Does Age Matter? [29]

8.9K 149 14
                                    

“Tahan na. hindi bagay sayo ang umiiyak eh.”

Napatingin ako sa lalaking nag salita.

“Anong ginagawa mo dito?”  sabi ko sa kanya.

“Hindi ko rin alam eh, basta nung nakita kitang umiiyak nung lumabas ka na bahay niyo parang may nag tulak sakin na sundan kita.” Na we-weirdohan ako sa kanya. Papasok na sana ako ng sasakyan pero pinigilan niya ako.

“san ka pupunta? Kaya mo bang mag drive?” sabi niya

“ Leave me alone, ok?! “ sabi ko sa kanya. Umurong siya sa kinatatayuan niya, sumakay naman ako ng sasakyan at nag drive.

“Hindi niya ako mahal? Hindi niya ako mahal? That’s bullsh!t! tanga lang ang maniniwala sa kanya! Sa kanila! Alam kong mahal niya ako, nararamdaman ko yun!” pumunta ulit ako dun sa lugar kung san kami unang nag ‘date’ .

Huminga ako ng malalim pagka baba ko ng car, ang sarap sa pakiramdam.

“ Alam kong mahal mo ako. Ang hindi ko lang alam kung bakit mo to ginagawa sakin!” sigaw ko. Umupo ako sa grass.

“bakit mo ba to ginagawa sakin. Bakit mo ba ako sinasaktan” sabi ko ng mahina habang sinusuntok yung lupa. “ Masaya ka bang nakikita ako ng ganito?”

Nirest ko yung ulo ko sa gitna ng dalawang knees ko. Nakikita kong pumapatak luha ko sa lupa. May nag text sakin…

 

‘iiyak mo lang ng iiyak yan, hanggang sa mawala lahat ng sakit na nararamdaman mo, hindi lang siya ang lalaki sa mundong to, marami pang iba dyan na tatanggapin ng pamilya mo, na mag mamahal sayo ng totoo, just open your heart and your eyes. Wag mo isara ang sarili mo para sa iisang tao, give chance to others, alam kong matagal ang healing process ng nasawing puso pero tulungan mo na rin sarili mong makalimutan siya, wag mong intayin yung panahon na makalimutan mo siya, gawin mo, subukan mo. ‘

 

 

Unknown number, but I assume na its from Rodriguez. He’s right. Pero… I need an answer. Yung totoong answer kung bakit niya ako iniwan ng walang paalam. If it’s because of work… hindi ko naman siya pipigilan eh, basta sabihin lang niya.

Pinunasan ko na yung luha ko at tumayo, bago ako sumakay sa sasakyan… tumingin muna ako sa view ng cliff.

“walangya ka javin. Bago palang tayo ganto na agad” sabi ko sabay sakay sa sasakyan. Nung dumating ako sa bahay, si rumbo unang nag welcome sakin. Awww, how sweet. Lumuhod ako para maka level ko siya.

Does Age Matter?(Student-Teacher Affair Book Two!) [COMPLETE]Where stories live. Discover now