Chapter 40

2.3K 102 28
                                    


Hindi ko alam kung lumabas sa notifications niyo 'yong Chapter 39 na in-update ko noong isang araw. Hindi kasi nag-notify sa akin. Check niyo na lang :>

NAMUMUNGAY ang mga mata ko sa mararahang haplos ni Froilan sa aking buhok. Unti-unti akong nakakaramdam ng antok hindi lang dahil sa pamumugto ng mga mata ko kundi dahil para niya akong hinehele.

"Aren't you scared?" naitanong ko.

His slow caress on my hair stopped for a bit. He stared at me intently as if trying to swim in the deepest of my thoughts again.

"No," matapang na sagot niya.

Bahagya akong napangiti. Magkatabi kaming nakahiga sa kama niya at magkaharap. Kahit patay na ang ilaw ay nasisiguro kong nakita niya ang pagngiti ko.

"Why? Hinahanap ka na rin nila."

Tila binalewala niya lang ang sinabi ko. Mas lumapit pa siya sa akin upang yakapin ako.

"There's nothing to be scared about as long as I have you. You're my strength."

I bit my lower lip to stop my tears. His words sounded so painful for me again. It was as if those words had their own swords -- piercing deeply through my heart.

Muli kong naalala ang dahilan ng pamumugto na naman ng mga mata ko. Alam na ng mga awtoridad na ako ang suspek. Nailarawan ako nang mabuti no'ng receptionist kaya mabilis na nai-sketch ng pulis. Agad na ipinakalat sa publiko ang sketch kaya most wanted na ako ngayon.

Ayon sa balita, pinuntahan ng mga pulis ang apartment ko ngunit nang walang madatnan doon ay nagtungo sila sa bahay nina Tita Rosanna. My heart was breaking when I remembered watching my aunt being interrogated and defending me at the same time.

"Hindi ko alam kung nasaan ang pamangkin ko! Wala kayong mapapala sa amin! At hindi siya kriminal kaya tumigil kayo sa mga paratang ninyo! Mabuting tao ang pamangkin ko!"

Walang kaalam-alam si Tita at ang mga pinsan ko sa kinasangkutan ko. Talagang hindi nila alam kung nasaan ako at mas nagpapadagdag lamang ng bigat sa akin ang pag-iisip na paniguradong nag-aalala na sila sa akin.

Mabilis ang imbestigasyon. Marahil dahil ay anak ng Mayor ang napatay kaya tila minamadali talaga ang pagtugis sa akin. Ayon sa ibinalita sa TV, marami na raw napagtanungan ang mga pulis tungkol sa kung saan ako marahil naroon. Isa sa mga napagtanungan ay isa sa mga schoolmates ko. Ito ang nagsabi sa mga pulis na boyfriend ko si Froilan Enrico Jr.

Laman na rin tuloy ng balita si Froilan dahil wala raw ito sa condo nito at posible raw na magkasama kami.

Hindi ko na alam kung paano pa kakalma. Gusto ko na lamang matapos ang lahat ng ito ngunit hindi ko alam kung paano. Unti-unti na akong pinanghihinaan ng loob.

"I love you..." naiusal ko nang gumanti ako ng yakap sa kaniya.

He hugged me tighter. I felt him kissed my head before my eyelids started to get heavier.

"I love you more, mon amour. Just stay with me, alright? We'll fight together."

*****

"We already called your Tito Quillon, Froilan. Mamayang tanghali ang dating ng mga bodyguards nila. Ang sa mga Velleres, bukas pa yata," imporma ni Tita Claudia kinabukasan sa almusal.

We peacefully ate our breakfast that day. No one dared to talk about the news. Chaz kept on glancing at me and his Kuya, but he wasn't saying anything. Batid kong may mga nais siyang itanong ngunit ayaw na lang sigurong isatinig.

Pagkatapos kumain ng almusal ay nagpasya akong maligo na. Nang matapos akong maligo ay napansin ko ang mahabang sinulid sa naisuot kong damit. Naghanap ako ng gunting sa banyo ni Froilan ngunit wala akong nakita. Tiningnan ko rin sa study table, drawers, at kung saan-saan pa ngunit wala. Kahit cutter ay wala.

For You, AmorWhere stories live. Discover now