Chapter 3

116 8 0
                                    

CHANDICA

MATAPOS kong sumigaw kanina, hinanap ko na ang magiging kwarto ko. Di naman ako nahirapan sa paghahanap dahil sa bawat pinto ay may pangalang nakasulat.

Alisha Ruchika Trevor,

Charvia Mystique,

Keyafarra Bhargavi.

Sila siguro ang magiging ka dorm mates ko.

May isang kwarto na walang nakalakip na pangalan kaya sa tingin ko ay yun ang akin.

Paghawak ko sa door knob, may kung anong umilaw sa taas na parte. Napagtanto kong unti unti palang sinusulat nito ang pangalan ko. Ang cool! Nag iba din ang kulay ng pinto naging abo ito.

Pinihit ko ang knob at bumungad sakin ang napakalawak na kwarto. Napakaaliwalas nito at parang nakakakalma.

Umayon sa gusto ko ang disenyo nito. Pagbukas palang, makikita mo na agad yung kama. Pangdalawang tao ang laki. May bedside table sa tabi kung saan nakalagay ang moon lamp at isang brown envelope.

May dalawa pang pinto sa kaliwa na sa tingin ko'y banyo at closet. Sa kanan ay may napakalaking salamin. May table din sa tabi. Nakalagay doon ang ilang pabango, cosmetics at iba pang sa tingin ko ay mga pambabae.

Humakbang ako at do'n ko lang nakita ang kabuuhan ng kwarto.

Napansin ko ang bookshelf, nasa tabi ito ng pinto kaya di ko nakita kanina. Iba't ibang libro ang nakalagay. Makikita mo rin dun ang isang study table at may kung ano anong kagamitan. May nakita din akong bag na sa tingin ko'y gagamitin ko para sa klase.

Pumunta ako dun sa banyo at binuksan. Una kong napansin ang bathtub, Naroon din ang salamin, sa tabi nito'y may mga sabon at kung ano-anong gamit pang di ko alam kung para saan.

Sunod kong tinungo ang closet. Napanganga ako pag bukas, hindi pala sya ordinaryong closet gaya ng inaasahan ko. Kundi isang walk in closet. Pambihira. May iba't ibang klase ng mga damit. Dress, formals, naroon din ang school uniform.

May malaking salamin din na nakalagay.

Bat ba ang daming salamin dito? Dun nga sa bahay namin isa lang.

Namangha ako sa uniporme. Mahaba ang manggas sa upper part. Kulay puti ito na may strips na gold. Yung necktie ay kulay asul. Ang skirt ay kulay asul din. High waisted ito at may strip din na gold. Tantya ko ay above the knee ang taas.
Di naman sya masagwa tingnan dahil may knee socks na pares. Plain white ito.

Woah, kung susuotin ko 'to ay parang nag aaral ako sa Japan. Ganitong ganito kasi yung mga uniform dun. Babagay kaya to sa'kin?

Napadako ang tingin ko sa mga sapatos. May mga heels at rubber shoes. Naroon rin ang school shoes ko. Plain Black lang ito, medyo may kataasan dahil sa konting heels pero tingin ko'y di naman ako mahihirapan maglakad.

Nakakamangha dahil alam kong saktong sakto lang ito sa size ko. Lahat ng nandito ay kasize ko lang.

Pinaghandaan ba talaga 'to? Saka totoo bang akin na lahat ng 'to? Di kaya'y nananaginip lang ako?

Bumalik ako sa kama. Hiniga ko ang sarili, nakatulog agad ako dala sa pagod ng paglalakad.

NAKARINIG ako ulit ng ingay dahilan para magising ako. Tatlong magagandang mukha ang sumalubong sa'kin. Mabilisan akong napaupo sa pagkakahiga. Hindi ako nakapagsalita at inexamin silang tatlo. Sa bandang kaliwa ko, nakatayo ang may katangkarang babae. Maganda sya at porselena ang balat. Actually, silang lahat ay porselena at makinis. Halatang galing sa mayaman na pamilya. Blonde ang buhok nya, maamo ang mukha, nakasuot sya ng uniporme ng akademya

PHILOXENIA ACADEMY: Love To StrangersWhere stories live. Discover now