Chapter 24

15.4K 444 16
                                    

NAPAPANGIWI si sir Tristan habang nilalagyan ko ng betadine ang sugat nito sa mukha na natamo nito mula sa akin. Hindi ko naman kasi sinasadya na kalmutin ang mukha nito. Nagulat lang kasi ako no'ng mapansin ko na hahalikan ako nito.

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko maiwasang hindi makonsensiya lalo na't nasugatan ko ang gwapong mukha ni sir Tristan. Hindi ko nga magawang tumingin ng diretso dito.

"S-sorry talaga, sir Tristan" Paumanhin ko ulit dito kahit nakakasampong sabi na ako noon.

Narinig ko naman ang mahinang pag-asik nito. Napatingin ako dito at nakita ko ang masama nitong tingin sa akin. Napapangiwi pa ito habang dinadama ang sariling mukha.

"Hays! Bakit mo ba kasi ako kinalmot? Are you a kitten, woman?" masama pa rin ang tingin sa akin na tanong nito.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago nilabanan ang mga titig nito sa akin.

"Eh ba-bakit ba kasi gusto mo akong ha-halikan, sir?" Kinakabahan na tanong ko dito.

"Tsk! Of course----because you are my girlfriend now" Nakaasik na sagot sa nito akin.

Girlfriend? Hindi agad ako nakagawa ng reaksiyon dahil pinakiramdaman ko ang aking sarili. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinasabi nito ngayon.

"Girlfriend?"

"Tsk! Ayaw mo ba?" Parang nawawalan na ng pasensiya na tanong nito. Nataranta naman ako bigla. "Kung ayaw mo-----"

"H-hindi! A-ang ibig kong sabihin ay gusto ko. Gusto kong m-maging------ girlfriend mo" Putol ko sa mga sasabihin nito na bahagya nalang ibinulong ang huling salita.

Iniwas ko rin ang tingin ko kay sir dahil masyado nang nag-iinit ang pisngi ko. Nakakaramdam din ako ng hiya dahil parang atat akong maging girlfriend nito. Wala na rin naman akong magagawa dahil ako na ang unang umamim at talaga namang gusto ko si sir kaya ayaw ko na itong pakawalan pa. "Wahh! Ang landi mo Jessica, hindi ganyan ang itinuro ng nanay mo" Bulong ko pa sa aking sarili.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni sir kaya napatingin ulit ako dito. Nagulat ako no'ng ginulo nito ang aking buhok.

"My innocent girl. Kung ayaw mo, liligawan kita, 'yan ang gusto kong sabihin" wika naman ni sir na ikinamulaga ko. Napamaang ako. Ang atat ko nga!

Napakagat-labi ako dahil sa kahihiyan. Natawa naman si sir kaya naramdaman ko na naman ang pamumula ng aking pisngi. "Pero dahil pumayag kana, hindi muna pwedeng bawiin iyon. You are my girlfriend now"

"Pero----" Hindi ko na naituloy ang iba ko pang sasabihin dahil mabilis ako nitong hinalikan sa noo.

"And I'm your boyfriend now" Bulong pa nito sa may tainga ko. Lihim akong napangiti dahil doon. Sobrang sarap sa pakiramdam.

Nawala bigla ang pagkakangiti ko no'ng maalala ko ang nakita kong tagpo sa pagitan nina sir Tristan at ni ma'am Bianca. Napakunot naman ang noo ni sir ng tumingin ito sa akin at mapansin ang pananahimik ko.

"Is there any problem?"

"'Yung tungkol sa nakita ko kanina sa inyo ni ma'am------" Hindi ko na naituloy ang iba ko pang sasabihin dahil tumawa si sir Tristan. Napakunot-noo naman ako dahil doon.

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Where stories live. Discover now