Sobrang ganda ng paligid, ang daming mga bagay na ngayon ko lang nakita. Napangiti ako lalo na no'ng maramdaman ko ang lambot ng inuupuan ko ngayon. Ang suot ko pala ngayon ay kulay lavander na bestida at nagsuot din ako ng 3 inches na heels.

"Here's your cake" wika ng lalaking magiging amo ko na inilapag na ang cake sa harap ko at juice.

Hindi ko namalayan na nakaupo na pala ito sa katapat kong upuan. Hindi ko nga rin napansin kung paano nito nakuha ang cake na sinasabi nito. Siguro dahil abala ang mga mata ko sa paglilibot sa kabuuan ng silid nito.

"By the way, what's your name?" Balewalang tanong nito sa akin.

"Huh?" tanong ko dahil hindi ko ito naintindihan.

"Anong pangalan mo?" ulit nito.

"Ah, Jessica Tolentino po pero tawagin n'yo nalang po akong Jess o kaya JM. 23 years old na po ako" Nakangiting sagot ko dito habang sinisimulan nang lantakan ang cake na binigay nito sa akin.

"JM?" Kunot-noong tanong nito. Napangiti naman akong lalo.

"JM, Jess Maganda" sagot ko na tumawa pa ng mahina. Wala naman itong naging reaksyon kaya napapahiyang ngumiti nalang ako at bumaling sa kinakain ko.

"E ikaw sir, ano pong pangalan n'yo?" lakas-loob na tanong ko sabay subo ulit nung cake.

"Tristan Guttierez" Maikling tugon nito.

"ok sir Tristan. Ilang taon na po kayo?" Tanong ko pa na walang kailang-ilang at habang nakangiti. Napansin ko na kumunot ang noo nito. "M-mali ba ang ta-tanong ko-----"

"28" Maikling sagot nito. Napansin ko na bigla itong napatingin sa kinakain ko, kasi halos maubos na iyon.

"Hahaha sorry, sir---- ngayon lang ako nakakain nito e" Natatawang wika ko na ang tinutukoy ay ang cake na patuloy kong kinakain.

"Ah ok lang, sige kumain ka lang" wika ni sir Tristan na may pilit na ngiti.

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni Sir, tunog lang ng isang bagay ang bumasag ng katahimikang 'yun.

"Sir, may tumutunog"

"Naririnig ko nga" Pamimilosopo nito sa akin. Napakunot-noo naman ako pero agad din naman nakabawi at ngumiti dito.

"Sabi ko nga" Pambabara ko naman dito habang nakangiti.

"May sinasabi ka ba?" Kunot-noong tanong nito.

"Wala sir, ano po ba 'yung tumutunog, sir?" Tanong ko naman dito.

"Cellphone, hindi mo ba alam 'yun?" Tanong nito na parang hindi makapaniwala. Ngumiti naman ako.

"Tatanungin ko ba sir kung alam ko?" Nakangiting balik-tanong ko dito. Sinamaan naman ako nito ng tingin. Umiwas naman ako bigla ng tingin dito. Mukang gusto ko nang bawiin ang sinabi ko na mukang mabait ito.

"Tsk! Sige sagutin ko muna ito, excuse me" wika nito bago tumayo para umalis papunta sa isang sulok ng silid.

"Ok, sir" Pahabol ko pa dito.

Nang makita ko na nakatalikod na ito at abala na sa kausap nito sa cellphone ay agad kong kinuha ang cake na nasa isang platito na hindi naman kinain ni sir, agad ko iyong sinimulang kainin. Sayang naman kung hindi kakainin 'yung cake diba?

Sa panahon ngayon ay bawal na mag-aksaya ng pagkain saka kulang ang binigay nitong cake sa akin. Napakatipid magbigay. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang kumakain ng cake dahil sobrang sarap no'n. Pakiramdam ko nga ay kulang pa rin iyon sa akin.

--

Tristan

"Hello, son?" Bungad agad sa akin ni mom na s'yang tumawag sa akin.
Nakatayo ako ngayon sa may bintana at tinatanaw ang ibaba ng G. Corporation kung saan naglalabas-masok ang mga empleyado.

"Oh mom, bakit po kayo napatawag?" Tanong ko kay mom na sumandal sa glass ng bintana at napatutok ang tingin sa babaeng nasa opisina ko ngayon at panay kain ng cake.

Napakunot-noo pa nga ako no'ng mahuli ko na kinuha pa nito ang slice ng cake na dapat ay para sa akin. Hindi ako makapinawala na ganitong klase ng babae ang gusto ni mom na maging date ko.

"Gusto ko lang malaman kung nariyan na ba si Jessica Tolentino?" Tanong nito. Napabuntong-hininga pa ako.

"Yes mom, she's here. Bakit po? S'ya ba ngayon ang bago n'yong target na maging date ko, mom? Hindi pa ba kayo susuko na-----"

"What are you talking about, son? She's not your date. S'ya ang magiging bagong katulong natin" Putol ni mom sa sinasabi ko.

"What? Maid?" Gulat na reaksiyon ko. Hindi ako makapaniwala na s'ya pala 'yung maid na hiniling ni mom kay tita Guada. I can't believe this!

"Yes, anak. Bakit may problema ba?" Tanong ulit ni mom na halata sa boses nito na nakikiramdam sa akin.

"N-nothing, mom" sagot ko nalang.

"Sige, anak. See you later" wika ni mom bago pinutol ang tawag.

Napabuntong-hininga ako at napatingin ng masama sa babaeng parang walang pakialam habang patuloy na sumusubo ng cake. Nagsimula akong lumapit dito.

"Diba ikaw si Jessica?" Tanong ko agad do'n sa babae pagkalapit na pagkalapit ko dito. Medyo napataas pa ang boses ko. Hindi naman ako galit, naiinis lang ako dahil nagmukha akong tanga kanina.

"Opo sir" Inosente nitong sagot sa tanong ko.

"Bakit hindi ka kaagad nagpakilala?" Inis na tanong ko dito. Napatingin pa ako sa platito na wala nang laman ngayon. Nainis akong lalo.

"Nagpakilala ako sir a. Limot n'yo ba sir?" Asar na tanong pa nito sa akin. Napasabunot tuloy ako sa buhok ko.

"Bakit hindi mo sinabi na ikaw pala ang magiging bagong katulong namin?" Nawawalan ng pasensiyang tanong ko dito. Tumingin naman ito sa aking mga mata na para bang nahihiwagaan sa ikinikilos ko ngayon. Napabuntong-hininga ako.

"Hindi ka naman nagtanong sir e" sagot naman nito. Tsk!

"Hays!" Asik ko nalang dahil sa inis. Sino bang mag-aakala na sya pala ang magiging maid namin?



🌻Thank you for reading! Feedbacks are always highly appreciated! ❤❤❤ Keep safe everyone!

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Where stories live. Discover now