Binalingan ko naman ang babaeng nasa harapan ko. Nakatitig sya sakin, mapapansin kong makulit sya dahil may isang nakakalokong ngiti ang nakaplastar sa mukha nya. Light blue ang buhok nya. Gaya ng isa, nakasuot din sya ng uniporme.

Yung isa ay naka crossed arms at nakatingin sakin. Sya ang pinakamatangkad sa tatlo. Sinuri nya ako ng tingin. Brown green ang buhok nya at may high lights na green.

Uhh, sila na siguro yung dorm mates ko. "Hi?" pagbati ko, medyo naiilang.

"Owemji! New dorm mate! Oh yeah!" nagulat ako sa biglaang pagsigaw ng babaeng makulit.

"You're new here?" tanong nung nasa kaliwa ko. Nag aalinlangan akong napatango. Ngumiti naman sya sakin. "I hope you don't mind that we entered your room. We were curious because there's a new name plastered in your door." Sinuklian ko sya ng ngiting nakakahiya.

Kelangan ko bang mag english? Pansin ko kasi lahat ng nandito ay mga english speaking. Sosyal.

Nagsalita ang naka crossed arms "I can't recognize you. I haven't seen you before." Napakamot naman ako sa ulo.

"Ah kase.. actually di ko talaga alam kung bat ako nandito. Sumakay kasi ako dun sa bus tas napadpad ako sa lugar na 'to. Pina-enroll ako ng head mistress, para nadin daw sa kaligtasan ko." pagsagot ko sa tanong nya.

"I assume you're from the mortal realm." Tinitigan nya pa ako sa mata. "But you're no ordinary human. You saw the bus and crossed the boarders.. It means that you're one of us." Nag salita yung brown ang buhok. One of them?

Anong ibig nyang sabihin?

"You see, Chanii~ wait can I call you Chanii?" Nag aatubili akong napatango sa tanong nung makulit.

"Only those who have Xenia's could cross the boarder. We have this barrier that hides us from the mortals. It tends to protect us~" Ngumiti sya at tumalon talon sa kama. Umupo naman yung pinakamatangkad.

"Since you've entered this realm. It means you have a Xenia!" Patuloy lang sya sa pag talon.

Ano ba kasing Xenia yan?

Nagsalita yung nasa kaliwa ko. "Xenia are our magics.", pag sagot niya. Narinig nya siguro yung tanong ko sa isip.

"Can youuuu show us yooours?"

Napakamot ulit ako sa ulo at nag isip kung anong sasabihin ko.

"Eh kase.. hindi ko alam kung may Xenia ba ako.. Ngayong araw lang din 'to ng malaman ko na nag eexist pala ang mahika. Biglaan kasi ang pagpasok ko dito. Sa totoo lang ay di parin ako makapaniwala." Napatango tango naman silang tatlo sa naging sagot ko.

"It's okay.. It happens sometimes. I think you're a late bloomer. Don't worry you'll figure it out soon." Ngumiti ng matamis ang naka crossed arms kanina. "By the way I'm Keyafarra Bhargavi. Earth Manipulator. Elemental Xenia. I could talk to any forms of nature" Nakipagkamayan naman ako sa kanya. Akala ko talaga maldita sya. Di pala. Saka ang astig nun! Nakakausap nya yung punong kahoy?? E yung mga hayop kaya?

"I'm Charvia, Water Magic, also Elemental Xenia. My special ability is transformation, that explains my last name Mystique hihi.", yung light blue ang buhok. Nagulat pa ako ng hawakan nya ang mukha ko, sa isang segundo, nagawa nyang gayahin ang mukha ko. As in gayang gaya! Pati suot ko! Bumalik din naman sya agad sa tunay nyang anyo. "I can transform to a person that I can touch" pag eexplain nya.

Transformation? Ang coooool!

"I'm Alisha Ruchika Trevor.." nakipagkamayan sakin yung blonde. Napabitiw naman ako agad ng may maramdaman akong electric shock.
Electric Magic, just like these two, i have an Elemental Xenia. I could teleport, my special ability."

PHILOXENIA ACADEMY: Love To StrangersWhere stories live. Discover now