EPILOGUE

23.1K 545 68
                                    


NAGMAMADALI kaming umuwi ni Tristan sa bahay matapos tumawag ni mom Trini na umiiyak na ang anak namin at hindi mapatahan ng mga ito.  Nagkaroon kasi bigla ng emergency meeting sa opisina at kahit ayaw naming iwan ang anak namin ay napilitan na rin. Nagboluntaryo rin naman sina mom na ang mga ito na ang magbabantay sa apo ng mga ito.

Katulong ako ngayon ni Tristan sa opisina dahil ako muna ako tumatayong secretary nito habang nagpapahinga si Ms. Alvarez dahil bagong panganak pa lamang ito. Hindi naman ako madalas na nasa opisina dahil hindi hinahayaan ni Tristan na mawalan ako ng oras sa anak namin na anim na buwan pa lamang. Madalas nga ay sinosolo nalang nito ang trabaho para hindi na ako mapagod.

"Slow down, love" Suway sa akin ni Tristan no'ng muntik na akong madapa dahil sa sobrang pagmamadali. Mabilis din itong nakalapit sa akin para hawakan ako sa kamay. Hindi na ako nito binitawan hanggang makapasok kami sa loob ng bahay. Napangiti nalang ako.

"Sa tingin mo Ele, kapag kaya nagpaganda ako katulad ni Jess, makakahanap din kaya ako ng asawa na katulad ni Tristan?" Ang una kong narinig pagkapasok palang namin ni Tristan sa bahay. At ang nagtanong ay walang iba kung hindi ang kaibigan kong si Ella na ngayon ay may hawak na make-up at lipstick. Inilibot ko ang paningin ko para hanapin ang kinaroroonan ng anak ko.

"Tsk! Stop dreaming, woman!" Narinig ko namang sagot ni Sebastian sa kaibigan ko na nakaasik pa. Nandito rin pala itong pinsan ni Tristan.

Narinig ko naman ang pag-asik ng kaibigan ko. I think, there is something between the two of them. Napangiti ako ng makita ko ang anak ko na ngayon ay karga-karga nina mom Trini at Inay. Agad akong lumapit sa mga ito. Kinuha ko ang karga ni mom Trini habang si Tristan naman ay ang karga ni Inay.

"Nakakapagod na talagang mag-alaga ng bata, balae" wika pa ni mom Trini na nagpaunat-unat pa ng mga braso. Natawa naman si inay.

"Natanda na talaga tayo. Mabuti nalang talaga at napatigil natin sa pag-iyak ang dalawang bata. Naramdaman yata na parating na ang daddy at mommy nila" wika naman ni inay habang natatawa.

"Salamat po sa pag-aalaga sa anak namin mom and nay" Nakangiting pasasalamat naman ni Tristan sa dalawa. Sabay naman napatingin sa amin sina mom at inay.

"Hay nako! Ano ba kayong mga bata kayo? Ayos lang 'yun! Masaya rin naman mag-alaga ng mga apo e" suway sa amin ni inay.

"She's right. By the way, ibaba niyo na 'yang sina Glen at Gwen ng hindi na maabala ang tulog" wika naman ni mom Trini na itinaboy na kami papasok ng aming kwarto. Kumindat pa ito sa amin na nagpakunot sa aming mga noo. "Bilisan niyo na ng masundan na ang kambal" May panunukso sa boses na taboy sa amin ni mom. Napamulaga naman ako sa sinabi nito.

"Mom!" Reaksiyon naman ni Tristan sa mom nito pero parang wala naman narinig si mom Trini na patuloy lang kaming itinutulak papasok ng kwarto.

Wala na kaming nagawa ni Tristan kung hindi matawa no'ng makapasok na kami sa loob ng aming kwarto. Agad namang inilapag ni Tristan ang anak naming si Glen sa crib bago nito kinuha sa akin si Gwen para ilapag din doon. Hindi na ako nagulat ng ang sunod nitong gawin ay yakapin ako dahil madalas nito iyong gawin lalo na kapag bagong dating ito galing trabaho. Napangiti naman ako.

TCGM: The CEO's Glamorous Maid ✔[COMPLETED] Where stories live. Discover now