Does Age Matter? [24]

10.1K 142 24
                                    

                Namamasyal kaming tatlo ni Nathan at Javin sa mall, nag uusap naman sila ng pakonti-konti, siguro nahihiya si kuya sa mga nasabi niya kay Javin before. Tumigil kami sa isang ice cream parlor tapos bumilli, nag pahinga na rin kaming tatlo.

“Ate, dapat pala sinama natin si tito kris. Medyo tahimik tayo eh.” Si tito kris kasi, siya yung walang tigil ang bibig sa pag k-kwento tungkol sa mga babae eh.

“Oo nga no. Sige next time.”

Si javin, kain lang ng kain nung ice cream niya, nakita ko namang may amos siya kaya pinunasan ko.

“Thanks.” Sabi niya, sabay wink.

z

“No biggy. “ sagot ko.

“So I’m guessing na ito yung lalaking pinag palit mo sakin.” Sabi ng isang familiar na boses.

“johan” sabi ni kuya na may halong pagka inis.

“Hey there, Nathan. Long time no see ah. I missed my bestfriend.” Sabi ni johan. Yung muka ng kapatid ko, inis na inis na tipong gusto ng manuntok. “ So, lee. Siya na ba yung pinalit mo sakin?” inexamine niya from head to toe. “ He looks………nevermind. How old is he? “

“Wala ka na dun Johan, umalis ka na nga dito. At isa pa, wala na akong bestfriend simula nung lokohin niya ang kapatid ko dahil sinulot niya girlfriend ko” Sabi ni kuya.

“hehe, ano ba Nathan… it’s been what…. A year? Hindi ka pa rin ba nakaka move on? Pity you.”

“Ano ba johan, tumigil ka na nga. Mind your own business. “ sabi ko, tinaasan ko siya ng kilay.

“ Lee, baby… wag ka namang magalit sakin. I’m just saying…..”

“Well, we don’t effin care! “ sabi ko sa kanya, tinaasan ko na ng boses. “ And yes, this is my boyfriend and he’s way way better than you. “

“Hehehe. Kayong mga Xavier, ang iinit ng ulot niyo. Chill lang ok?” tapos umalis na siya.

Ughhh! Iniinis niya ako ng sobra!!! Ugghh!!!

Tinapon ko yung ice cream ko kahit marami pang laman.

Does Age Matter?(Student-Teacher Affair Book Two!) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon