Chapter 22: Ally

Magsimula sa umpisa
                                    



Napabagsak na lamang ang mga balikat ko at kahit papaano ay nagpapasalamat dahil nahimasmasan ako sa tinig ng babaeng ito. I nearly tried to kill these men. What am I doing? Seriously. "Mom, get off. You're heavy." nagmamaktol kong daing at nagyuyugyog pa para pababain siya.



Kalaunan ay naramdaman ko naman na ang pagbaba niya kung kaya't napatayo na akong muli ng tuwid. At sa oras ng pagharap ko sa kaniya ay malaking yakap at sandamakmak na halik sa mukha ang ibinungad niya sa akin. The old ladies' red lipsticks, ugh!



"Ms. Genevieve. Greetings, milady." Natawag naman ng pansin niya ang pagbati at pagbibigay galang ng mga guwardiya sa kanya na siyang naging dahilan upang tigilan na niyang lamugin ang gwapong mukha ng nag-iisa niyang anak. Geez.



My stepmother is unable to produce a child during her marriage with my father so she decided to dedicate her whole life of taking care of me and protecting me from any harm. I'm kind of guilty now for not visiting her so often. I've missed her.



"Guards, please let them enter. This child is my son. He is telling you the truth." pahayag niya sa mga tagapagbantay kaya naman tila ba napahiya sila sa mga paunang inasal nila sa harap ko kani-kanina lang. Mababakasan din sila ng nerbyos sapagkat napagtanto nila ang katumbas na kaparusahan ng mga isinakilos nila.



Magagalak na sana ako nang todo sa pabor na ginawa niya para sa aming lahat kung hindi lang ako nakatanggap ng kutos nang wala sa oras. "Mom! What is that for?!"



"Ayan ang napapala ng mga hindi dumadalo sa mga mahahalagang pagkikita-kita ng pamilya. Hindi ka tuloy nila nakilala! You, ungrateful child! You didn't even think about an old woman waiting for you to come visit her and tell her some stories of your adventures!" panenermon nito na bakas ang hinanakit at pagtatampo sa akin. Animo'y batang nakapahaba pa ang nguso at umarte pang mistulang umiiyak.



Ayos na e. Manlalambot na sana nang sobra-sobra ang puso ko. Kaso may kasamang hampas at palo pa ang drama niya. Hindi pa man din kami sumasabak sa laban, nananakit na ang mga braso't dibdib ko. Ang mga babae talaga.



"W-Wait! Which among my pictures did you show to them in order for them to recognize me anyway?" pagpapahinto ko sa kanya sa mga hampas niya. Ang sakit na kaya! 



How come they weren't able to recognize me? There should be a reason, of course. Sankaterba ang mga litrato ko kay mama at kahit sa facebook ko. Imposible namang hindi nila ako kaagad makilala. 



Nanahimik naman siya sandali at umastang nag-iisip nang pagkalalim sa pagtingin sa alpobreng kasing pula ng dugo. Para siyang isang batang naghahanap ng paraan para makalusot sa isang kasalanang nahuli siyang ginagawa ito. As expected. 

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon