Does Age Matter? [10]

13.3K 182 23
                                    

                Lumipas ang isang linggong ‘silent treatment’ sakin ni Javin. Dinadamay niya ang personal na buhay sa kanyang pag tuturo. Wala akong natututunan sa kanya, para bang hindi niya ako studyante.

“ Uncle, pwede bang mag palit ng section? Sa bar management lang naman eh” sabi ko kay tito.

“ Bakit? Diba si Javin Santos ang teacher mo dun?” sabi niya.

“ Opo. Uncle, wala akong natututunan sa kanya, lagi nalang siyang nag kwekwento. “ excuse ko. Pero totoo naman eh.

“ Baka he’s sharing his experiences. Okay nga yun eh, para may alam kayo pag sa barko kayo mag ta-trabaho. “ oo nga.. pero..

“ Ehh, oo nga ho. Eh parang hindi naman niya ako student, parang hangin lang ako. Ni hindi ako tinatawag sa recitation, basta! Wala akong natututunan sa kanya! I want to change sections! Or siya nalang ang ilipat mo!” bad mood na ako.

“ Nathalia, hindi madali yang gusto mo. Marami magiging conflict. “ ah ewan!

“ I-drop ko nalang yang pesteng subject na yan! “ lumakad na ako palabas ng office ni tito.

“ Why are you so bitter?” sabi niya pero hindi ko na siya pinansin dire-diretso na ako palabas ng office niya.

Bakit nga ba? Kasi nakita ko siyang may kasama ng babae sa mall? Nakita ko nakaakbay siya dun sa babae? Leche!

Dahil lunes nanaman, makikita ko nanaman siya. Habang nag lalakad ako, nabunggo ako nung babae, kasalanan niya kasi hindi siya tumitingin.

“ Watch where you goin, miss!” mataray yung pag kakasabi ko.

Tumingin siya sakin, medyo inis din. Nagulat kaming pareho nung nag katinginan kami.

“Bei!” sabi niya. Todo ngiti pa.

Tiningnan ko siya from head to toe na nakataas ang kilay.  Nag smirk ako sa kanya at nag lakad palayo.

Biglang nag flashback lahat ng ngyari, yung memories namin ni Sandra, ni Johan at dulot na rin ng sobrang kabadtripan hindi ko mapigilang umiyak. Para akong tangang magi sang umiiyak habang nag lalakad, pinag titinginan pa ko ng mga tao.

Dumiretso na ako sa room namin, dahil maaga pa. wala pa classmates ko. Hindi ko mapigilan yung luha ko at pag sob, wala namang tao kaya ok lang. naka subsob ako sa desk ko. Hindi ko alam kung pano ko malalabas yung galit sa puso ko.

Does Age Matter?(Student-Teacher Affair Book Two!) [COMPLETE]Where stories live. Discover now