko bang sagutin.

Fear started to consume my body. Do I need to answer him? It seems like, I need to because it's his right to know the truth.

I tried to compose myself because I don't want him to doubt me. I tried to laugh a little bit. "You look so serious now, Axis. Sino naman bang matinong tao ang magpapanggap ng ganun diba?" Inayos ko ang aking pagkakaupo dahil hindi ako sanay na magsinungaling.

"I don't know what to believe anymore. My heart says that she's different but my mind keeps on reminding me to stop thinking about it because my girlfriend will be hurt if she finds out that I'm doubting her."

"Alam mo Axis, huwag mo na lang isipin yun. Kagaya nga ng tanong ko sayo kanina, sino naman ang matinong babae na magpapanggap ng ganun diba? Tsaka sa mga TV ko lang napapanuod yung ganun, hindi yun totoo sa totoong-buhay."  Tanging nasabi ko na lang sa kanya.

"Sana lang talaga walang babaeng nagpanggap habang bulag ako dahil kung hindi-"

"Kung hindi ano?" Tanong ko sa kanya bigla kahit hindi pa siya tapos magsalita.

"Because I will be mad at that girl for making me a fool." Hindi na ako nakaimik sa kanya ng sabihin niya yun. Pakiramdam ko ay gusto ko na lang magpakuha sa lupa.

Isipin ko pa lang na magagalit sakin si Axis ay hindi ko na kinakaya.

"Naku, tigilan na nga natin yung ganitong usapan. Basta ang mapapayo ko lang sayo ay ingatan mo kung ano ang meron ka ngayon. Hindi lahat ng tao ay maswerte na makahanap ng taong magmamahal sa kanila. Kaya ikaw, tigilan mo na yung kakaisip mo ng ganyan, ang mabuti pa ay mag-isip ka na lang ng dahilan kung paano mo susuyuin si Alice. Huwag mong hayaan na masira yung meron ka ngayon ng dahil lang sa nakaraan." Hindi siya kumibo. Nakatitig lang siya sa akin kaya hindi ko na napigilan ang sitahin siya. "Huy. May kausap pa ba ako?"

"I'm sorry. When you were lecturing me, you remind me of someone I can't remember."

"Guni-guni mo lang yun. Oh paano, okay ka na?"

"I guess. Thanks for being my friend today, Kristen. I'll always think about your advice."

I just smiled at him kahit na yung mga luha ko ay parang gusto ng mag-unahan sa pagbagsak.

Seeing the man you love with someone else is really painful but thinking that he will br mad at me forever is the pain that I can't bear.

I can settle being his friend. At least, sa ganitong paraan ay mapapakita ko pa din sa kanya kung gaano ko siya kamahal kahit na ibang tao naman talaga ang mahal niya.

Mabuti ng tanggapin ko na lang ang sitwasyon. Ganun nga siguro talaga ang buhay, hindi lahat ng tao na magiging parte ng buhay mo ay magtatagal. Dadaanan ka lang nila para bigyan ka ng aral na kaya mong baunin habambuhay.

UNSEEN TRUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon