Chapter 22: Ally

Magsimula sa umpisa
                                    



Tumikhim muna ako nang sa gayon ay sa maayos at seryosong tinig nila mismo malaman kung sino ako. How dare they mock me as if I'm not a Cromello and a close officer of Xander's? Mga bagong salta ba ang mga ito? If they are then, I want to send them the message that I don't find this action so funny.



"My name's Skyzzer Yuan Cromello Sanchez. Master Alexander's and Miss Alexandria's cousin. My mother's the late Miss Edeline Cromello. So, if you don't want to make your heads rolling on this carpet right now, you should stop blocking our way and open the damn door."



Hindi naman maitatanggi ang pagkagulat at pagkapanindig ng kanilang mga katawan buhat ng kung paano ko ipinakilala ang sarili ko sa kanila. Hindi naman ako magsasalita ng ganoong banta kung madali lang silang pakiusapan. I told them to let us in once. I'm a young master here. They are not supposed to make me say it twice.



Don't try to take my hellish side out of me. I'm not really in the mood.



"W-What if y-you're not telling the truth?" nanginginig ang boses na sabi ng isa.



Sa isip-isip ko, gustong-gusto ko na sila pagpuputukan ng baril sa ulo. Sa dami ng iniisip ko sa ngayon, sa tingin ba nila ay may oras pa ako para makipaglokohan? Hindi rin ba sila tinuruan na kapag nasa harapan nila ang mas nakatataas sa kanila ay huwag na huwag nila itong tututukan ng kahit anong armas?



At dahil mas lalong hindi ko gustong masira ang umaga ko sa oras na magpakawala ako ng mga bala, sinubukan kong ikalma kahit papaano ang sarili ko. Bumuntong hininga muna ako at saka sinenyasan sina Edward na lumayo muna ng kaunti sa kanila at pumunta sa likuran ko.



"Hey, did Sky eat a piece of thing last night or did he even get a slightest nap yesterday?"

"I think not."

"Then, that's the biggest problem."

"Poor souls."



Gagawa na sana ako ng aksyon para maisakatuparan sa katotohanan ang banta ko nang pumarinig sa pasilyo ang tinig ng taong halos isang taon ko nang hindi nakikita at nababalitaan. Argh. Good timing.



"Anak! Sky! Oh my goodness! You're here!" matinis nitong bulalas at naramdaman ko na lang ang biglaang pagsampa niya sa likuran ko. Halos mawalan naman ako ng balanse at hininga sa pagkakapulupot ng mga braso niya sa akin.



Katanda-tandang tao naggagaganto pa.

Mhorfell Academy of Gangsters (Now Published Under PSICOM Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon